" Kuya, aalis lang po ako. Pupunta po ako kay Ivo. " paalam ko kay kiya Ryan. " Ha? ihahatid na kita. " mabilis itong tumayo at nagtungo sa kanyang kwarto, hinintay ko naman. " Let's go! " wika nito at sabay na kaming lumabas at sumakay sa kotse. " Calli, magtapos muna ng pag-aaral ha! " sabi ni kuya nang nasa daan na kami na ikinatawa ko. " Oo naman kuya, saka maraminpa kaming pangarap ni Ivo. " sabi ko na ikinangiti niya. " Good, paunahin mo muna kami ni kuya Rafa. " sabi nito na ikinatawa ko. Pagdating namin sa bahay ni Ivo ay bumaba na ako sa may gate. " Ayaw mong pumasok kuya? " tanong ko. " Hindi na, may kailangan pa akong gawin e. " sabi nito. " Ah okay, ingat. Bye! " kumindat ito bago pinatakbo ang sasakyan. Napatingin ako sa mataas na gate, binigyan naman ako ng susi ni

