I stopped him. Baka kasi kung saan na naman mapunta yung halikan namin. Pareho na kaming bumaba mula sa sasakyan. Ilang beses pa siyang nagdoorbell bago namin narinig ang boses ni Seff sa loob ng bakuran. "They are here Ms. Agatha!" sigaw pa niya nung binuksan kami ng isang babae na sa tingin ko ay katulong nila. "Please get inside." bungad sa amin ni Agatha nung tuluyan nang binuksan ang gate. "Seff is too excited at kanina pa siya di mapakali." natatawang saad sa amin ni Agatha habang pinagmamasdan si Seff sa bawat pagligpit ng gamit niya sa desk niya na nasa terrace lang. Tumatakbong lumapit sa amin ang little step sister ko. "Ate Chanvain!" ngiti niya pa. "Kuya!" she gestured a hug from her kuya kaya kinarga siya nito. "Paano Miss Agatha, Kailangan pa kasi naming bumyahe. Mauna na

