Arogante si Johanson na gumawa ng kabulastogan dahil hawak niya ang karamihan sa malalaking opisyal at negosyo dito. Wala man lang nagawa ang mga security guards nang harangin nito ang grupo nila Hayden. Ngunit mas nag-aalburuto ang galit niya dahil mukhang hindi man lang natinag o natakot ang kaharap. Binalewala lamang nito ang galit niya at pasaring niya. "Men! It's time to teach them a lesson!" Saka isa-isang nagsilapitan ang lahat ng tauhan ni Johanson. Kaya pinagitnaan agad nina Nick, Tim at Hayden ang dalawang babae habang ang isang kamay ni Hayden ay nakahawak pa rin sa kamay ng kanyang asawang si Tin. Bago pa man nakalapit ang dalawang matitikas at malalaking lalaki na ang punteryang hablutin ay si Celestine ay agad itong napatumba sa sipa at suntok ng kanyang asawa. Napasigaw

