Chapter 2: Blackhearted
Over POV
Hindi ko alam pero parang laging may nakatingin sa'kin. 'Yong parang sa kunting galaw lang e may matang nakamasid. Minsan tuloy na isip ko na kailangan kong mag-ingat kahi't wala naman dahilan, pero ang totoo n'yan wala naman akong ginagawang mali.
Tulad ngayon, may nakamasid sa'kin habang nanood. Dahil bored na rin ako sa pinapanood kaya nagdesisyon ko nalang gumala, total linggo naman ngayon.
"Opss. Teka, teka!" Pigil sa'kin ni Kuya Ever na sinadya pang iharang ang katawan sa pinto. Para kaming naglalaro nang patintero na siya ang taya.
Tinaasan ko ito ng kilay bago siya sinikmuraan pero matindi. Kahit namimilipit na sa sakit e nakaharang parin ang dalawang kamay niya sa magkabilaan hamba ng pinto.
"Y-You're--murder!" Namimilipit niyang sabi.
Nagkasalubong naman ang kilay ko sa pagiging OA ng lalaking 'to. Sinikmuraan lang e murder agad?
"Hindi nakakamatay ang suntok sa tiyan, Kuya." Ngising sabi ko na may kasamang pang-aasar.
"No! You're almost killed my childs!" Kunyaring nagluluksa ito habang nakahawak parin sa kanyang tiyan na kunwari ay nakunan siya.
"Feelingero. Wala kang matris." Panunuya ko sa kanya. "Atsaka anong childs? Ano ka baboy, aso o pusa?" Ngising ani ko.
Nang makabawi ito mula sa natamong suntok maayos itong nakipag-usap sa'kin. Kaya ang ending pareho kaming umalis ng bahay, take-note dalawa lang kami naglakuwatsa.
Nang maalala namin na naglakuwatsa lang kami at dahil na rin sa takot na madouble ang makuha namin sermon pag-uwi, e minabuti nalang namin magcommute. Pero nagsisisi na ako bakit isinama ko pa siya. Ang daming dada. Kesyo ingat kasi ganito ganyan. Pihikan din sa lahat ng bagay.
"Not that! Ito nalang." Inis niyang hinablot ang bibilhin ko sanang mansanas at inabot sa'kin ang isang nakaplastick na mansanas din.
"Nagpa-iwan ka nalang sana kasi." ani ko habang ibinibigay ang bayad sa tindera.
"Pareho tayong mapapagalitan kahit hindi ako kasama." Akbay niyang sabi.
"Pareho naman na mansanas. Mahal ngalang itong may plastic." paninisi ko. "Atsaka sabi mo sagot mo ang gastos." Pagpapaalaala ko sa buyo niya kanina.
"Para pareho tayong mapapagalitan pag-uwi." Walang konek niyang sabi.
Tumahimik nalang ako kasi hanggang ngayon talagang nararamdaman kong may nakamasid. Tuwing lilingon naman ako sa paligid wala naman kahinahinalang tao.
"Normal sa buntis ang ganyan." wika ni Kuya ng mapansin niyang ang kawerduhan ko.
"Pero hindi normal 'yong sasama-sama ka. E ang buddy mo si Kuya Never." Ngayon kasi siya sumama sa'kin, mas madalas kasi nitong kasama ang kambal. Kesyo same vibes sa kalukuhan.
Pagdating ngcine siya ang nagpresentang pipila at bibili. Caring-Tito raw kasi.
"Sis, doon sa kabila." Mahinang sabi niya habang nakaturo sa pinakagilid.
Hindi rin nagtagal at nagsimula na ang palabas. At hindi rin nagtagal at binatukan ko ang kasama ko.
"What was that?" angil niya habang nakahawak sa batok niya.
Hindi ko nalang siya sinagot at nagmartsang umalis. Hindi ko na rin hinintay ang sasabihin niya. Nabadtrip ako. Kung iisipin ang babaw ng dahilan. Ang kaso hindi ko makuhang matakot sa pinapanood namin. Parang may kung anong hindi ko magets sa sarili ko. Kung baga ang liit na bagay ang daling mang-inis at manira sa mood ko.
Siguro nga ito 'yong sinasabi nila na sintomas daw ng mga buntis. Mainitin ang ulo. Madaling mawalan nang pasensya sa lahat, kahit pa 'yong napakasimpleng bagay. Tulad nang napanood namin na horror movie. Hindi ko na pinatapos kasi hindi manlang ako natakot, ni nabigla. Kung baga hindi nangyari 'yong ini-expect ko.
"Sayang ang pera, Sis." Habol niyang sabi habang dala-dala pa niya ang pop-corn.
Dumeretso nalang ako ng grocery para maghahanap nang matitipuhan. Natigil ako sa paglalakad nang matanaw ang kumpol na display na chocolate. Pumili ako na sa tingin ko ay suwak sa lasa ko.
"Bawal 'yan." protesta ni Kuya na may dalang pushcart.
Binaliwala ko siya at inilagay ko lahat ng nagustuhan ko sa pushcart na dala niya. Halos lahat nang madampot ko lahat ay hindi pwede. Puro bawal, nakakasama raw.
Laking gulat ko ng makitang naglaho ang lahat ng inilagay ko roon. As in lahat! Walang laman.
"Such bad." Iling niyang sabi. "Empty pushcart." kunyaring panghihinayang niya na walang laman ang lalagyan.
Hindi naging maganda ang araw ko sa nangyari. Nagsunod-sunod 'yon sa nakalipas na araw. Gustuhin ko man mag-isa lalo na sa pagpunta ng school ay hindi sila pumapayag. Laging may naghahatid at sumusundo sa'kin. Akalain tuloy ng iba boyfriend ko kuno mga sumusundo sa'kin.
Kahit iritable sa mga panunukso ng mga kasama ko hindi ko nalang sila binubulyawan. Pero sa totoo n'yan gusto ko na silang paliparin ng kamao. Nanakit na tuloy kamay ko kasi wala pang nasasapak.
"Pare si Over, 'yon 'di ba?" Dinig ko hindi kalayuan.
Nagpatigil nalang kami dahil sa mga humarang sa'min. Sa bilang ko mga sampu mahigit sila, mga third year.
"Hi girls!" Ngiting asong bati ng isa.
"Sabi sa'yo, Pre e!" sabi naman ng isa.
Kung hindi ako nagkakamali siya 'yong nagturo sa'kin kanina.
"Anong mayro'n mga Tsong?" Walang ganang tanong ni West kaya nagpabungisngis ang ibang kasama namin.
"Crop the Tsong, Babe." sabi naman ng isa at bahagyang naglakad ito papalapit sa kasama ko.
"Babe mo mukha mo?!" Nandidiring sigaw ni West sa lalaki.
"Alam mo matagal na kitang inaabangan?" saad naman ng nasa harapan ko.
Kung hindi naman ako nagkakamali ito 'yong malakas ang kapit sa Admins ng school kasi isa sa mga stock holder ang pamilya nito. Maimpluwensya at mayaman kasi.
"And?" Bored kong tanong. Sinadya ko pang tingnan ang relo sa palapulsunan ko.
May restriction kasing nagaganap, pinatupad kesyo kailangan mag-ingat kasi buntis. Masyadong daw delikado ang magabihan at maggagala. Pero dati wala naman ganitong policy ngayon lang talaga.
"I bet you're a simple girl but--d*mn! Iba pala ang ganda ng cool na sinasabi nila." Ngising sabi ni'to.
Ngayon kumpirma nga na may kunting umaalingasaw na alak. Kaya pala malakas ang loob nitong humarang.
"Tapos ka na?" Walang ganang tanong ko.
"Sabi sa'yo, allergic 'yan sa lalaki." Natatawang sabi ng kasama niya at bahagya pa siyang tinapik sa balikat. Kaya inis naman bumaling itong nasa harapan ko.
"Kung ang panahon nga nagbabago ito pa kaya?" ani 'to.
Umirap nalang ako kasi mahina ang kukute nila. Nasa labas kami ng gate at kung may hindi ako nagustuhan e madali lang sa'kin na itulak siya sa kamatayan niya. Feel free to heaven kung baga. 'Di ba ang dali ng process?
Bumaling ang tingin ko sa kamay niyang nasa balikat ko. Napabuntong hininga ako bago inalis ang kamay niya at akala ko talaga gano'n nalang kadali 'yon. Sa inis ko e binalibag ko siya. Ibalik ba naman ulit ang kamay sa balikat ko.
"Kung panahon nga nagbabago gano'n din ang pasensya ko!" singhal kong sabi.
"Pain!"
"Lagapak!"
"Tudo na 'yan!"
"99, check." kumento naman mga kasama ko. Talagang tuwang-tuwa kapag may naaktuhan silang nasusuntok o nababalibag ko.
Hinarap ko naman mga kasama niya kaya napaatras ang mga ito at dali-dali nilang inakay palayo ang kaibigan nilang nasa sahig. Inakay nila ang kaibigan nila pabalik ng school.
"Ang galing talaga!" puri ni Kea habang papalapit sila sa akin.
"Astig kahit kaylan e no?" Ngising wika naman ni West.
"Walang duda, walang iba kundi Over, talaga!" kumento naman ni Ecinaj na sinamahan pa nang palakpak.
Pero isang kumento rin ang nagpawala ng ngisi ko. Bigla tuloy akong natuod bago ipinihit ang paningin sa nagsalita.
"Over, over. Over. Don't you remember?" Walang emosyon na turan nito hindi kalayuan sa amin. May mga kasama rin ito na nasa likuran niya kung nasaan ang sasakyan.
"Patay." Reaction naman ni Kea.
"Best, see you tommorow nalang ah?" paalam naman ni Ecinaj kasama ang tatlo kaya ang ending mag-isa ko nalang.
"Explain yourself later." Napalunok nalang sa sarili kong laway sa narinig. Talagang seryoso siya.
"Get in." utos ni Kuya para paunahin ako sa pagsakay bago siya.
Wala naman akong imik na sumakay kahit nagtataka ako kung sino itong mga kasama niya. Bale pito ang laman ngayon ng itim na van kasama na kami roon ni Kuya Never.
Sa buong biyahe tanging ako lang ang tahimik habang silang lahat ay malayang nagsasabi nang kanilang saloobin. Maya-maya sa isang topic nila na hook ang atensyon ko. About sa mana ulit. Pero sa kaso niya hindi basta about sa mana lang dahil may sensitive silang pinag-uusapan. Na dapat sila lang ang nakakarinig no'n.
Wala manlang silang boy-talks-only? Hindi nila alam or hindi uso sa kanila?
"Find a baby maker. Or just hire, as simple as that." suhestiyon ng nagmamaneho.
"Panigurado maraming dadagsang isda." Makahulugang sabi naman nong katabi ng driver at bahagya pang tumawa sa sariling sinabi.
Palihim nalang din akong napa-irap. Paano, lagi nalang akong napapalibutan ng mga lalaking luko-luko. Kundi naman mga may saltik sa utak naman.
Pambihirang buhay. Ang daming luko-luko sa mundo. Pero at the good hand hindi pa naman ako nabibiktima.
"That's not a good idea." Biglang singit naman ni Kuya dahilan para lingunin ko ito.
Still he is? Wow, may bago ata ngayon.
"Ano nalang sasabihin ng grand father mo kapag nalaman niya?" Pagbibigay punto ni Kuya Never sa maaaring maging sanhi if ever na malaman nila na naghahanap sila nang magdadala ng sanggol.
Big question ngayon lalo na't may kinalaman sa mana. Pwede kasing maging dahilan 'yon na talagang desperado nitong makuha ang natukoy na mana. Hayst. Bakit kasi nakikialam pa ako sa kanila?
Pero infairness, siya ang problema niya magiging anak. E ako, problema ko kung paanong may bata sa sinapupunan ko. Isa pang nakakaalarmang problema, hindi ko matukoy kung sinong ama. Pero sure akong walang nakialam sa katawan ko kaya pala isipan parin ang nangyari sa akin. Ayaw ko naman paniwalaan ang pinagsasabi ng dalawang kambal dahil puro kalukuhan ang alam ng dalawa.
"Sa first step muna kasi mga, Pre."
Nabalik ang atensyon ko sa kanila. Mukhang may bago silang pinag-uusapan.
"What do you mean, first step ba?" Curious na tanong nong nasa likuran.
"Syempre roon tayo sa first step kasi first step is simple steps. Kung gets niyo ba." Natawa naman ito dahil hindi makuha ng kahit na sino ang pinupunto niya.
Expect me. Syempre gets ko kahit I'm not belong to them.
"Malabo ka Pre. Ang labo mong kausapan!" Pikon na sabi ng isa habang binato ang kaibigan dahil hindi nito makuha ang sinasabi nito. Natatawang sinalo naman ng isa ang wallet.
"The best ka talaga Sander! Okay talaga kapag ikaw ang galit kasi nambabato nang halaga. I love you Pre--from the bottom of my heart." Tuwang-tuwang iwinagayway nito ang wallet at hinalikan pa.
"Letchon--na 'yan! Wallet ko 'yan Sand!!"
Halos mabingi sa ingay ng dalawa ang ibang sakay ng sasakyan. Sinusuway naman sila kaso mga pasaway talaga kahit pa pinagbantaan na sila na itutulak palabas sa van pero walang obra. Talagang hindi sila matigil hanggang sa...
"Be careful both two of you." Sita ng kung sino matapos akong saluhin dahil nawalan ako nang balanse.
"Kasalanan mo 'to, Sand!" Paninisi nito sa kaibigan. Kalaunan ay lumapit ito at bahagyang yumuko at humingi nang pasensya sa nangyari. Gano'n din naman ang ginawa ng isa.
Makulit kasi sila kaya hindi nila ako napansin na nasa likuran lang nila ako. At dahil naglalakbay ang isip ko hindi ko inaasahan na matutulak ako at mawawalan nang balanse. Pero sa kabutihan palad ay may sumalo sa'kin.
"Don't be a clumsy girl. And also, be careful nextime." Mahinang sabi niya bago umalis.
Hindi ko alam pero makiramdam ko uminit bigla ang tainga ko sa pagkakasabi niya. Actually dapat nga na magpasalamat ako pero sa sinabi niya hindi na!
"Antipatiko!" hasik ko sa kawalan. Talagang apektado ako sa sinabi niya, sa katunayan n'yan hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Yakang-yaka ko talagang iwasan 'yon kaso wala ako sa sarili dahil masama talaga ang pakiramdam ko.
Sa pagkakasabi niya, ipinaparating niya na mahina at lampa akong babae! Tsk. Wrong timing naman kasi itong kalutangan. Kainis!
"Sinong kausap mo d'yan aber?" Biglang sulpot ni Kuya na bahagya pang umakbay sa'kin at sinabayan akong maglakad.
"Multo." Pilosopong sagot ko.
"Be careful baka isa sa kanila ang salarin." Pananakot niya na wala namang saysay.
"Mali, they are a victim." Pantatama ko.
Kung may katutuhanan ang sinabi ko, syempre kaylan pa naging salarin ang multo? Sa tv sinasabi na they only want is justice kasi sila ay mga biktima.
"Victim, who want to seek of people for revenge. And it's goes to killing. In a simple word... murder. They are committed of sin." Seryosong turan niya.
Plano ko pa sanang sumagot kaso bumulagta nalang sa harap namin ang isang babae. Tumaas baba ang tingin niya sa'kin. Kulang nalang tumangos hanggang buto ang mga tingin niya.
"Nando'n na sila." Turan ng babae habang nangunguna sa'min sa paglalakad.
Pagkabukas palang ng pinto bumungad sa'min ang nakahilerang mga tao. Ilan klase ang uniform, may pang maid at security. Sa kulay din ata ang basihan ng ranggo nila. Kung sinong angat ang kulay it's means mataas or leader.
"Answer properly all they question. Don't talk to much. And, give them respect specially to all elder." Mahigpit na bilin ni Kuya. "Are we clear?"
Tanging tango ang sagot ko. Syempre automatic na masunurin muna this time.
Sa hapag palang nagpapakiramdaman na ang lahat. Kakaupo palang ang tahimik na. Malinis ang atmosphere.
"Do you really want to be a CEO?" Deretsahang tanong ng matanda. Seryoso itong nakatingin sa kanyang apo. "That too much to put your finger to the other?" Walang imik naman ang kanyang apo na talagang tinatanggap ang lahat. "Being blackhearted." Pagak na tumawa ang matanda.
Muling binalot ang hapag nang katahimikan. Walang nangahas pero hindi nagtagal at nakarinig kami nang ingay. Mga yapag at mukhang mabigat din ang awra ng mga parating. Naangat ang tingin ko kay Kuya nang bahagya itong tumayo--I mean lahat sila.
"Oops--wait! Why you all don't tell to me na may girl dito?" Malamig na tanong ng babae. Hindi ko pa man nalilingunan alam ko nang nakakatakot siya. "Kaninong girlfriend 'to?" Dagdag pa niya.
Sa kawalan nang gana at pagkairita, e ako na sumagot. "Excuse me, po." Napapadiin ang bigkas ko sa 'po', sa hindi ako sanay at hindi uso sa amin e. "I'm not belong to someone, even anyone else."
"Then why are you here?" Deretsahang tanong niya.
"Hindi ko rin alam---"
"What?! Anong klaseng rason 'yan?" Putol niya sa sasabihin ko.
Hindi siya makapaniwala sa sagot ko. E sa hindi ko nga alam, tsaka hindi ko ugaling magsinungaling.
"You came here of there's no reason? Are you kidding me?" Medyo may pagkairita na sa way nang pananalita niya.
Plano ko na sanang magsalita ng unahan na ako ni Kuya Never.
"She's belong to me, Tita." Maamong sagot ni Kuya. Akalain niyong may ganyan siyang side sa ibang tao.
Wala na akong narinig pa kaya nakahinga nang maluwag si Kuya bago tinapik ang balikat ko para iparating na 'ayos na, pero mamaya ka'.
Actually hindi naman ako nababahala kasi alam ko naman ang pintuan. Madali lang din magwalk-out kaya. Hayst, mahirap 'yong sinama na nga madadamay pa.
Problema, nawa'y lubayan muna ako. Pahinga ka muna, ako muna mag-isa. Kung gano'n lang sana kadaling diktadahan ang problema e 'di guguyuhin ko nalang, o kaya idaan sa suhol para naman guminhawa ang buhay ko.
"Name?"
Natigilan ang lahat at napaangat kami nang tingin sa nagtanong.
"Ngayon lang may babae rito tapos hindi pa alam ang pangalan. Name?" Tanong ng babaing tinawag ni Kuya na Tita. Suminsim siya sa tasang hawak niya habang ang tingin ay nasa sa'kin.
Napainom muna ako ng tubig para hindi maging pasmado. Baka hindi ako makapagpigil ano pang masabi ko.
"Over." Maikling sagot ko.
Nagulantang silang napatingin sa akin. Nag papalit-palit sila nang tingin, sa akin at kay Kuya.
"For real?! Are you two are silbings?" Halata sa reaction ng isa sa mga kaibigan ni Kuya ang pagkagulat at pagtataka.
"Akala ko ba puro kayo barako?" Kunot noong tanong ng isa.
"She's precious when it's come to our parents. Kaya ayan hindi namin makasama school dati, kailangan siya ang iba. Malayo sa'min para malayo sa gulo. Pero wala e, anino na ata namin ang gulo." aniya at nagkamot ng ulo.
Lah. Anong anino pinagsasabi ni'to?
"Do you know where you are?" Muling tanong ng babae.
Ice! Ang daming tanong ah?
"Hindi ko rin alam... po." Sinamaan ako nang tingin ni Kuya. Kaya ayon nadagdag ang 'po'. Makuha raw sa tingin. Tsk.
"Ilan taon ka na?"
Hindi ko talaga gusto 'yong klaseng maraming tanong. Pero sumagot pa rin ako. Baka mayari kay Kuya at mag-away na naman kami.
"20, po." May iba na naconfuse sa sinabi ko. Mukhang hindi sila naniniwala.
"Are you sure?" tanong ng kaibigan ni Kuya. Talagang hindi naniniwala.
Malamang. Edad ko, e 'di alam ko? Tsk.
"Yah." Hindi ko maitago ang pagkabored.
Dudang duda.
"Nag-aaral pa?" Muling tanong sa akin ng babae.
"O-po."
"First year?"
Umiling ako, "Third year, po." sagot ko.
Karamihan na pasinghap sa narinig. Talaga bang mahirap paniwalaan ang edad ko? Na may kapatid sila Kuya na babae?
"Do you have boyfriend?"
Sa hindi inaasahan si Kuya ang sumagot.
"Wala, Tita." Kamot ulong sagot niya.
Napataas naman ng kilay ang babae bago ulit magtanong, "Why? Wala bang nanliligaw?"
"May nagtatangka naman Tita, ang kaso sadista 'yan e." Sabay turo niya sa akin. "Pina paliparan niya ng kamao. Minsan halos matudas at 'yon, naconfine sa hospital. Pilayan ang mga manliligaw n'yan!" Pagbubunyag niya.
Hindi na tikom bibig ng luko. Bumaling ang tingin ko sa plato at pasimpleng tinignan ang reaction nila. May napalunok, napahawak sa dibdib na animo'y aatakihin sa puso. May napa-inom ng tubig, may nagpapaypay ng sarili na animo'y naiinitan kahit malakas naman ang aircon, mayro'n din kunwari ay kumakain lang pero halos kanin lang kinain pero hindi ko nakitang may kasamang ulam 'yong kanin sa kutsara.
Ricetarian siguro? Syempre kung ang vegetarian ay iwas sa karne e 'di siya naman ay ricetarian, iwas sa mga ulam.
Hayst! Magandang bigwasan itong si Kuya! Magtsitsismis na nga lang hindi pa ginandahan. Mukha tuloy ang sama-sama kong tao sa way nang kanyang pagkakasabi. Kahi't sa totoo n'yan may side rin naman ako na dapat pakinggan.
"Baka may dahilan siya? Bakit nauwi sa pisikalan?"
"She hate boys talaga Tita. Lason daw. Kesyo, hindi sila talo. Kadiri at ang sagwa raw."
Pasimple kong sinipa si Kuya sa ilalim ng mesa. Sirang-sira na ako sa mga sinasabi niya! Hindi makaramdam ang luko. Kainis siya!