Chapter 18

1454 Words
" Sophie, ano kayang dapat kong gawin para mas mapalapit kay Ivo? " tanong ko, narito kami sa cafeteria dahil kakatapos lamang ng isang subject namin. But don't get me wrong, gusto kong mapalapit sa kanya para sa gagawin kong kwento hindi dahil gusto ko siya. " Hmm.. sigurado kaba na si Ivo ang gusto mong lapitan? sinasabi ko na sayo hindi madali yang iniisip mo. Kita mo naman noong una kayong magkita kung gaano kasama ang ugali niya. " sabi nito. I don't know pero hindi ko makita sa sarili ko na masama siya. I always think that he's a good man kahit taliwas ito sa mga pinapakita niya sa lahat. Nahihiwagaan ako sa kanya, maybe that was the reason kung bakit gusto kong mapalapit pa sa kanya. " Oo Sophie, kaya ko yun. Patulong naman ako. " sabi ko na may pakindat-kindat pa, tila napaisip naman ito. I want to know everything about him. " Hindi ko alam kung kaya mo pero walang masama kung susubukan mo. Every semester nagbibigay si Ivo ng examination para sa lahat ng may gusto. Si Ivo din ang gumagawa ng questionaires, ang nakakakuha ng perfect score ay maaaring humiling ng isang bagay mula sa kanya. Pwede kong kausapin si Zach para gawan ng paraan upang mapaaga ang examination na yun. " sabi ni Sophie na ikinatuwa ko. " Talaga? tungkol saan kaya ang mga tanong? " tanong ko na ikinakamot ng ulo ni Sophie. " Ang totoo niyan walang nakakaalam dahil every semester ay nababago ang topic, ang sabi ng mga sumubok sobrang hirap daw ng mga tanong. Minsan tungkol sa politics, minsan tungkol sa current situation ng bansa o minsan tungkol sa human and society condition. Walang nakakaalam kung anong dapat ireview kaya walang nakakakuha ng perfect score. " sagot ni Sophie na ikinangiti ko, parang ang challenging lang kasi ng ganun. " I want to try. " desididong sabi ko. " Sige i'll talk to Zach. " sabi nito. " Salamat " ngumiti lang ito sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa next subject namin. " Calli, alis muna ako. I-text mo na lang ako kung nasaan para alam ko kung saan ka pupuntahan. Mag-uusap lang kami ni Zach. " nagmamadaling sabi nito, ngumiti ako at tumango bago ito tuluyang makaalis. Saan ba ako pupunta? Ayaw ko na sa cafeteria e. " Ey Calli... " napatingin ako sa tumawag sa akin, it was Jazzie. Ang gwapo rin talaga ng isang to tapos ng bait pa. " Mag-isa ka lang? " tanong nito. " Oo e, kakausapin daw ni Sophie si Zach. " sagot ko. " Hmm.. wala kanang klase? " tanong niyang muli. " Mamaya pa, kaya hahanap muna ako ng matatambayan. " sagot ko dito. " You want to come with me? i know a good place. " sabi nito na ikinangiti ko. " Sure. " sagot ko, mabuti naman siyang tao at alam kong wala siyang gagawin sa akin. " Let's go.. " wika nito at sabay kaming naglakad. Medyo naiilang ako dahil pinagtitinginan kami ng lahat, kung sabagay. Kilala siyang tao samantalang ako ay hindi. Tahimik naming tinungo ang rooftop ng kanilang department, pangiti-ngiti lang ito sa akin kapag napapalingon sa aking gawi. " Maupo ka. " sabi nito pagkapasok namin sa rooftop, may tatlong upuan na nasa ilalim ng isang malaking payong. Para ka lang nasa picnic ang lagay. Pagkaupo namin ay pinagmasdan namin ang kalayuan. Malamig ang simoy ng hangin dito kahit pa tirik ang araw. " Palagi ka dito? " tanong ko, lumingon ito at ngumiti. " Oo, lalo na kapag gusto kong makapag isip-isip. " sagot niya. Binuksan niya ang kanyang bag at may kinuhang tubig dito. " Water.. " alok nito at iniabot ang tubig, may hawak pa siyang isa kaya tinanggap ko ito. " Thanks. " pasasalamat ko, ngumiti naman ito at sinimulang uminom, ganun din ang ginawa ko. " Jazzie, can i ask? " napatingin ito sa akin. " What is it? " he asked, i gulped. " A-anong... anong g-gusto ni Ivo sa isang babae? " lakas loob na tanong ko na ikinatawa niya ng mahina. " You like him? " nakangiting tanong nito. " No.no.. i mean... ahm.. interesado lang ako sa kanya. " sagot ko. " Nahihiwagaan kasi ako sa kanya. " dagdag ko pa, ngumiti ito at tumingin sa malayo. " If you like him, chase him. Si Ivo kasi gusto niya yung babaeng kahit ipinagtutulakan niya ay patuloy pa rin siyang lalapitan, yung babaeng palaban, yung babaeng kaya siyang tapatan sa lahat ng bagay. Ivo is not expressive person, wala sa vocabulary niya ang panliligaw kaya kung gusto mo siya ikaw ang dapat gumawa ng hakbang. " sagot nito. " Pero ang sabi ni Sophie, may hinahanap daw siyang babae. It was his first love. " sabi ko, he smiled. " Yes, that's true. But it's been five years at hindi pa rin niya iyon nakikitang muli. Hindi permanent ang feeling ng tao Calli, pwede itong magbago. " lumingon ito sa akin. " But before you decide to chase him, i want to remind you that he's an evil. Wala siyang pakialam kung babae ka. " dagdag nito, tumango naman ako. " Evil talaga ang tingin niyo sa kanya? " tanong ko. " Yeah, kita mo naman noong una kayong magkita, binato kana lang basta ng bola. " sagot niya, napailing naman ako. " But for me, he's not. Isa siyang mabuting tao at sigurado ako doon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinipilit niya ang sarili niyang maging masama. " sabi ko, napatingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala. " Iba ang kinikilos niya sa harap ng mga nakakakilala sa kanya at iba rin ang kinikilos niya sa mga hindi siya kilala. " dagdag ko pa, he smiled and looked away. " I'm glad that there's someone who believe that he's a good person. Iyan din ang paniniwala namin kaya hindi namin siya iniiwan o binibitawan. We're childhood bestfriend at alam namin kung gaano siya kabuti. Nakakapagtaka lang na ipinipilit niyang masama siyang tao sa di malamang dahilan. " paliwanang nito. Bakit nga kaya? Ano bang meron? Anong dahilan niya at nagkakaganito siya? " Calli, he's a good man. Sana kung gusto mo man siya, wag mo siyang sukuan. Please do everything you can for him to get back on his old self. I'm always here if you need help. " sabi nito at tumayo na. Ano bang sinasabi nito? hindi ko siya gusto. " Let's go, baka malate kana sa klase mo. " nakangiting sabi nito, wala sa sariling tumango ako at tumayo na rin. Lumilipad ang isip ko, naguguluhan ako kay Ivo. Bakit ba siya ang pinuproblema ko? Nng makababa ng building ay nagpaalam na ako kay Jazzie, nais pa sana niyang ihatid ako sa department building nmin pero hindi na ako pumayag dahil mukhang may klase na rin ito. " Calli saan ka galing? " tanong ni Sophie, pagkaupo ko. " Sa rooftop, nagahangin. Sorry dina kita nai-text. " sagot ko, ngumiti naman ito. " Okay lang, halos kararating ko lang din, nakausap ko na si Zach at napapayag narin niya si Ivo. Yung examination ay gaganapin na sa isang araw, so be ready. " wika ni Sophie na ikinatuwa ko. " Goodluck Calli, galingan mo. " masayang dagdag nito. " Yeah, kaya ko yun. Ako pa ba? " pagyayabang ko dito na ikinatawa niya. " By the way, kumusta yung sa story mo? may nasimulan kana? " tanong nito, napasimangot ako sabay iling. " Nahihirapan ako, diko alam kung paano ko sisimulan. " sagot ko. " Hmm... punta ka sa bahay bukas, wala namn tayong klase. Mag movie marathon tayo, malay mo may makuha kang idea. " suggest nito. " Hindi kaya nakakahiya sa parents mo? " nahihiyang tanong ko na ikinatawa niya. " Ano kaba? kaibigan kita. Isa pa for sure matutuwa sayo ang parents ko, dahil ngayon lang ako magdadala ng kaibigan sa bahay. " sabi nito, oo nga pala wala itong totoong kaibigan, puro fake ang natagpuan niyang kaibigan. " Sige. " pagpayag ko, isa pa magmumukmok lang na naman ako sa boarding house ko. " May nalaman pa pala ako. " sabi nito habang kumakain kami na ikinalingon ko sa kanya. " Ano yun? " curious kong tanong. " Sabi ni Zach, para daw makuha mo ng loob ni Ivo dapat daw matalo mo siya sa mga bagay na magaling siya. " sagot nito na ikinakunot ng noo ko. " Saan ba siya magaling? " tanong ko. " He's good at singing, playing basketball, academics at syempre sa pakikipaglaban. " napangiwi ako, paano ko naman siya hihigitan sa mga bagay na iyon. Sa academics, pwede pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD