Napatingin ako sa schedule ng klase ni Calli at kumunot ang aking noo dahil vacant time nila ngayon pero wala parin siya dito. Ewan ko ba, parang hindi kumpleto ng araw ko pag diko nauutusan o naiinis ng babaeng yun. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ito, napangiti ako nang sagutin niya kaagad. " At bakit wala kapa dito? " bungad ko kaagad dito. " Teka pwede? psh! andito ako sa cafeteria bumili ng pagkain. By the way, baka may gusto kayong ipabili. " sagot nito na ikinangiti ko, napatingin sa akin ang dalawa kaya agad akong sumeryuso at lumunok. " Just buy me anything. " sabi ko at pinatay na kaagad nang hindi hinihintay ang sagot niya. " Ano kayang gayuma ang binigay ng Calli na yun sa ating kaibigan? " sabi ni Zach na tila napapaisip pa, natawa naman si Jazzie sa sinabi nit

