"Mano po tay." Agad na bati ni Celestine sa ama na nasa sala nila na nakaupo sa kanyang wheelchair. "Bless you anak. Maaga yata ang uwi mo ngayon?" Nagtatakang tanong ng ama sa dalaga dahil matamlay ito nung umalis ng bahay kanina, pero mukhang masigla na ito ngayong umuwi. "Ay opo tay, may kailangan kasing i-prepare para sa nalalapit na business trip kaya maaga akong pinauwi ng boss." "O sha. Maghanda kana at nang wala kang makalimutan." Pagtataboy ng kanyang ama at bumalik na ito sa pinapanood na basketball. "Tay, alam pala ni Hayden na nagte-therapy ka?" Agad na tanong ng dalaga sa ama bago niya ito makalimutan. "Ah, baka napadaan s'ya doon sa rehab clinic at nakita ako." Mukhang hindi mapakaling sagot ng ama kay Celestine. "Sige na nak, mag-ayos kana ng mga gamit mo para sigu

