CALLI " Ivo, aalis lang ako saglit. Bibisitahin ko lang yung inuupahan kong bahay. " paalam ko kay Ivo na abala sa pagbabasa ng libro sa sala. " Okay! " walang lingon na sabi nito. Aalis na sana ako nng tawagin ako nito na ikinalingon ko sa kanya, nakatingin na ito sa akin. " Anong oras ka uuwi? " tanong nito, ala un narin ng hapon. " Siguro mga 4 or 5 pm. " sagot ko. " Okay! " bumalik muli ang kanyang mga mata sa binabasang libro kaya umalis na lang ako. Pagdating ko sa tinitirahan ko ay napaupo ako sa sofa na maliit. Ilang linggo pa lamang ako sa condo ng Ivo na yun pero sobrang namiss ko na dito. Naglinis linis ako sa buong silid at pagkatapos ay nagpahinga. Inayos ko muna ang mga bintana at nilock ang mga ito pati ang pintuan bago iniwan. Paglabas ko ng bahay ay napakunot noo

