Chapter 24 It's my first time to ride a plane kaya kabado ako of course. Hindi maalis sa isip ko ang pag-aalala lalo pa't medyo masama ang panahon. "Kinakabahan ka ba?" Napalingon ako kay Xander nang kalabitin ako nito. Nakangisi pa na animo'y nananakot. Sinamaan ko siya ng tingin bago sagutin. "M-medyo," nauutal kong sagot habang dahan-dahang tumitingin sa labas ng pinto. Bakit ba ako kinakabahan? I know God's always with me, and I shall not be afraid. Hindi niya ipapahintulot na may mangyaring masama sa'kin. Kagaya ng pinaniniwalaan nila mama. Hindi ako mamamatay nang maaga. It won't happened. "Don't worry magaling ang pilot natin." Tinapik niya ang balikat ko to comfort me so in return, I smiled at him. "I know we'll have a safe trip. Darating pa tayo sa Japan," natatawa kong s

