CHAPTER 19 ARZIEL’S POV Kinabukasan, ang buong bahay ay tila huminga ng mas maluwag. Walang ingay. Walang istorbo. Walang Lea. Bumaba ako mula sa hagdan, suot ang simpleng floral sundress at rubber shoes—hindi naman formal, pero sapat para hindi ako magmukhang lutang kung saan man kami pupunta ni Gideon. Oo, niyaya niya ako. Date daw. Palihim. Patago. Pero date. Pagkababa ko, agad ko siyang nakita. Naka-white shirt, denim jacket, at faded jeans. Simple, pero ang lakas pa rin ng tama. Nakaupo siya sa armrest ng sofa, hawak ang susi ng sasakyan, at nang magtama ang tingin namin, ngumiti siya. Hindi 'yung ngiting "kuya"—kundi 'yung ngiti na para bang ako lang ang tao sa buong mundo. “Ready ka na?” tanong niya, sabay tayo. Tumango ako, pinipilit pigilan ang ngiti sa labi ko. Pero alam k

