[Erich Point of View] Nagising ako sa 'di pamilyar na kuwarto. Napahawak ako sa tiyan ko at mapaklang napangiti. Malakas ang kutob ko na buntis ako. Pero paano ko masasabi kay Xander kung galit naman siya sa'kin? Ano'ng gagawin ko? Bumukas ang pinto at nakita ko naman na pumasok si Larry. May kasama siyang Doctor. "Hija, congrats. You're 1 month pregnant," ani ng Doctor kaya napabangon ako. "T-talaga po?" paninigurado ko. Napangiti ako hinimas ang tiyan ko. Magkaka-anak na ako! "Oo. Ingatan mo ang baby mo," sagot niya at may ini-abot sa'kin na vitamins. "Congrats Sir, magiging daddy ka na," aniya kaya Larry kaya natawa ako. "Salamat po, Doc," sagot ni Larry na hindi sinabing hindi siya ang ama ng dinadala ko. "You heard it? You're pregnant!" Masayang niyakap ako ni Larry. Hindi k

