First day of school. Para akong bata na takot sa First day of school. Tiningnan ko ng maigi yung sarili ko sa salamin. Naka white V-neck shirt lang ako at naka ripped jeans lamang na penarisan ng sapatos. Wala naman kasing required na uniform yung university kung saan ako mag-aaral. At ewan ko ba at parang wala akong gana mag-ayos dahil hindi naman kaeksa-excited ang pupuntahan ko. Malamang kung sa isang party pa yun ay kanina pa ako nag-iisip ng pipiliing susuotin. I stood up then I hurriedly pulled my shoulder bag. Di na ako nag-effort pang mag-make up dahil hindi naman ako mahilig dun. Nakailang hakbang na rin ako sa may hagdanan nong may narinig akong tila nag-aaway na sa hinuha ko ay nagmumula sa kitchen. I know those voices. "Ilang ulit ko bang sinabi sayong magpakatino ka na? Di

