" Calli, ready kana? " napangiti ako at tumakbo palabas ng kwarto. " I'm ready! " Nadatnan ko si Ivo sa sala, napakunot noo pa ito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. " Psh! " iniwan ako nito na ipinagtaka ko at bumalik siya sa kwarto niya. Paglabas niya ay may hawak hawak na itong gloves. " May ime-meet tayo, mas okay na yung ready. " sabi nito at sinimulang suotan ng gloves ang mga kamay ko. " Ayan, ready na! " nakangiting sabi nito nang matapos na ikinangiti ko rin. " Let's go! " kinuha nito ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay saka sumakay sa kanyang kotse. " Saan tayo pupunta? " tanong ko habang nasa biyahe kami. " Sa favorite place ko. " nakangiting sagot nito na ikinanguso ko. " Ano pala ang favorite song mo? " tanong ko dito. " Hmm... monster " agad ako

