News Nakisama ako sa mga kababaihan dito sa Island na manguha ng mga shells para gawing isang craft, maaari raw namin ibenta sa bayan. Kasama ko si Ainsley at Daniella papunta sa dagat, namulot kami ng mga shells at natutuwa ako sa mga kulay nito. Lahat ay magaganda at may kakaibang disenyo, wala si Zico ngayon sumama naman siya magsaka ng mga palay sa bukid. He wants to experienced new things. Nakakatuwa na kahit gaano siya kayaman ay hindi niya iyon pinagmamalaki. He always keep his feet on the ground. He's down to earth. Isinantabi ko ang lahat ng problema, gusto 'kong makasama siya. Natapos kami sa pangunguha ng mga shells at nagpasya kaming umuwi na para ipaghanda ng makakain ang mga kalalakihan. Halos ang mga kasama ko kasi ay may mga asawa na, which is 'yung kasama naman ni Zico s

