Rapunzel
Nagulat ako nang maabutan ko na mayroong bulaklak sa table ko. Nilibot ko ang tingin sa room, busy ang mga kaklase ko pero nung nakita nila ako ay nagsimula na silang magkantyawan.
“May gusto din pala sayo si Dean!” Sabi nung isa. Kunot noo akong tumingin sa kanila.
“Kay Dean ba galing ang mga 'to?” Nagtatakang tanong ko.
“Oo, iniwan niya 'yan dyan. Nakita namin.” Kinikilig na sabi nila kaya namula ang pisngi ko.
Hindi ko inaasahan na magbibigay siya ng bulaklak sa akin, wala namang okasyon. Mas lalong bakit niya ako bibigyan kung hindi niya naman ako gusto? Inamoy amoy ko ang roses, mas lalo akong kinilig. I took a picture of it and I also put it on my i********: story. I caption it with Thanks, that was unexpected. I also mention Dean on my Ig story. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagnotif na may nagreply sa Ig story ko.
“Lmao, mas marami pa dyan kaya 'kong bilhin.” It's from Zico. Napairap nalang ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
I replied “I don't care, it's from Dean.”
Pagtapos nun ay dumating na si Cose pati ang teacher namin. I just focused on our discussion, tho gusto ko makita si Dean mamaya. I really like him, lalo na ngayon at nakikita 'kong may pag-asa ako sa kanya. Natapos ang discussion at lunch break na, sadly pinatawag ako sa library para sa character's parade. Ako ang president ng English Club, kaya I don't have a choice but to take responsibility of the upcoming event.
“Busy ka ngayon ah? Ang dami mo kasing responsibility.” Reklamo ni Cose. Hindi kasi siya mahilig sa ganito, ako naman I need this to distract myself. Hindi ko kaya na nababakante ako ng oras.
Nginitian ko nalang siya at nagpaalam na. Dumiretso na ako sa Library dahil nandoon na ang mga members ng club, pati ng mga nagvolunteer na mag-organize ng event. Naabutan ko silang nakapalibot sa isang mesa.
“Hi guys.” Bati ko sa kanila. Nagulat ako sa presence ni Zico, andoon din siya. Isa ba 'to sa nagvolunteer?
“Gulat na gulat 'yung President nyo kasi nandito ako. She has a crush on me.” Nakangising sabi nito.
“Friends huh?” Sarcastic na sabi ko. Noong nakaraan lang ay siya ang nag-offer na maging friends kami. Tapos ngayon, nang-aasar na naman siya.
Natawa tuloy ang mga students, niyaya ko silang lumabas sa Library dahil nakakalikha kami ng ingay dahil kay Zico. Hindi ko nakitang ganito kasigla ang meeting namin dati, ngayon lang umingay ng ganito dahil nandito si Zico na kinukulit sila.
“Kuya may girlfriend ka ba?” Tanong ng Grade 10 student na member ng English Club.
“Hey, let's focus in our meeting.” Pagsaway ko sa kanila.
“I don't have one. But I do have a crush on someone.” Sagot nito na hindi pinansin ang pagsaway ko sa mga students.
Naghiyawan naman ang mga boys habang ang girls ay kinikilig. Nag-init ang pisngi ko na animo'y ako ang tinutukoy niya. Biglang pumasok sa isip ko na baka ibang babae iyon, parang kinurot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
“Let's proceed in our meeting. Nagagalit na ang Ate niyo, baka layasan tayo.” Natawa sila sa sinabi ni Zico.
Katulad ng sinabi niya, nagusap usap na nga kami sa gagawin sa event. Anyone can join and pick a their own character in the said event. Kami ay talagang kasali dahil kami mismo ang magpopromote ng characters on parade. Since I really the disney movie Tangled, I will play the role of Rapunzel.
“Kayo? List down your character para maiwasan ang pagkakapareho.” I said to them. Tumabi sa akin si Zico at nakatingin sa listahan ko.
“Do you usually use a green color pen?” Kunot noo na tanong nito. Nakatitig pa din siya sa listahan ko.
Iyon lang talaga ang pinunta niya sa tabi ko? I thought he's gonna take down his character. Inirapan ko siya at inilahad sa kanya ang papel.
“Just list down your desire character.” I said.
“Hmm, I want to play the role of Flynn Rider.” Nakangising sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko at bahagya siyang hinampas ng papel. Natawa naman siya sa reaksyon ko. The hell, ano 'yun partner kami? Ayoko nga.
“What? We have the freedom to choose our own character as long as wala pa kaming kapareho. Be my Rapunzel, Sandra.” Kinindatan pa ako nito kaya napasinghap ako.
“Can you choose another character?” Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at inagaw sa akin ang papel at ballpen. Nagsimula na siya isulat ang role niya along his name.
“And at last I see the light.” Pagkanta niya sa line ng theme song ng Tangled. Napapikit ako ng mariin, kung minamalas ka nga naman.
Natapos ang meeting at hindi ko na nagawa pang kumain ng lunch. Diet na muna tayo ngayon, bago ako pumasok sa klase ko ay napahinto ako sa tumawag sa pangalan ko. Naabutan ko si Zico na hinihingal na lumapit sa akin.
“Here.” Inabot niya ang sandwich na hawak na nakabalot sa tissue. May kasama pa iyong mineral water.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kaya hindi agad ako nakapagsalita o nakagalaw agad. Inilapit niya pa iyon kaya kinuha ko na. He smiled at me, he turn his back and waved at me.
“Eatwell, Rapunzel.” Tuluyan na siyang nakaalis. I look at the sandwich and mineral water in my hand. You're not that bad Zico.
Pumasok ako sa klase at naabutan ko si Cose doon na gumagamit ng phone. She immediately look at the food in my hand.
“Buti naman at naisipan mo kumain. Usually you don't buy yourself a food kapag may meeting ka.” Sabi nito.
Napailing nalang ako, kung alam mo lang wala talaga akong balak. Buti nalang dinalhan ako ni Zico, bumilis ang pintig ng puso ko nang maalala ang itsura niya na hinihingal mula sa pagtakbo para lang iabot ang sandwich na 'to. He's the least person I'm expecting to do these kind of things. I judge him too much.
Naging busy ako sa SSG at Characters on parade. Kapag umuuwi ako ay agad akong nakakatulog, I don't have a time to think of the painful past. Which is a good sign, hindi ako masyadong nalulungkot dahil distracted ako.
Nagpasukat na ako ng magiging costume ko, sobrang naeexcite ako maging portrayer ni Rapunzel. This a dream come true. She's my favorite disney princess. Nagsimula na naman kami sa meeting namin at as usual, nandito na naman si Zico para mangulit.
“Ate, mas maganda siguro kung may opening na performance tayo. Para mas nakaka-excite 'yung event.” Suggestion ng isa sa mga member. Tumango ako dahil magandang idea iyon.
“Anong maganda iperform? Tsaka sino ang magpeperform?” I asked them.
“Maganda po yung theme song ng Tangled na I see the light. Bakit hindi po kayo kumanta ni Kuya Zico?” Suggestion niya ulit. Mukhang isusumpa ko itong member na 'to sa kanyang suggestion.
“Hey, it's a good idea. Why not Sandra?” Sabi ni Zico na sumang-ayon naman. Umiling ako sa kanya.
“Hindi ako kumakanta!” I said in protest.
“Edi tuturuan kita.” Sabi ni Zico, porke marunong siya ay idadamay niya ako? I don't sing for pete's sake!
“No, let's think of another one.” I said.
Pero halos lahat sila ay iyon ang gusto, hindi naman ako nahihiya. I don't have a talent in singing. Hindi ko nga alam kung anong talent ko, pero kabisado ko ang I see the light. Of course paborito ko ito.
“Fine.” Pagsuko ko. Naghiyawan sila dahil majority wins.
Natapos ang meeting at sinabayan ako ni Zico sa paglalakad sa hallway pabalik sa klase namin. Inabutan niya ulit ako ng sandwich at mineral water. This time, I declined it. Nakakahiya na masyado.
“Hindi naman ako naniningil. Kuripot ako Sandra, dapat matuwa ka binibilhan kita ng foods.” Nakangising sabi nito. Inirapan ko nalang siya at tinanggap na ito. Nasalubong namin si Dean kaya agad na namula ang pisngi ko.
“Are you free tomorrow lunch, Cassy?” Dean asked. I was about to answer him pero naunahan ako ni Zico.
“No, may meeting kami para sa event.” Zico said. Agad na kumunot ang noo ko, ako ang President bakit hindi ko alam na may meeting?
Hinawakan ni Zico ang kamay ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. I was about to remove his hand pero pinisil niya ang kamay ko. Kung kanina ay masaya at cheerful ang mood niya, ngayon ay nag-iba ito. Bihira ang mood niya na ganito, seryoso.
“Oh, I see. Next time then.” Nagpaalam na si Dean pero bago ito makaalis ay napatingin pa siya sa magkahawak naming kamay. Agad ko itong inalis pagkaalis ni Dean.
“Bakit mo sinabi 'yun? Wala tayong meeting bukas!” I said.
“Practice natin para sa opening, nakalimutan mo ba?” Nakangising sabi nito. Ngayon ay bumalik na ang mood niya na mapang-asar.
“Oo nga pala.” Kailangan namin magpractice kaya sumang-ayon din ako sa sinabi niya. Nagsimula na kami bumalik sa mga klase namin kaya naiwan nalang akong nakatitig sa sandwich na binigay sa akin ni Zico. He looks like a jealous boyfriend earlier.
Natapos ang klase namin sa araw na iyon kaya nagsimula na kaming magligpit ni Cose ng mga gamit. Pupunta kami sa Mall ngayon para dumaan sa paborito naming boutique. Dadaanan ko na din ang costume ko, hindi makaka-attend si Cose dahil may kailangan daw sila puntahan ng parents niya sa araw na iyon.
“Something is up with Zico. Feeling ko interesado siya sayo.” Sabi ni Cose. Agad akong umiling sa kanya.
“Hindi naman. Gusto niya lang daw makipagkaibigan.” I said. Nagkibit balikat lang siya at nagikot ikot pa kami sa mall.
Nakuha ko na ang costume ko kaya agad ko itong sinukat sa bahay. Saktong sakto ito sa akin, I really love it. Nagplay din ako ng kantang I see the light. Nagsimula na akong ipractice ito para hindi ako mapahiya kay Zico bukas. Alam ko naman na magaling siya sa music, kaya baka mamaya pagtawanan niya ako. Hindi naman ako sintunado pero malamig ang boses ko. I can sing pero hindi ganoon kagaling.
Niyaya ako ni Zico na magpractice sa puno na unang pinagkitaan namin. Naalala ko na naman nung nilait lait niya ako dahil sa itsura ko noon. Nasa iisang school pa din kasi ako simula noong Elementary, I decided to study here until Senior high school. Naabutan ko siya doon na naka earphones at bahagya pang may kinakanta.
Napa-angat ang tingin niya sa akin at ngumiti nang makita ako. Tinapik niya ang gilid at niyayaya akong tumabi sa kanya. I sat down beside him, he plugged the other earphone in my ear at sabay naming pinagkinggan ang kanta.
“Why do you love Rapunzel so much?” He asked.
“I can relate to her. We're both stuck in a room of painful battle in our lives. We both want to end the painful journey, and live a life.” I said while staring at nowhere.
“You can free yourself anytime you want. Ikaw ang may control sa buhay mo, Sandra.” He said. I look at him and smiled bitterly.
“You will not understand Rapunzel if you didn't had a chance to be trapped in a tower.” Tinignan niya ako sa aking mga mata. I can see in his eyes that he's confused. Hindi niya ako maiintindihan. Walang makakaintindi sa akin.
“Hindi ka makaaalis sa pagkakakulong sa nakaraan, kung hindi mo hahayaan ang sarili mo na maging malaya.” He said. At some point, tama siya. Hindi ko naman talaga hinahayaan ang sarili ko na maging malaya.
Ako mismo ang nagkukulong sa sarili ko, nagpapanggap sa lahat ng tao na okay ako. I just learn to live with pain.
“No need to hide. No need to pretend, I'm willing to save you.” Seryosong sabi ni Zico. Umiling iling nalang ako.
“You're not Flynn Rider.” Inirapan ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko.
“I can play his role if you want to.” Nakangising sabi niya habang nagtataas taas pa ng kilay. Napatawa ako at kinurot siya.
“Ang haba ng hair mo, Rapunzel. Anong shampoo mo?” Maarteng sabi nito na parang bakla. Kaya lalo akong napatawa, ang galing niya magboses bakla.
You're indeed a keeper, Zico.