Ilang araw ding puro tawagan lang sa telepono sina Hayden at Celesitine. Pareho kasi silang dalawa na abala sa kani-kanilang trabaho. Kung kelan handa na sana si Tin na ipaalam ni Hayden sa lahat na mag-asawa na sila, ang huli naman ang wala yatang planong gawin ito. Hindi alam ni Tin na nag-aantay din lang si Hayden na malaman ng ama ng asawa ang totoong status nila para maipakilala na ito sa lahat. Gustong-gusto na ni Hayden itong ipaalam sa lahat para kahit anong oras ay pwede niya itong abalahin sa bago nitong opisina. Pero nung minsan dinaanan niya ito, ay sobrang tutok nito sa trabaho. He can see how passionate his wife is on her job. Kaya sa isip niya, ayaw na lang muna niyang madaliin ito dahil mukhang nalilibang pa ito sa kanyang trabaho. She always makes her job done beyond ordin

