Walang matinong tulog si Hayden buong magdamag dahil sa kalukohan ng asawa niya kagabi. Hindi kasi sumasagot ang tinatawagan na doctor nito kagabi kaya hanggang pagtitimpi na lamang s'ya habang pinapa-init ng kanyang asawa ang gabi. Nakailang balik na s'ya sa cr para harapin ang malamig na tubig at maalis ang init ng katawan. Ngayon ang salarin ay mahimbing pa ring natutulog. Hindi lingid sa kaalaman ni Hayden na kinunsaba pala ng magaling niyang asawa ang mismong doktor niya na hinding-hindi sasagutin ang tawag ni Hayden sakaling tatawag ito sa gabing iyon dahil plano nitong gantihan dahil sa paglilihim nito na pinaalam na pala ni Hayden ang kanyang ama tungkol sa kasal nila sa Paris. Kaya nakatikim tuloy ng sakit sa puson ang walang ka-alam alam na si Hayden. "Good morning sleepy head."

