Chapter 1

1132 Words
" Napaka-man hater naman ng author nito " " Ang pangit ng story mo author, hindi kaba marunong magmahal? " " napakamanhid naman ng author na to " " Paano ka ba naging writer? " " Kung alam ko lang na ganito ang ending, sana hindi ko na binasa to. " Ilan lamang yan sa mga nababasa kong comments sa nobelang katatapos ko lamang isulat. It was an action story about four girls who got r*ped. After how many years, natuto silang makipaglaban at unti-unti silang naghiganti sa mga nang r*pe sa kanila. But theres a man na handa silang tanggapin at umibig sa kanila pero hindi nila nagawang tanggapin ang pag-ibig ng mga lalaki. Dahil na rin sa patuloy silang minumulto ng nakaraan. May maganda namang lesson na mapupulot dito. Na walang maidudulot na mabuti ang paghihiganti and the four girl died at the end kaya hindi ko rin masisisi ang readers kung bakit sila nagagalit. Iyon ang nasa isip kong ending e. Napabuntong hininga ako bago itinabi ang laptop ko. I'm Callixta Enrique, short for Calli. I'm 18 years old, i'm a novel writer and my pen name is BLACK. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito. Kasalukuyan kasi akong nasa maliit na sala ng boarding house na tinutuluyan ko. Lumapit ako dito at pinagbuksan ang sino mang kumakatok. Bumungad sa akin ang nakacross arms at mataray ang tingin na si Elji. Siya ang editor ko at besfriend na rin. " Did you see those bad comments on your story? " mataray na tanong nito habang tuloy tuloy na pumasok at umupo sa maliit na sofa. Sigurado sermon na naman ang aabutin ko dito. " Yep! " maikling sagot ko. " And what did you think about it? " tanong nito. " Let them be, magsasawa rin sila. " sagot ko at umupo sa tabi niya. " Really, Callixta? " inis na sabi nito na ikinataas ng kilay ko. " Don't you dare call me with that name. " inis na sabi ko rito, ayaw ko sa full name ko, ang pangit. Callixto kasi ang pangalan ni papa kaya ginawang Callixta ang pangalan ko. " Come on Calli. Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Paunti na ng paunti ang followers mo at halos wala na rin nagbabasa sa mga nobelang sinusulat mo. " sabi nito, tanging buntong hininga lamang ang sinagot ko rito. Anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng ipilit sa kanila ang mga nobela ko. " Why don't you try to write a better story? A story about love. " sabi nitong muli at bumuo pa ng heartshape gamit ang mga daliri na ikinanguso ko. " Elji, hindi naman kasi ganun kadali yun. Lalo na at alam mong wala akong karanasan sa pag-ibig. I don't even know the feeling of being in love. And worse i don't like boys and i have a haphephobia. " sagot ko. " Then what should you do? Paano ka magiging tanyag na manunulat kung ganyan? Come on Calli, it's been 5 years. Hanggang ngayon hindi mo pa rin kinakalimutan ang nangyari. Paano magiging maayos ang buhay mo? " sermon nito, paulit-ulit lang naman kami sa ganitong senaryo. Paramg nasasanay na nga ako sa mga sermon niya, hindi naman ako nagagalit kasi alam kong para sa akin lang din ang iniisip niya. " You know what happened to me, Elji. At ikaw mismo ang nakakaalam na hindi yun ganun kadaling kalimutan. Kung kaya ko lang sana, edi matagal ko nang ginawa. " sumbat ko dito. " Okay fine! I'm sorry. Ang gusto ko lang naman maging maayos ka. " lumambot na ang mukha nito at tila nauunawaan ang pinagdadaanan ko. " I know and i'm very thankful to you! Kasi lagi kang nandyan para sa akin. " bumuntong hininga ito. " Ofcourse, i'm your bestfriend. Duuuuuh! " mataray nitong sabi na ikinatawa ko. " Subukan mo kayang makipagdate ulit? Malay mo dun magsimulang makalimutan mo ang nakaraan at maranasan mo na ring umibig. " napailing ako sa sinabi nito. " Ilang beses na ba nating sinubukan? And we always failed. Dahil na rin sa weird akong tao. Ikaw ba naman makipagdate sa babeng takot mahawakan, di ba? " natatawa kong sabi. " Pero Calli, you have to write a better novel. Pati ang mga senior editor, pinupuna na rin ang mga plot ng kwento mo. Para dumami ang followers and readers mo think about a story na makakakuha sa atensyon ng masa, dahil kung patuloy na magiging ganito. Baka mamaalam ka na sa pagiging isang writer. " paalala nito. " Oo na, i'll try to write a better novel, kaya tigilan mo na ako sa sermon. " sabi ko na ikinatawa niya. " Kalimutan mo na yung lalaking nagligtas sayo noon. Ilang taon na rin ang nakalipas pero ni minsan hindi nagcross ang landas niyo. It's time for you to find someone else. Pero make sure na tanggap niya kung ano ka. " sabi nito. Dapat ko na nga ba siyang kalimutan? limang taon na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang bangungot sa buhay ko. Isang bangungot na sumira at patuloy pa ring sumisira sa aking pagkatao. At ni minsan hindi na kami muling nagtagpo. Paano ko ba naman kasi siya mahahanap, ni hindi ko nga alam ang mukha nito. Madilim nang gabing yun, idagdag mo pang nakasuot ito ng mask. " Okay! " sagot ko rito kahit hindi naman ako sigurado kung kaya ko bang gawin ang sinasabi nito. Ilang beses ko na ring sinubukan pero walang nangyari. " Siya nga pala, kelan ang pasukan niyo? " tanong nito. Kahit papaano naman ay nakakaya kong pag-aralin ang sarili. Nag-enroll ako sa college. Bachelor of arts in Sociology ang kinuha kong kurso at kaka-enroll ko lang noong nakaraang linggo. Gusto ko lang makatapos ng pag-aaral dahil ang pangarap ko talaga ay maging isang sikat na manunulat. " Sa Lunes na. " sagot ko dito, tumango naman ito. " GoodLuck!, i have to go na. May kailangan pa akong asikasuhin sa office. By the way, go to my office if you have time. I'll give you a books to read para magkaroon ka ng ideya about love para sa susulatin mo. Bye! " sabi nito at naglakad na. " And oh! Yung vitamins mo, wag mong kalimutan para hindi ka nagkakasakit. Buti sana kung may kasama ka dito. " wika nito na ikinangiti ko. She's always like that, chinicheck niya palagi kung may vitamins pa ako at siya rin ang nagbibigay ng lahat ng iyon. Ayaw ko sanang tanggapin pero kinukuha ko na lang din at iniinom dahil ayaw kong nag-aalala siya sa akin. " Yes mam! " saad ko na ikinatawa niya. " I'm going! " nagpatuloy na ito sa paglabas. " Ingat! " sigaw ko rito bago makalabas ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD