Masayang nagtampisaw ang karamihan sa pool, lalo na ang mga bigating guests na may kasamang magagandang escorts. Ang ibang investors naman ang nagrerelax sa jacuzzi habang nag-uusap pa rin sa ibang business concerns nila. Na- eenganyo na si Celestine na makisaya na rin kasama ni Nick at Tim dahil kanina pa ito nai-intimidate sa aura at titig ni Hayden. Hindi man s'ya kinakausap at pinapansin nito, pero makailang beses na n'ya itong nahuhuling titig na titig sa kanya. Kahit nakabuntot pa dito ang sexy na assistant na si Jane. Kahit saan s'ya pumupunta ay napapansin n'yang lage rin itong nasa malapitan lang. Kaya ng mapansin niyang wala sa kanya ang atensyon nito dahil may biglang kumausap na ka sosyo ay agad hinubad ng dalaga ang cover-up dress n'ya at agad tumalon sa pool. "Tin! Come ov

