Chapter 123: Coronation Day of Fireious Kingdom. Jayron's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Winter ay dumiretso ako sa Kaharian sa dati kong silid. Ilang beses pa ako huminga ng malalim bago naisipan na pumasok. Matipid akong ngumiti ng maalala ko ang pinag-usapan namin ni Winter. I can't believe until now na nag-open s'ya sa akin. ngayon ko lang napagtanto na masuwerte pa pala ako kahit papaano. Dahil hindi kagaya n'ya na may sumpa na pinoproblema. Ako, puwede kong makasama ang babaeng mahal ko. Ang gagawin ko na lang ay magtapat. May ngiti ako sa labing humiga sa aking kama. --- "Jayron..." Ramdam ko ang pagyugyog sa akin ng kung sino man. But I'm too lazy to get off on this bed. It's just like I'm all tired. "Jayron, Wake up. tanghali na." Nakilala ko ang pamilyar na tinig

