Kabanata 9

2800 Words
"MAGANDANG araw po Mr. and Mrs. Bangelio. Kumusta po ang isang linggong pag-aalaga kay Isay?" Kung pagbibigyan lang magsalita baka maraming na ikuwento kaming mag-asawa makalipas ang isang linggo. Iyon nga lang si Isay pa rin at ang mga sisters ang magde-decide para riyan. "Malaki ang improvement ni Isay pero wala pa rin sa amin ang desisyon kung hindi mula sa kanya." Masayang tanaw ko kay Isay na ngayon ay nakaupo sa tabi ng sister. "Isay, gusto mo na ba sumama sa kanila?" halata kay sister na mabibigo na naman sila. Baka iniisip nito na walang mapipili si Isay na kahit sinong magulang. "Masaya po ang pamilya nila." Iyon lang sinabi. "Gusto mo na ba sumama?" Nagkahulihan kami ng tingin. Umiwas siya at pagkatapos yumuko. Magsasalita sana si Roselle pero pinigilan ko. "Mukhang may desisyon na po si Isay. Pasensya na po Bangelio Family." malungkot na sabi ni sister. Napabuntong hininga kami mag-asawa. Malungkot at puno ng disappointment. Akala namin magiging okay na ang lahat hindi pa pala. Siguro aalis kami ng london na isa pa rin ang anak. "Okay lang po sister. Uhm, Isay maraming salamat dahil kahit isang linggo ka lang namin na alagaan napamahal ka na sa amin. Magpapakabait ka at hangad ko makahanap kana ng mga magulang na gusto mo talaga." May ngiti man sa mukha ng asawa ko alam kong pinipiga ang puso nito. Nagkatitigan sila at kaagad din binawi ni Isay. NAGPAALAM na sila para umalis. Malungkot kong niyakap si Roselle. Dinig kong humihikbi siya nagawa kong higpitan ang yakap. "Honey, bumalik tayo sa yacht. Bago tayo umalis papuntang london feeling ko kasi mahihirapan akong maka-move on kay Isay." "Sinabi ko naman kasi sayo na huwag mo masyado mahalin ang bata. Hanggat hindi tayo sigurado sa desisyon niya. Huwag ka mag-alala ipapaayos ko ang yate bukas na bukas magpunta tayo. Huwag kana umiyak." Kinahapunan dumating si Reign kasama ang isang anak nito. Nagulat at nalungkot ang mag-ina nang malaman hindi sumama si Isay sa amin. "Gusto niyo ba sumama bukas? Magpupunta kami sa island bago magtungo sa london." Paanyaya ni Roselle. "Sorry, may tutor kasi si Heidy kung sana mga gabi kayo magpupunta maaari." "Okay lang, maybe kapag nauwi kami rito after one year saka tayo magsama-sama." "Tama ka. Family bonding ninyo 'yan makikisawsaw pa kami. Basta huwag ninyo kalilimutan mangamusta sa amin ha?" "Iyon lang ba? Oh, dito na kayo kumain mag-ina nagluto ako ng hapunan." "Sige, masaya 'yon." NAG-IMPAKE na ako ng gamit dadalhin namin sa london. After kasi mamasyal diretso ng flight. Panay ako pakawala ng hininga habang tinitingnan ang litrato ni Isay kasama ni Zee. Kung magkakaroon ng kapatid si Isay tiyak na magiging mabuting ate siya. Iyon nga lang baka may hinahanap siya na wala sa amin mag-asawa. Hangad ko ang maayos at masayang pamilya para sa kanya. "Ano balita kina Erdem at Bebsie?" Usisa ko habang kumakain kami ng hapunan. "Hindi pa sumasagot si Erdem sa tawag ni Cedric. Sabi ko baka okay naman kasi hindi nagpaparamdam." "Kailangan nga pala nila balak ikasal? Ang tagal na nilang plano 'yon ah?" "Ewan ko ba sa kanila. Last time nagkausap kami ni Beb sabi niya kailangan muna tapusin ang kontrata sa guam bago ikasal. Siguro hindi pa tapos." "Ang pagkakaalam ko bakasyon lang siya sa guam hindi ba?" Sabat ng asawa ko. "Ewan. Masyado nang malihim ang mag-Jowa na 'yon." "Baka may problema 'yong dalawa ayaw lang magkuwento kasi alam nilang medyo magulo pa buhay ng isa sa atin. Hindi ugali ni Erdem magkuwento lalo kung lovelife na niya ang pag-uusapan." Sabi ko. "Minsan naman nag-oopen si Bebsie sa akin iyon nga lang lagi iiwas kapag nagtatanong kung kailan kasal. Parang balak pa yata umatras." Natatawang sabi ni Reign. "Uy, grabe ka. Huwag naman sana." Nag-aalala sabi ni Roselle. "Sa palagay ninyo sino makakagawa ng kataksilan sa isang relasyon?" Seryoso kong tanong sa dalawa. "Ang mga lalaki." Mabilis na tugon ni Roselle. "Tingin ko babae." Si Reign naman. "Ikaw, sa palagay mo?" Sa akin tumingin na kaagad tumaas ang kilay ng asawa ko. "I think same lang." Umismid asawa ko. "Kasi depende sa  sitwasyon ng relasyon." Ulit ko pa. "Mga lalaki marurupok 'yan." komento ng asawa ko na ayaw magpatalo. "Alam mo Roselle tama si Zayn." "Magkampihan daw ba?" Nandidilat ang mata. "Hehe. Iyon ay paniniwala namin hindi ba Zayn?" Nag-nod ako. "Balimbing ka, sabi mo babae!" "Eh ang ganda ng paliwanag niya." Turo nito. "Paliwanag ba 'yon? Magulo nga,eh." "Oh, tama na. Mapababae o lalaki ang madalas magtaksil ang importante magpatawaran lalo kung mahal na mahal mo ang tao." Natatawa kong sabat sa usapan ng dalawa. Iiling-iling si Roselle samantalang si Reign ay tawa nang tawa sa amin mag-asawa. MAAGA pa lang bumiyahe na kami mag-anak papunta sa pantalan upang sumakay ng yate. May isang crew kami inakupahan para magluto ng food namin for two days. Habang masaya namin pinapanuod ang tahimik na dagat ay niyakap ko ang asawa ko. "Nakatulog na naman si Zee." "Mabuti pa siya tulog lang nang tulog." Natatawa kong wika. "Alam mo na napaka daldal sa biyahe natin kanina." "Gusto mo habang tulog si Zee gawin na natin 'yong alam mo na? Hehe kunwari newlyweds tayo." Kinurot ako sa tagiliran. "Loko-loko ka talaga." "Iyon ay suggestion ko lang kung gusto mo why not game na game ako riyan." "Magtigil ka nga. Pupuwede naman mamayang gabi." "Wala sa oras ang pakikipagtalik lalo kung may asawa kana,ano ka ba." "May crew tayo nakakahiya kung--" "Hala shocks, bakit ano ba pakialam niya?" "Ah basta." "Sige, mamayang gabi ha?" Wari pa hindi kinikilig asawa ko. KUMAKAIN kami sa labas ng hapunan kasama si Zee at crew. Siguro ang tagal bago magpasyang pumasok sa loob. Iyon nga lang ayaw pa matulog ni Zee. Naki-usap ako sa crew na bantayan muna si Zee. "Pumayag?" Nakahiga si Roselle sa kama. "Oo," nakakaloko ko siyang nilapitan at tinabihan sa higaan. "Ano sinabi mo?" "Sabi ko bantayan muna si Zee kasi masama pakiramdam mo." Hinampas braso ko kaagad kong hinawakan ang kamay. "Are you ready?" Nakakaloko kong hinalikan bago mamatay ang ilaw. Nasa kalagitnaan na kami ng mainit na sensasyon nang may narinig kaming sigaw mula sa labas. Pareho kami natigilan at nagbihis ng damit. Nauna akong lumabas hinanap ang crew at si Zee. Hindi ko nakita ang dalawa pero nang makarating ako sa gilid may isang lalaki tinutukan ng patalim ang crew. May isang maliit na bangka sa labas at nandoon si Zee hawak ni Jayda! "Zee!" Sigaw ni Roselle papalapit sa puwesto ng crew at lalaki pero pinigilan ko. "Walang hiya ka Jayda ibalik mo si Zee!" Ito ang naging dahilan para lapitan ako ng lalaki para tutukan ng patalim. "Ikaw si Zayn?" Akmang sasaksakin ako pero swerteng nakailag. Natanaw ko si Roselle tumalon sa dagat pero hindi ko na malaman kung ano nangyari dahil nakikipagbunuan ako sa lalaki. "Ma'am! Ma'am!" Sumisigaw ang crew na babae dahil nag-aagawan sina Roselle at Jayda kay Zee. Sa buwisit ko na sapak ko nang malakas ang lalaki na naging dahilan para makatulog. Nagsimulang bumagsak ang malakas na ulan. Bago pa ko tumalon sa dagat nakita kong nahulog sina Roselle at Jayda pero hindi ko nakita si Zee. "Roselle! Zee!!" Wala na kong inaksayang oras. Tumalon ako upang hanapin si Roselle ngunit malikot ang galaw ng tubig sa dagat. Samahan pa ng malalakas  na kulog at kidlat. "Roselle! Roselle!" May lumambitin sa leeg ko. Si Jayda pilit akong inilublob sa ilalim ng tubig. Nahihirapan akong huminga hindi ko na rin makita kung ano nasa ilalim ng dagat dahil masyadong madilim. Naghahabol ako ng hininga magkaroon ng pagkakataon malayuan si Jayda. "Bumalik ka rito, Zayn! Hindi ako makakapayag na mabuhay ka habang ako nagdudusa!" Lumangoy ako sa ilalim kahit wala akong ideya kung nasaan ang mag-ina ko ay umakyat ako sa bangka. Dinig kong iyak nang iyak si Zee habang nakahiga sa lapag. Basang-basa na ito sa ulan nang yakapin ko. "Zee, sorry. Sorry anak!" Pabalik na sana kami ng yate ng may naghagis ng lubid para mahatak ang bangka. "Sir! Kumapit po kayo sa lubid ililigtas ko po kayo!" Sigaw ng crew. Kaagad kong hinawakan at pagkaraan ay nakalapit sa pinaka pader ng yate. Umakyat ako saka sinalubong ng babae. "Paki-usap gawin mo kung ano ang nararapat para sa anak namin. Nakikiusap ako, hahanapin si Roselle." "Sige po, Sir!" Pumasok kaagad ang babae kasama ni Zee sa loob. Hindi ko na makita si Jayda pero Roselle umaakyat ng bangka pero hinila ni Jayda ang paa. "Hindi pa ako tapos sayong babae ka!" Malakas ang pagkakasabi ni Jayda. Nahatak niya ang asawa ko at saka sila nagbuno sa ilalim ng dagat. Muli akong tumalon upang sumaklolo. Paglapit nahatak ko ang kamay ni Roselle na hirap nang makahinga. Pagod na siya. "H-honey....please...si Zee." "Ligtas na si Zee. Tara na, iwan na natin si Jayda!" Sigaw ko saka kami lumayo sa gilid ng bangka. "Zaaaaaaynnnnnn!!!!!" Umalingawngaw ang putok ng baril sa mabuting pangyayari ay walang natamaan isa sa amin ng asawa ko. Lumubog kami. Pinilit kong umakyat sa bangka upang kunin ang baril. Pareho na kami nag-aagawan pero malakas siya. "Hindi ako makakapayag na kunin mo ang anak ko. Hindi ako makakapayag na kayo masaya at ako hindi! Magkakamatayan muna tayo bago mo magawa ang lahat Zayn!!!!" Sinikmuraan ako pero kaagad kong ginantihan. Napabaluktot ito sa sakit until makuha ko ang baril ngunit nahawakan din pala niya. "Tumigil kana. Nakikiusap ako. Huwag mo na gawin ang bagay na alam mong wala kang laban!" "Hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari! Papatayin ko kayo mag-asawa!" Nakaakyat si Roselle sa bangka ngunit nadulas ang baril sa kamay ko na kaagad itinutok sa asawa at kinalabit. Tumama sa tiyan ni Roselle ang bala. Dahan-dahan itong nahiga at nawalan ng malay. "Honeeeeeeeeyyyyy!!!!" Humagalpak ng tawa si Jayda na akala mo nababaliw. Patuloy pa rin ito sa pagtawa until makuha ko ang baril at itinutok sa kanya. Hindi nito malaman kung saan pupunta dahil nasa likod nito ang dagat at handa siyang lamunin konting pagkakamali. "H-huwag....m-maaawa k-ka...patawarin mo ako, Zayn. Ayoko pangmamatay!" "Ayaw mo pa mamatay pero ang asawa ko mamamatay ng dahil sayo!!! Hayop ka, Jayda. Hayooooopppp kaaaaaa!!!!" Kinalabit ko ang baril pero walang bala. Hindi siya natamaan. Humalakhak ito at pagkaraan ay sinakal ako. "Ang tanga mo talaga,Zayn!! Ang malas mo lang dahil sa ibang paraan pa kayo mamamatay ng asawa mo. Sisiguraduhin ko bago sumikat ang araw mamamatay kana. Makukuha ko na si Zee sa kamay ninyo. Itatakas ko siya at hinding-hindi niyo na makikita! Mamatay kana!!!!!!" Hindi ako makahinga. Parang konti na lang mawawalan ako ng malay. Kahit hirap kumilos nagawa kong kunin ang baril saka ipinukpok sa ulo nito. Bumulagta siya. Nawalan ng ulirat. Hindi ako nag-aksaya ng oras para lapitan si Roselle. Maraming dugo ang kumalat sa sahig. Binuhat ko ito saka hinatak ang lubid papalapit sa yate. Pagkaakyat saktong may tumutok sa amin ng baril. Ang lalaking kasama ni Jayda. Hindi ko alam na may hawak din pala itong baril bukod sa patalim. Hinawi ko ang kamay nito sabay sa pagputok ng baril. Isang malakas na pagsabog ang nakita namin malapit sa yate. Tumama ang bala ng baril sa pinakagasulina ng bangka at ito ang naging cause ng explosion. Sinapak ako ng lalaki pero kaagad akong nakaganti. Kinuha ko ang patalim kaagad isinaksak sa gitnang tiyan nito. Sa takot na baka kalabitin ang baril ay sinipa ko siya pabagsak ng dagat. "Honeyy..." ipinasok ko siya sa kuwarto.Nandoon ang babae at si Zee na ngayon ay nakabihis ng bagong damit. Kumuha ako ng maaaring ipangtakip sa tiyan niya upang maiwasan ang pagbuhos ng dugo. "Sir, pabalik na po tayo sa pampang." Natanaw ko si Zee na parang wala nang iniindang sakit o ano pa man. Nag-aalala ako kay Roselle dahil wala pa rin siyang malay. NAGHIHINTAY akong lumabas ang doctor na tumingin kay Roselle. May naririnig akong nagkaka-ingay papalapit sa akin at ito ang LK at VB. "Nasaan si Roselle? Anong sabi ng doctor???" Nag-aalalang bungad ni Reign. Umiling ako. Wala akong gana magsalita dahil nasasaktan ako at labis na nag-aalala. Gusto kong umiyak pero mali yatang ipakitang mahina ako ngayon. "Nasaan si Jayda napaka-hayop niya!" Galit na usisa ni Peps. "Patay na siya." Tulala kong tugon. "Bakit? Paano siya namatay?" "Sumabog ang bangkang sinakyan niya." "Talaga? Mabuti naman. Hayop siya. Karma na niya 'yon dahil sa ginawa niya sa inyong mag-asawa. Nasaan si Zee?!" "Chinecheck up din siya." "May nangyari ba sa kanyang masama?" Lumuhod si Thania para tingnan ako. Umiling ako, "Wala pero dahil nabasa siya sa ulan pina-check up ko na rin baka magkasakit." Lahat sila nagtinginan bago dumating ang doctor. "Mr.Bangelio huwag na kayo mag-alala dahil nakuha na po namin ang balang bumaon sa asawa ninyo. Sa ngayon kailangan niya ng matinding pahinga." "Salamat po,Doc." Hindi ko pa rin magawang ngumiti kahit okay na ang lahat. Nagpaalam ang doctor. Pagkaraan magkasama kami ni Reign lumabas upang kumuha ng gamit ni Zee na ngayon ay okay lang sabi ng doctor na tumingin sa kanya. Mga three days raw ang paggaling  ni Roselle kaya mabuti matutukan ko habang hindi pa kami umaalis. "Zayn, sigurado na ba kayong ituloy ang pagtira sa london?" "Hindi magandang pag-usapan 'yan sa ngayon Reign." Inis kong sabi. "Ang sa akin lang ay dapat yata huwag na kayong umalis. Wala na si Jayda, siguro wala nang manggugulo sa inyo." "Malungkot si Roselle bago mangyari ito. Masakit damdamin niya dahil hindi sa amin sumama si Isay. Kapag nagtagal pa kami rito baka kung mapano siya." "Puwede naman magsimula kayong muli. Ngayon panatag na akong wala nang manggugulo sa inyo." Lumapit ako dahilan upang tumigil ito sa pagsasalita. "Mamimiss mo siguro ako, ano?" Tinaasan ako ng kilay. "Aminin mo na. Wala rito asawa mo kaya okay lang." "Malisyoso ka pa rin hanggang ngayon." Umirap pero hinawakan ko magkabilang balikat. "Kung tayo ang nagkatuluyan marahil ang dami na natin anak." "Sira-ulo." "Hahaha....joke lang! Ang seryoso mo. Bilisan mo na nga riyan magkape. Sasama ka lang pala dahil makikikape. Wala ba ganyan sa inyo?" "Hmp. Tinatamad na akong umuwi bakit ba? Damot mo. Gusto mo yata ipag-grocery pa kita para masaya." "Yabang mo!" "Syempre, asawa ko yata si Master Cedric." "Lolokohin ka rin 'nun." Biro ko. "Subukan lang niya maghanap ng iba kung hindi putol talaga ang kaligayahan niya." "Grrr...nakakatakot ka pala talaga." "Tsk, talagang-talaga." "Oh siya tama na 'yan." "Pero kung lokohin man ako ni Cedric iiwan ko rin siya." "Mangarap ka." Tumingin sa akin, "Mahal na mahal ka niya kaya mangarap kang lokohin ka niya." Tulala pa rin. "May sasabihin sana ako sayo." "Hmmm?" "Huwag mo na uulitin 'yon ha?" "Ang alin??" "Iyong sa atin dati at ngayong nagloko ka kay Roselle. Masakit sa isang babae ang hindi magka-anak pero wala na mas sasakit kung sa iba nagkaroon ng anak ang asawa mo. Hindi man nagsasabi ni Roselle alam kong nasasaktan siya. Dahil great pretender ang asawa mo parang wala lang sa kanya ang lahat. Dinadaan niya sa ngiti. Itinuring niyang tunay na anak si Zee." "Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Kaya nga heto ako ngayon ginagawa ang lahat para lumigaya lang siya. Minsan na isip ko kung karapat-dapat pa ba ako? Kung dapat pa ba ako matanggap ng isang Roselle? Ilan beses ko na siyang nasaktan at pinatawad niya kaagad ang tulad ko. Sabi nila, kapag ang isang babae at lalaki magkapareho ng ugali hindi magtatagal kaya nga yata nagtagal kami dahil mahaba ang pasensiya niya kumpara sa akin na dapat makumbinsi pa ng kahaba-haba." "Remember hindi na tayo mga pabata. Priority natin buhayin ang mga anak kahit na ano mangyari. Kaya 'yong iba hindi ko maisip kung bakit nakukuha pa nilang maghanap ng ibang kaligayahan na hindi makita sa asawa. Bakit hindi sila makontento. Bakit kailangan may masirang pamilya dahil lang sa panandaliang kaligayahan. Basta Zayn kung ako sayo gayahin mo si Cedric. Never tumingin sa iba kahit mababang label lang ang asawa niya." "Bakit kailangan ko gayahin ang isang Cedric Kasilag kung hindi ko naman kayang pantayan? May kanya-kanya kaming paniniwala sa pag-ibig." "May paniniwala man o wala ganoon din 'yon. Pag-ibig pa rin ang tawag doon. Huwag kana nga komontra riyan na akala mo galing-galing mo sa pag-ibig." Tawang-tawa. "Magaling ako." "Talaga?" "Oo, sa kama." "Bastos." "Totoo naman,ah? Hindi ba?" "Malay ko sayo!" "Remember sa hotspring? Remember??" "Ang tagal-tagal na 'nun!" "Hindi ko pa makalimutan kahit sobrang bilis lang ang pangyayari." "Tapos na kong uminom ng kape. Huwag kana magkuwento at baka saan pa mapunta ang usapang ito." "Walang patutunguhan kung wala magiging marupok." "Bakit sino ba marupok?" "Wala. Ewan. Siguro ikaw." "KAPAL MO!" "HAHA." "MAS MARUPOK KA!" "Hindi na ito mabiro. Iyong ilong mo lumalaki butas tapos may usok na lumalabas." Turo ko sa ilong nito. "Buwisit ka!" "Haha." "Isusumbong kita kay Cedric para may black eye ka." "Lagi na lang si Cedric ang sumbungan. Hindi ba puwede magulang mo naman?" "Ano ba magagawa nila sayo? Kung si Cedric baka bigyan kapa ng special treat." "No way." "Baka mas malala pa sa stub punishment." "Ayoko nang maulit ang nakaraan." "Kung ayaw mo umayos ka ng kilos." "Haha." "Huwag mo ako tawanan dahil walang nakakatawa." "Haha." "Baliw." Nguso nito palabas ng bahay. "Hoy, hindi kana mabiro." Habol ko kaagad nilock ang doorknob. "Dapat magpa-despedida kayo ha?" Sabi ng makasakay kami ng kotse. "Kainan na naman?" "Oh bakit tuloy na tuloy kayong umalis kaya dapat tuloy na rin ang pakain ninyo. Kahit sa bahay puwede na." "Ikukonsulto ko muna sa Misis kong maganda." "Papayag 'yon." "Alam ko kaya lang baka maghabol kami ng araw at oras. Pagkaraan kasi ng tatlong araw saka kami lilipad patungong london." "Eh di mag-urong pa kayo ng isang araw matuloy lang 'yan. Marami magtatampo kung hindi nyo gagawin 'yon." Wala na rin akong magagawa. Isa pa tama mga sinabi niya. Baka mga nahihiya lang magtanong pero totoo naghihintay lang mag-invite ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD