Mabilis na lumipas ang mga araw at kagaya ng napagdesisyunan ko, uuwi muna ako sa amin. Naka uwi na kami ni Xander sa Pinas at kasalukayan akong nag iimpake ng mga gamit. "Mag-iingat ka doon da inyo. Baka mamaya may umaligid sa'yo," ani ni Xander kaya natawa ako. Nagseselos na naman yata ito kay Jade. "Oo naman baby ko. Don't worry, ikaw lang naman ang mahal ko eh. Kahit ilang lalaki man ang umaligid sa'kin, mananatiling ikaw lang ang nag-iisa kong mahal. Asawa kaya kita," wika ko at hinalikan siya sa labi. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Bigla niya akong hinapit sa kaniya at niyakap. "Mamimiss kita ng sobra," aniya na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin. "Uuwi pa naman ako baby. Ikaw talaga," sagot ko at ginulo ang buhok niya. Sabay kaming

