Kabanata 2

5431 Words
"Hi Lucifer Kingdom, reunion ba ito?" natigilan kami sa tawanan nang lumalapit ang babaeng kanina lang pinag-uusapan namin. "Reign," sabay-sabay namin tawag dito. "Sweetheart, kanina kapa namin pinag-uusapan dito. Come on, let's drink." yakap ni Cedric. "At ano naman pinag-uusapan ninyo tungkol sa akin ha?" Tiningnan kami isa-isa na may halong pagdududa. "Pinag-uusapan lang namin ang muse ng Kingdom University." Kindat ni Erdem. "Naku, baka iba na 'yan." "Hindi ah totoo nga nagdradrama kasi kaming apat dito tapos bigla kang naisingit ng asawa mo sa usapan." "Totoo ba Sweetheart?" usisa sa asawa. "Oo,napakalaki naman kasi nang--" tumingin sa dibdib ng asawa. "Oh, ano na naman iniisip mo?" Mataray nitong hila sa tainga ni Cedric. "Araaay! Araaay! Masakit!" "Wala kapa rin talaga pinagbago!" "Sinasabi ko lang naman na malaki ang naitulong mo sa LK." himas sa namumulang tainga. "Eh bakit 'yang mata mo kung saan-saan napapadpad?" "Nasulyap lang masama na ba 'yon saka ang sexy mo ngayon ah?" Yapos sa bewang ng asawa. "Ngayon lang ba talaga ako sexy?" "Matagal na, medyo maliit pa cleavage mo noon pero  ngayon malaki na." Ngisi na nakaharap sa aming lahat natakpan tuloy ni Reign ang dibdib na para bang hiyang-hiya. "Ano gusto mo Reign orderin ko?" Buwelta ni Peps. "Kung ano iniinom ninyo." "Sige, wait lang." Tumayo si Peps kasabay sa pag-upo katabi ni Cedric. "Ahh...Zayn," tawag niya. "Oh?" "Stress na naman ang asawa mo." "Bakit?" "Hindi pa ba niya nasasabi sayo ang pagkabuwag ng Viper?" "Ah...nasabi na niya. Oo nga raw buwag na ang Viper, tama ka stress 'yon dahil mahalaga sa kanya ang VB." "Bakit kasi kailangan mabuwag pa?" Usisa ni Erdem. "May kanya-kanya na silang buhay." Sagot ko. "Pero hindi pa rin batayan para buwagin ang solidong samahan saka pagkakaalam ko matagal pa bago makabalik si Bebsie mula Jordan." Panayam ni Erdem. "How about Thania?" Usisa ni Peps dala-dala ang order ni Reign. "Mismong si Thania na umalis sa VB dahil sa bagay na hindi niya masabi sa lahat." tanaw ni Reign kay Erdem habang nagsasalita. Akala ko tapos na tungkol sa kanila pero nagkamali ako. Marahil masakit pa rin para kay Thania na piliin ni Erdem ang iba kaysa sa kanya na nagmamahal ng tunay pero syempre hindi ko sinasabing hindi tunay pagmamahal ni Bebsie for him pero para sa akin mas deserve ni Thania maging happy sa piling ni Erdem. Ito naman ay batay lang sa paniniwala ko, nasa sa kanila pa rin ang tamang desisyon kung saan sila maligaya. "Hindi ba si Nicole Viper na rin? Bakit hindi na lang sila magsama ni Roselle at bumuo ng panibagong miyembro?" Dagdag ni Cedric. "Parang ganoon na nga ang mangyayari kaya lang...malapit na silang ikasal ni..." Nahihiyang tumingin si Reign sa kanyang Asawa baka kung ano na naman iniisip nito at magalit kahit hindi dapat. "Bakit pinagbabawalan ba siya?" Sarkastikong usisa ni Cedric. "H-hindi naman pero..." "Hindi naman pala at isa pa, may sariling desisyon si Nicole kung ipagpapatuloy niya ang pagiging gangster o hindi na." "Sorry guys kaya lang hindi man gusto ni Nicole iwan ang Viper pero gugustuhin na lang niya manahimik para sa magiging pamilya niya." Makahulugang sabi ni Peps pero kuha kaagad namin ang pinupunto nito. Lahat kami nawalan nang kibo. Lahat nag-iisip para sa ikatitibay ng Viper Berus at nang sa ganoon mananatili pa rin nasa itaas ang Viper. KAARAWAN ni Pauline. May kanya-kanya kaming dalang regalo para sa kanya at panigurado walang mapaglagyan ang kaligayahan niya kapag nakita kaming kompleto. "Ninong, napaka galante mo talaga!" Wika niya sa akin. "Ako lang naman ang galante hindi ba?" "Opo," "Wooooh...huwag mo nilalason isipan ng anak ko." Awat ni Peps. "Nagsasabi ng totoo hindi panlalason tawag doon." "Talaga? Hindi makakapayag si Cedric kung ikaw ang galanteng ninong ni Pauline." Bumaling kami ng tanaw kay Cedric papasok sa loob ng bahay. "Huwag mo na lang sana sabihin haha dahil panigurado may masasabi at masasabi iyon." "See?" "Oo na," "Nasaan ang asawa mo?" Tila hinahanap malapit sa pwesto ko. "Sa loob na dumiretso nakita sina Reign kaya iniwan kaagad ako." "Ninong, Daddy, please pumasok na tayo." hinatak ni Pauline ang kamay namin ng kanyang Daddy. Maligayang-maligaya ang bata at kung titingnan mo parang wala siya sa isang pamilya na watak. "Masayang-masaya po ako ngayong gabi dahil kompleto ang mga Ninong at Ninang ko, kasama ng mga kaibigan ko, si Daddy. Isa na nga lang ang kulang syempre si Mommy pero ayaw niya akong makita malungkot man pero masaya na ako dahil nandyan kayong lahat. Tama po bata pa talaga ako pero sabi nila kung mag-isip parang matanda na sa totoo lang po lahat nang nakikita ko nauunawaan ko na lalo ngayon dapat yata magmahal si Daddy ng nararapat sa kanya saka hindi naman po ako magagalit kung may ibang babae na siya bukod sa Mommy Zen ko. Sana nga mabait talaga iyong ipapalit niya kay Mommy para masaya na ako nang tuluyan." Matalinong bata si Pauline sa edad na nuebe anyos talagang hahanga ka dahil sa kabibohan at kabaitang taglay nito. Manang-mana siya sa kanyang Daddy mabuti na lang talaga hindi kay Zen nagmana at kung nagkataon baka hindi ako pumayag na maging Ninong nito kung kasing sama niya ang kanyang Mommy. Biruin mo ayos lang sa kanya kung magmahal ng ibang babae ang Dad niya kahit alam niyang ang Mommy Zen lang nito ang totoong Mommy niya nakakahanga at nakakatuwa ang batang ito. "Huwag mo problemahin inaanak ang lovelife ng Daddy mo dahil akong bahala ihahanap ko siya ng mabuting babae at kayang kang tanggapin bilang isang tunay na anak." Akbay ni Erdem sa kaibigan namin. "Correct, nandito pa naman si Shien mabait at mahal na mahal ang Daddy mo..." Nice one Cedric akward tuloy lahat nakatingin kay Shien na kanina pa tahimik simula ng dumating. "Ang mabuti pa kumain na tayong lahat!" Basag sa katahimikan ni Peps hinila ko siya para kumuha ng alak sa table. "Bakit ito lang alak mo?" "Hindi tayo dapat magpasobra ng inom magdra-drive pa kayo pauwi ng bahay ninyo." "Kulang ito," "Sakto na 'yan." "Don't worry guys may dala akong mga alak nasa kotse ibababa ko lang." Awat sa amin ni Cedric. "Ced..." Huminto ng tawagin siya ni Peps. "Birthday ng bata ito hindi ng kung sino sa atin matatanda na." "Tsk,edi dapat nagpadala na lang ako clowns dito kung wala man lang inuman tsk killjoy." Ismid niya nang tuluyan lumabas sa bahay para kunin ang alak. Taas balikat ako nang tingnan ako. "Hayaan mo na kabisado ko naman ang pag-uwi." Depensa ko. "Make sure." Bago ako iwan. "Ohh nasaan na si Peps?" Dating si Erdem. "Nag-walk out." Ngisi ko. "Bakit?!" "Ayaw pumayag na uminom tayo nang madami." "Ay basta ako konti lang iinumin ha?" "Pati ba naman ikaw?" "Sorry, iniiwasan kong magkagalit kami ni Bebsie dahil lang dyan sa alak na 'yan." Kinuha ko ang isang bote ng mantika sa di kalayuan at nagsalita ng... "Sana oil." seryoso kong pang-aasar "Sana all katulad ko 'di ba marunong makinig hindi iyong ipagpipilitan ang gusto kahit alam nang may magagalit hahahaha..." Nilayasan ako ng may halong pang-aasar mukhang naisahan ako ng Erdem na iyon ah? "Nasaan?" Bungad ni Cedric hawak ang dalawang bote ng alak. "Nandoon mukhang hindi iinom." "Ang killjoy niya." Ibinaba sa table saka binuksan ang isang bote nagsalin sa dalawang baso na hindi kataasan. "Mukhang sa Lucifer Kingdom tayong dalawa na lang ang natitirang mabait." Bawi ko sa isang bote na hindi pa nakabukas para basahin ang brand. "Bakit?" "Sina Erdem at Peps ang laki ng pinagbago simula nang makatapos tayo sa pag-aaral at nagkatrabaho." "Sa pag-aakala ko tayong dalawa ang magbabago dahil nga mas badboy tayo kaysa sa dalawa." "At sino naman nagsabi na badboy ang dalawa?" Bulaslas ni Reign sa Asawa nito. "Bakit hindi ba?" "Uhm medyo pero mas badboy kayong dalawa." Turo sa amin. "Ah ganoon? So kaya naman pala pati si Zayn nagustuhan mo dahil pareho kaming badboy?" "Of course not! Nagkataon lang naging crush ko siya pero tapos na iyon!" Nagkatitigan kami ni Reign na kaagad din itong umiwas. Inakbayan siya ni Cedric saka hinalikan sa harapan ko kung dati nasasaktan ako pero ngayon wala tapos na ang pagpapantasya ko sa babaeng ito. Laking pasalamat ko dahil never na ako magiging dahilan sa away ng dalawa. Hating gabi na at tulog na rin ang mga bata kaya naman nagkanya-kaya nang uwian sa bahay. Kami ni Roselle ang naiwan dahil tinulungan ko si Pauline iakyat ang mga regalong natanggap niya mula sa kanyang mga Ninong at Ninang sinabi pa nito na hindi raw siya makakatulog sapagkat excited itong buksan isa-isa ang mga regalo. Paglipas ng ilang oras nagpaalam na kami sa mag-ama. Binuksan ni Roselle ang gate pero sakto tumutunog ang cellphone sasagutin ko na sana nang makita ko ang isang banig na tableta. Hindi ako gaano makatiyak pero batid kong ito ang dahilan kung bakit hindi niya maibigay ang bagay na gustong-gusto ko noon pa. Bago pa makabalik itinago ko sa bulsa ang tableta saka pumasok kami sa bahay. "Mag-shower ka muna bago matulog." Malambing nitong utos ng makapasok kami sa kwarto. Walang salita akong sumunod at pagkaraan lumabas ako mula sa banyo at naabutan siyang may hinahanap sa kanyang bag. "Ito ba hinahanap mo?" Nagulantang ito at kaagad tinitigan ang nakataas kong kamay na may hawak na pills. "Anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ako sa galit gustong-gusto ko siyang saktan pero naiisip kong babae pa rin siya at deserve niyang tratuhin ng maayos. "Hon, let me explain." Hinagis ko ang pills mula sa paanan nito. "Kailan kapa umiinom niyan?" Pinulot niya at kaagad umiwas ng tingin, "Kailan pa!" "Simula nang ikasal tayo." "Nang ganoon katagal?!" Kuyom ang kamao ko sa galit. "Sorry, hindi pa talaga ako handa maging isang Ina." "Kaya umiinom ka nang pills para maiwasan mong mabuntis! Fvck! Ginagago mo ba ako babae ka?!" "No!" Hinablot ko palapit sa akin sabay kuha ang hawak na pills. "No?! Nakita mo 'to! Nakita mo 'to!" Nakakagigil. Painosente pa siya. "Hindi ko sinasadya." "Alin doon ang hindi mo sinasadya ha Roselle?!" "Lahat, lahat-lahat." "Damn, simula't sapul pinagmumukha mo kong tanga, umaasa ako na kada nagtatalik tayo may mabubuong bata riyan sa sinapupunan mo pero...for god sake Roselle!" "Sinabi ko naman kasi sayo na hindi pa ako handa, ayoko pa." "Kung ganoon bakit nagpakasal ka pa sa akin kung sa maliit na hiling hindi mo pa maibigay!" "Gusto mo nga ba talaga magka-anak o may ibang dahilan pa?" "What?!" "Yung last will ni Lola Susana nabasa ko kaya nga ba gustong-gusto mo akong mabuntis dahil ang kalahating mana mapupunta sa magiging anak natin. Hindi mo man lang ba na itanong kung pabor ako sa Last will ni Lola ha!" "Wala na tayong magagawa patay na siya, at tanging hiling niya magkaroon siya ng apo mula sa atin at pagkatapos ibibigay ang mana ganoon lang, ano ba mahirap doon?" "Para naman kasi sayo napakadali nang lahat. Makasarili ka, ang kagustuhan mo lang ang gusto mo masunod paano naman itong nararamdaman ko, ang kalayaan kong mag desisyon para sa sarili kong katawan!" "Ganoon ba? Paano nga ba at sa tingin mo ba hindi ka pa malaya niyan sa pinaggagawa mo? Malaya kang nagsinungaling sa akin, paano kung ikaw na mismo palayain ko." "Hinahamon mo ko?" "Hindi." Mariin kong tugon. "Tinatakot mo ako para sa ganoon pumayag akong mabuntis para sa mana ng Lola." "Hindi yon ganoon Roselle. I want baby, hindi dahil lang sa pera kundi gusto ko mabuo ang buong pagkatao ko kasama ka at ang magiging anak natin. Gusto ko man lang maranasan iyong maging buo, kompleto at walang iniisip na ibang tao." "Paano ako? Paano ang kagustuhan ko na malayong-malayo sa kagustuhan mo. Gusto kong pangalagaan ang Viper Berus ang gusto ko lumago ang negosyo natin at ang gusto ko kasama kita sa panghambuhay pero wala sa vocabulary ko na magka-anak!" "Talagang hindi tayo magtatagal kung ganyan ang vocabulary mo sa buhay." "Mahal ko ang Viper Berus..." "Ako, mahal mo ba ako?" "Mahal kita pero..." "Pero ano? Mas mahal mo ang Viper kaysa sa akin kasi kung mas mahal mo ako hindi ka gagamit ng pills para lang pigilan na magbuntis ka. Kakaiba ka rin sa mga nakilala kong babae samantalang ang iba gustong-gusto nila magka-anak at bumuo ng pamilya pero walang mahanap na lalaking deserving pero ako nandito ako sa harapan mo lalaki ako na pwede kita buntisin anytime pero fvck pinagmumukha mo akong tanga pinaasa mo ako. Sana bago pa lang tayo ikasal sinabi mo sa akin ang plano mo nang hindi ako umasa ng one hundred percent." "Respeto lang naman ang hinihiling ko Zayn as your wife..." "Wife? May asawa pa ba ako gayong niloko mo ako ng ganoon katagal." Tinalikuran ko ngunit yumakap ito nang sobrang higpit. "Please, unawain mo naman ako please..." Umiiyak niyang pakiusap. "Hindi na kailangan," lumayo ako. "Honey..." "Ituloy mo lang 'yang plano mo." "Huwag mo ako iiwan." "Hindi, pangako hindi kita iiwan pero hindi rin ibig sabihin 'non pipilitin pa kita ipagpatuloy mo lang 'yang sinimulan mo." Padabog akong nagpalit ng damit bago lumabas at pinaharurot ang kotse. Paulit-ulit kong hinampas ang manibela sa galit wala kasi akong lakas nang loob para sabihin lahat ng hinanakit ko dahil sa pesteng plano niya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy at patuloy bumabagsak pinunasan ko na lang ito ng braso bago bumaba sa isang Bar. Dumarami ang bote ng alak sa table ko pero patuloy pa rin sa pagkalunod ng alcohol ang buong kong katawan. Ngayong gabi ayoko muna isipin ang problema. Ngayong gabi kalilimutan ko muna ang asawa kong manloloko. "Hi may kasama ka ba?" magandang babae ang naupo sa katapat kong stool chair. "May nakikita ka ba?" Sarcastic kong usisa na ikinatawa nito. "Simula nang dumating ako rito ikaw lang nakita kong nakaupo naniniguro lang," "Iyon naman pala,eh." "Wala ka bang kaibigan?" Kinuha ang isang bote ng alak pagkatapos nilagok ng walang kahirap-hirap. "Tinatanong mo kung wala? Baka kapag pinakita ko sa iyo lahat ng kaibigan ko umiyak ka riyan." Ismid kong muli. "Kung marami ka naman pa lang kaibigan bakit nag-iisa ka lang dito? May mabigat kang problema halata sa mukha mo," "Ano bang pakialam mo?" "Kung tunay na mga kaibigan sila dapat dinadamayan ka sa ganitong sitwasyon. Ano iyon sa masayang parte lang sila lalabas at kapag sa pagsubok nawawala na?" "Sino ka ba para husgahan mga kaibigan ko? Pinili kong mapag-isa dahil gusto ko," "I'm Jayda," nakikipagkamay ngunit iniwasan ko lang ng tingin. "I don't talk to strangers." "Kung kailan nagpakilala ako saka ka mag-e-english diyan. Isa pa, kaming mga strangers na sinasabi mo mas masarap sabihan ng problema hindi ka iiwan at hindi ka huhusgahan." Katwiran niya. "Madalas kayong mga strangers pahamak pa sa buhay namin," naglabas ako ng pera saka ibinaba sa tapat niyang table. "Humanap ka ng i-te-table mo." "Binabayaran mo ako? Hoy! Kung iniisip mo isa akong bayarang babae pwes nagkakamali ka!" Nag-iskandalo na. Hirap dito sa mga babae defensive masyado. "So ano tawag sa ganyang suot?" Up and down kong titig dito. Tinakpan nito ang dibdib na kanina pa lumuluwa. "Kapag nagsuot ng ganito bayaran kaagad? Mapanghusga! Oh, sayong-sayo na pera mo! Hindi ko kailangan ng katulad mong mayabang at mapagmataas!" Matapos isaboy sa mukha ko ang pera saka lumabas ng bar. Kung minsan kinakailangan mo maging bastos sa ibang tao para hayaan kang nag-iisa. Nawalan na ako nang gana. Uuwi muna ako sa condominium at magpapalipas ng galit. Tumayo ako at lumabas ng bar pero bago ako makasakay ng kotse may nagkakaingay sa kabilang gilid mukhang may binabastos na babae ang dalawang lalake. "Miss sumama kana sa amin pangako maliligayahan ka ngayong gabi." "Bastos! Hindi nga ako sinabi pokpok!" "Sa suot mong ganyan hindi ka pokpok?" "Eh ano ba pakialam ninyo ha? Kayong mga lalaki kapag may nakitang ganito iisipin kaagad easy to get!" "Sumama kana kasi ang dami mo pa sinasabi sasama ka rin naman sa huli." "Bitawan ninyo ako! Tulong, tulungan ninyo ako!" Saka ko lang na realize ang babaeng kanina nangungulit sa akin ay binabastos ng ibang lalaki. Hahayaan ko na lang sana pero sa itsura ng babae mukhang takot na takot ito. "Humihingi ka pa nang tulong eh kayang-kaya na namin ito." May halong tawa sabi ng lalaki. Wala akong nagawa kundi sundin ang kusang paghakbang ng mga paa ko. "Hoy, bitawan ninyo siya!" Maangas kong utos. Lahat sila nagtinginan sa pwesto ko. "Huwag ka makisali rito!" Bulyaw ng isa. "Sino ka ba? Kilala mo ba itong babae ha!" Usisa naman ng isa pa. "Siya si Jayda..." Walang gana kong sabi sana hindi na lang pala ako nakisawsaw. Kita ko ang takot sa mukha ng babae sa buwisit ko hinatak ko siya palayo sa dalawang bastos na lalaki. "Asawa ko itong binabastos ninyo." Tiim bagang kong sabi dahilan para magtinginan ang dalawang lalaki. "May asawa ka na pala buwisit hindi ka pala sariwa tara na nga pare!" Walang alinlangan lumayas ang dalawa sa harapan namin. Kaagad akong bumitaw sa kamay ni Jayda saka binuksan ang pinto ng kotse. "Salamat, puwede ba ako sumama sayo?" "What?!" Inis kong balik sa tanong nito. "Lumayas ako sa bahay namin..." Pinasadahan ko ang klase nang suot nito. Kahit sinong lalaki talagang bibigay kapag ganito ang nasa harapan. "May naglayas ba na ganyan ang suot at saka kung ayaw mo mabastos huwag kang magsusuot ng ganyang damit." "Pinalayas ako sa bahay dahil nalaman nilang nagtratrabaho ako sa bar." "See? Tama nga sinabi ko sayo isa kang---" "Unang gabi ko pa lang dito sa bar!" Buwelta niya. "Oh tapos?" "Kailangan kong magtrabaho para pambili ng gamot ni Tatay." "Kapag ba gipit na gipit kahit kaluluwa ibebenta?" Mapanghusga kong sabi. "Sa amin mahihirap oo pero kayong mayayaman hindi ninyo magagawa dahil marami kayong pera." Buntong hininga akong pumasok sa loob. May konting awa akong nararamdaman sa babaeng ito kaya ibinaba ko ang window saka nagsalita. "Pumasok kana bago pa magbago isip ko." Dali-dali itong sumakay sa katabi kong upuan. "Saan ba ang bahay ninyo?" Usisa ko habang nagmamaneho. "Huwag mo ako ihatid doon palalayasin lang ako ng Nanay." "Tinatanong ko lang naman," nasulyapan ko na naman ang dibdib nito dahil para lumunok ako ng ilang beses. "Ah basta huwag mo na alamin. Gusto kong sumama sayo huwag kang mag-alala ngayong gabi lang tapos maghahanap ako ng ibang tutuluyan." "Tigas mo rin ano? Hindi pa nga kita inooferan tumira sa bahay ko tapos magsasalita ka nang ganyan. Hindi mo man lang ba na isip kung may asawa ako o wala." "Uhm, sorry. Siguro ibaba mo na lang ako sa kantong iyon baka magalit asawa mo baka isipin niya niloloko mo siya." "Ako nga niloko,eh." Bulong. "Ha? Ohh, diyan, diyan mo na lang ako ibaba!" Pero tuloy tuloy lang ako sa pagmaneho. "Dadalhin kita sa condo ko since hindi kami okay ng asawa ko ngayon." "Kaya pala..." "Kaya pala ano?" Masalanan talaga mata ko, hindi ko maiwasan tingnan ang dibdib niya. "Umiinom ka dahil hindi kayo okay ng asawa mo." Sa labas ng bintana ito nakatanaw. Pinili ko na lang manahimik. Inabot ko sa kanya ang jacket bago bumaba nang matakpan naman ang buong katawan nito dahil maraming matang makasalanan kapag ganito ang makikita. Tahimik kami pareho pasakay ng elevator hanggang sa makapasok sa sarili kong unit. "Dito ka muna matulog at pagkatapos umuwi ka na sa inyo marahil hinahanap ka ng tatay mo." "Salamat." "Kumain ka na ba?" Bakit ko ba inooferan ito. "Oo, gusto ko na lang magpahinga." "Doon ka matulog sa kabilang kwarto." Turo ko sa katabing kwarto ko. "Salamat, paggising mo wala na ako rito." Kibit balikat akong pumasok sa kwarto saka inihagis ang buong katawan sa kama. Naalala ko na naman ang kataksilan ng asawa ko hindi literal na taksil dahil may ibang lalaki kundi pinagmukha niya akong tanga at umasa na magkaka-anak kami pero buwisit umiinom pala siya ng pills para hindi magbuntis. Matalino nga ako pero nagawa niya akong lokohin ng ganoon kadali. "Honey, nasaan ka ba? Pupuntahan kita ngayon miss na kita at please mag-ayos na tayo ayoko nang ganito." Mula sa audio na tanggap ko ngayong umaga. Binalibag ko ang cellphone saka lumabas ng kwarto na datnan kong may pagkain sa ibabaw ng table at mukhang masarap ito may nakaibabaw ditong maliit na papel. Good Morning Sir Bangelio hindi ko man nalaman pangalan mo nagpapasalamat ako dahil pinatuloy mo ako kahit isang gabi lang. -Jayda. Kumalam ang sikmura ko wala naman sigurong lason ito o kaya gayuma kaya kakain ako bago pumasok sa trabaho. "Good Morning Sir." Bati ng mga empleyado papasok din ng elevator. Dinig kong nagbubulungan sila dahilan para titigan ko ito ng masama. "Sorry, Sir." Pagpasok sa office nandoon si Roselle tumayo kaagad nang makita ako. "Honey, saan ka natulog kagabi?" "Bakit inaalam mo pa?" Nakipagtitigan ako. "Karapatan kong malaman dahil asawa mo ako," "Since when?" "Since nang ikasal tayo!" "Talaga? Okay, kung wala ka ng sasabihin maaari ka nang lumabas dahil marami akong gagawin." "Sir Zayn..." Tawag ng secretary ko. "Anong kailangan mo?" "May babae po sa ibaba hinahanap ka," "Sinong babae?" Matapang na usisa ni Roselle sa secretary ko. "Hindi ko kilala Madam," "Ako kakausap..." "Umalis kana Roselle new client ko iyon." Hatak ko sa kanya palabas ng office. Sabay kami bumaba at bumungad sa amin si Jayda. Ang suot nito ay formal na formal hindi katulad kahapon kita na kaluluwa. "Good Morning!" Hinatak ko siya para makalayo kay Roselle. "Anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman ang trabaho ko?" "Sa calling card, may calling card akong nakita sa kabilang kwarto pero Bangelio lang nakalagay hindi ang pangalan mo." "Oh tapos? Bakit nandito ka?" "Mag-a-apply sana ako as secretary or janitress..." "Not available." "Kahit ano na lang." "Kompleto na mga empleyado ko rito." "Sayang naman kailangan na kailangan ko talaga nang trabaho." "Mag-apply ka sa ibang company huwag dito dahil walang available na trabaho." Tinalikuran ko na. "O kaya gawin mo na lang akong kasambahay!" Saktong lumapit si Roselle at narinig iyon. "Kahit kasambahay mo puwedeng-puwede ako." "What is it?" Usisa ng asawa ko. "Nag-a-apply pero hindi kami naghahanap ng empleyado." Sagot ko. "Kahit nga po kasambahay." Mariin ngunit may ngiti sa labing humarap ako kay Jayda. "Kahit kasambahay hindi ko kailangan kaming mag-asawa ang nag-aasikaso ng bahay kayang-kaya na namin iyon." "Sandali..." Lumapit sa kanya si Roselle saka tinitigan mula ulo hanggang paa. "Puwede ka maging kasambahay namin nahihirapan kasi ako minsan gumawa sa bahay kapag galing trabaho." "Talaga po Ma'am??" "Oo, tara sa office ko pag-usapan natin ang sweldo mo." Pumasok ang dalawa sa office wala akong maisip na dahilan para pagkatiwalaan ng husto ang babaeng iyon. "Monday, Wednesday, and Friday lang pumapasok ang Asawa ko sa Office madalas kapag Tuesday, Thursday nasa gym siya tapos kapag Saturday at Sunday kasama mga Lucifer." Paliwanag ni Roselle rito nang makauwi kami mula sa office. "Kayo po Ma'am Roselle every day pumapasok sa trabaho?" "Yes pero MWF ka lang magluluto ng breakfast namin sa mga araw na walang pasok asawa ko hindi ka magluluto dahil maaga pa lang umaalis si Zayn." "Kayo Ma'am hindi nag-aalmusal kapag wala siyang pasok?" "Sa office ako kumakain." "Ah sige po." "Isa pa, huwag mo kalilimutan linisin muna ang banyo bago maligo ang Sir mo dahil ayaw niya ng marumi." "Yes po," "Since friday ngayon, bukas wala akong pasok ipagluto mo ako ng breakfast tanghali ako pupunta sa Lucifer Kingdom." Sabat ko sa usapan ng dalawa. "Nauunawaan mo ba Jayda?" Ulit ng asawa ko. "Opo Ma'am and Sir!" "Good, gabi na puwede mo na siguro kami ipagluto para makakain na tayo." Mabilis pumasok sa kusina ang bago namin maid. "Honey, mag-usap tayo sa kwarto." sunod ko kahit mas gusto kong manahimik dito sa living room. "Kung magpapaliwanag ka tungkol na naman sa problema natin please huwag ngayon." "Galit kapa rin ba hanggang ngayon?" "Tingin mo ganoon lang kadali makamove on?" "Para hindi na tayo mag-away sige hindi na ako iinom ng pills." "Hindi, kahit ituloy mo na lang tutal sawang-sawa na rin akong makipagtalik sayo." Sabay layas ko tinatawag pangalan ko pero dedma na lang. KUMAKAIN kami ng tumunog ang cellphone ni Roselle. "Excuse me." Paalam nito. "Ah Zayn thank you nga pala sa---" sumenyas akong huwag na lang ituloy ang sasabihin. "Pasensya kana kung pinilit ko ang asawa mong magtrabaho ako rito." "Kailangan mo kamo ng pera hindi ba?" "Oo pero hindi ka ba galit?" "Bakit ako magagalit paghihirapan mo naman ang ibabayad namin sayo." "Honey, sorry may emergency." Tarantang sabi ng asawa ko habang bitbit ang bag. "Saan punta mo?" "Sa office marami ngayon nag-over time kailangan ko silang samahan." "Sasama ako." "Huwag na kayang-kaya ko na ito." Sabay halik sa pisngi ko at lumabas na wala man lang sinabi pa. "Mukhang subsob sa trabaho ang asawa mo sa palagay ko kaya wala pa kayong anak." Ang kadaldalan niya hindi inilulugar. "Manahimik kana lang puwede?" "Hulaan ko problema ninyong dalawa..." "Kumain kana lang diyan," "Anak, anak ang kulang sa bahay na ito." "Jayda, hindi kasama sa trabaho mo ang manghimasok sa problema namin mag-asawa." "Tagapayo puwede po ako," "Ewan ko sayo," tumayo ako para magkulong sa kwarto. Hindi ako makatulog dahil hindi pa rin umuuwi si Roselle mukhang mag-isa na naman akong matutulog sa kama. "Sir Zayn..." Pinagbuksan ko nang pinto. "Bakit?" Sumisilip sa loob. "Wala pa po si Ma'am?" "May nakikita ka ba?" "Wala, anong oras kaya uuwi para mahintay ko siya." "Bukas pa uuwi iyon o kaya baka sa mga susunod na araw." "Nang ganoon katagal??" "Oh bakit may problema ka ba?" "Wala pero kayo meron...hindi ka ba nalulungkot dahil mag-isa kayo?" "Sanay naman ako bakit ikaw ba?" "Sanay din sige matutulog na ako." Kusa niyang sinara ang pintuan. SATURDAY wala akong gana makipagkita sa Lucifer baka mga gabi na lang siguro ako aalis. "Sir Zayn, tapos na ako maglaba." Wika nito nang lumabas ako sa kwarto. "Good." Binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng tubig. "Kape gusto mo?" "No thanks." "Masarap ako magtimpla ng kape." "Edi mabuti," "Hindi ka pinagtitimpla nang kape ng asawa mo ano?" "Hindi," "Tikman mo timpla ko siguradong magugustuhan mo..." Nakipagtitigan ako,"Are you trying seduce me?" "Ha?" "What ever!" Maya-maya may dala itong kape sabay lapag sa center table. Pinagmasdan ko ang kape ini-expect ko 3 in 1 coffee pero black coffee at amoy na amoy ang purong kape. Umismid ako dahil sa mga nababasa kong balita sa f*******: ang dami nang krimen nangyayari. "Ano ba isusuot mong damit?" Pinasadahan ko suot nitong maikling short at sando. "Ako nang bahala sa isusuot ko magpapunas punas ka na lang ng appliances." "Okay." Tulad nang utos ko ginawa nito ang nararapat. Sa bawat kilos niya mababatid ang kasanayan nito sa gawaing bahay maaaring may nakita na akong isang dahilan para tanggapin ito bilang kasambahay. FIVE ng hapon ako umalis binilin ko rin dito huwag magpapasok ng ibang tao lalo kung sabihin kaibigan ko. Nag-meeting kami ng LK tungkol sa KU tapos kumain lang at nagsiuwian kaagad. Naabutan kong nakahiga si Jayda sa sofa ginising ko at pupungas-pungas ang mga matang pinagmamasdan ako. "Sir Zayn! Sorry, nakatulog po ako rito." Bumangon pagkaraan inayos ang hinigaan. "Bakit hindi ka sa kwarto mo natulog?" "Hinihintay ko kayo ni Ma'am," "...dahil?" "Baka po kasi hindi ko kayo marinig pagdating." "May sarili akong susi ng bahay." Depensa ko. "Nakakahiya kung matutulog ako sa kwarto samantalang wala pa kayo." "Eh ano ngayon? Isa pa hindi uuwi ang asawa ko." "Teka, sunday na po nang madaling araw..." "I know, pumasok kana sa kwarto mo." "Sige po, ah Sir, may nagpadala rito ng papel." Inabot ang envelope. Binasa ko at nakalagay doon sa papel ang tungkol sa last will ni Lola. Pinapaalala rin dito na meron akong dalawang taon para magkaroon ng anak at kung mabigo man mawawalan ako ng mana mula kay Lola. "Matutulog na po ako," "Ipaglabas mo muna ako ng alak." Pumasok ako sa loob ng kwarto para magbihis at sinuot ko lang ay sando at boxer. "Sir," tawag nito nang magkasalubong kami sa hallway ng mga kwarto. Ang tagal niyang nakatitig sa katawan ko bago lagpasan ako patungo sa kanyang kwarto. "Jayda," "Ha?" "Matulog kana, huwag kana bababa ng kwarto mo at...maglock ka ng pinto." "Bakit?" "Makinig kana lang at sumunod." "Paano kung mauhaw ako?" "Magdala ka nang tubig," "Paano kung maiihi ako?" "Magdala ka ng arinola..." Medyo natawa ako sa sinabi ko. "Meron kayo 'non?" "Wala," "Saan mo ako paghahanapin ng arinola dis oras ng gabi?" "Matulog kana nga ang kulit mo." Baka hindi ako makapagpigil papatulan kita ngayong sabik ako sa asawa ko. TUMATAWAG si Roselle mula sa cellphone ko. Wala sana ako balak sagutin kaya lang baka importante. "Honey, pauwi ako ngayon pero maliligo lang ako." "Bakit?" "May out of town kami today kailangan ko muna mag-impake ng damit." "Kaagad?" "Mamaya na tayo mag-usap nagdra-drive ako." Lumipas ang sampung minuto dumating ang asawa ko para maligo pero bago pa umalis nag-request akong may mangyari sa amin pero tinanggihan ako. "Ako na nga itong lumalapit pinapatawad na nga kita tapos tatanggihan mo na naman ako?!" "Binigyan lang ako ng kalahating oras para mag-ayos ng gamit marami pa akong dadalhin na damit." "Bakit ilan buwan ka ba mawawala ha?" Sarcastic kong tanong. "Dalawang linggo lang..." "Lang, pero paano naman ako?" "Kung gusto mo sumama sumunod kana lang." "Hindi naman puwede iyon hindi ba may trabaho rin akong ginagampanan." "Pagbalik ko na lang," "Roselle, ano ba?" "Promise pagbalik ko." Huling sabi until narinig ko na lang ang pag-andar ng kotse. "Umuwi na po si Ma'am pero bakit umalis ulit?" Ikinagulat ko ang pagdating ni Jayda. "Huwag ka naman manggulat!" Pahiyaw kong sabi. "Really? Nagulat kana niyan ah?" Salo-salo ang dibdib na kaagad napansin naka-bra lang ito. "Ano ba naman suot 'yan?" Iwas ko. "Bra, ano ba masama sa suot ko? Magtaka kung wala akong suot na bra." "Pumasok kana nga sa kwarto mo," kuyom ko sa kamao. "Nauuhaw kasi ako..." Nilagpasan ako. Pinapanuod ko ang likuran niya pababa ng hagdan. Kusang sumunod ang mga paa ko pababa at nakuha ko rin uminom ng tubig. "Tapos kana po uminom?" Makasalanan ang mata ko, maglubay ka huwag ka tumitig sa dibdib niya. "O-oo..." "Matutulog kana po?" "Oo," habol ko sa hininga dahil lumapit pa lalo sa akin para ibalik ang pitsel sa refrigerator. "Sir," kumalabog ang dibdib ko dahil konti na lang magkakalapit na kami nang mukha. "Hindi ko makuha 'yong isang pitsel wala nang laman." "Oh tapos?" "Umalis ka," Napasinghap ako dahil sa inaasta nito. Nakuha kong maupo habang pinapanuod ang ginagawa niya. Sino ba kasi matinong babae magsusuot lang ng bra habang may lalaki sa paligid niya. "May boyfriend kana ba?" Dila, ang daldal mo. "Ako po? Wala, No boyfriend since birth." ipinusod pa buhok para hindi maging sagabal sa ginagawa. Sunod-sunod muli akong napalunok. "Talaga? Open minded ka ba?" "Pyramid? Kasali ka sa mga scam na company ano?" "Pinagsasabi mo?!" "Open minded ba kamo ako," "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, tsk." "Eh ano?" "Ah wala!" "Ano nga? Saan ba open na sinasabi mo?" "Tapusin mo na lang ginagawa mo at matulog kapa." "Malapit na mag-alas singko hindi na ako makatulog kaya magluluto ako ng almusal mo maya-maya." "Sunday ngayon hindi ako kumakain dito ng almusal." "Simula ngayon kakain ka nang almusal kasama ako..." Nawalan ito ng mata nang ngumiti. May kung anong kumilos sa ibaba ko para lapitan siya. "What do you mean?" Kinuha ko ang hawak nitong sandok. "I mean kung dati hindi ka kumakain ng almusal na wala asawa mo since now kakain ka kasabay ako. Masama mag-skip ng pagkain lalong-lalo sa umaga importante may lakas para sa maghapong paggawa." "Ganoon ba?" "Oo, iyon ang itinuro sa akin ni Nanay." "Kumusta ang Nanay at Tatay mo?" "Himala at nagkaroon ka ng paki sa buhay ko?" "Dahil maid ka namin natural alamin ko o namin ang buhay mo." "Okay, si Nanay nagbabantay kay Tatay." "Ilan kayo magkapatid?" "Only child." "I see, so kung baga ikaw lang inaasahan ng magulang mo." "Tama ka," "Tingin mo magiging sapat naman itong sweldo mo sa gamutan ng tatay mo?" "Oo naman, mabibili ko siya ng gamot pang-dalawang buwan." "Pero huwag mo naman ubusin ang pera sa puro gamot lang bumili ka rin ng para sayo." "Salamat sa concern. Ikaw, ilan kayo magkapatid?" "Ayoko pag-usapan ang tungkol diyan." "Bakit?" "Dahil ayoko." "Tinatanong mo ako kung open-minded pero ikaw naman pala itong hindi." "Pagdating sa pamilya ko ayokong pag-usapan." "Sorry ha may kasalanan kasi ako," inagaw ang sandok saka sinimulan magluto ng hotdog. "Anong kasalanan 'yon?" "Nabasa ko nang hindi sinasadya 'yong envelope. Kahit paano nauunawaan ko ang nakasulat doon." "Pero mali pa rin makibasa ka ng hindi sayo." "Sorry," ngiwi nito. "Ngayong alam mo na pala bakit ganyan ka?" "Ha?" "Bakit parang malungkot ka?" "Kasi mapipilitan kang magkaanak bago mag-dalawang taon mahirap sa mag-asawa na mapipilitan lang." "At sino nagsabi napipilitan lang kami magkaanak?" "Si Ma'am,  sinabi niya sa akin noong una pa lang na hindi pa niya gusto magkaanak pero ikaw itong mapilit dahil sa kalahating mana ng lola mo makukuha lang kapag nagkaanak na kayo." "Hindi ka rin pala madaldal ano?" "Nagkataon lang nalaman ko kung ano problema mo." "Tsk," "May dalawang taon pa maaari pang magbago ang desisyon ni Madam." "Malabo nang mangyari iyon." "Bakit?" "Dahil importante sa kanya ang Gangster at trabaho kaysa sa akin na asawa niya." "Aw, talaga? Sa sinabi mong ganyan feeling ko mas mahal mo siya kaysa mahal ka niya." "Mahal niya ako marahil nangingibabaw lang talaga ang pagiging gangster niya kaysa maging isang Mommy." "Pero hindi pa rin batayan 'yon. Kung ako naging asawa mo baka sa unang araw ng honeymoon natin nakabuo kaagad tayo. Gustong-gusto ko ng mga bata dahil nakakatuwa, nakakawala ng pagod." "Edi mag-asawa ka." Pinatay na niya ang stove. "Wala akong mahanap na ibang lalaki na aasawahing tulad mong perfect." Malambing niya kong hinawakan sa dibdib. "Anong ginagawa mo?" Pinigilan ko ang kamay. "Tinatanggihan ka ng asawa mo makipagsex bakit hindi mo ko subukan?" "Maid ka namin." "May matres ako at willing mabuntis." "Pinagsasabi mo?" "Magkano ba makukuha mong mana? Willing akong magbuntis basta may parte ako sa mamanahin ng anak natin." "Baliw!" "Desperada ako." "Iba ang desperada sa napipilitan..." "Iniisip mo napipilitan ako dahil gusto kong magkapera para kay Tatay?" "Ganoon na nga," "Malabo, alam mo,  noong unang kita ko sayo sa bar nasabi ko sa sarili nakita ko na ang para sa akin." Muli nitong hinawakan ang dibdib ko kasabay ng pagkagat nito sa labi. "Mali itong gagawin mo minsan na akong nagkamali at ayoko nang maulit iyon." "Wala akong pakialam sa nakaraan mo, trabaho ko lang pagsilbihan ka at ibigay lahat nang pangangailangan mo na hindi maibigay ng iyong asawa." Hinalikan niya ako ng malalim. Pigil niya dalawang kamay ko sa ibaba bago tahasang itulak ang buong katawan ko sa kama ng kanyang kwarto. Natulala ako nang bumungad sa akin ang malulusog niyang hinaharap. "Sayo ko lang ibibigay ang bagay na ito." Nakakakilabot ang bulong na 'yon tila nang-aakit na patulan ko siya kung gusto ko. Muling naglaban ang mga labi namin until na realize ng katauhan kong nagawa ko ang bagay na iyon na dapat kay Roselle ko lang ginawa. Nagtaksil ako sa kanya, naging marupok ako sa mga oras na ito. Sana mapatawad niya ako sana matanggap niyang ginawa ko lang ito dahil desperado akong magkaanak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD