" May binubugbog na naman si Dark sa may hallway. " napalingon ako sa nagsalitang babae na nasa kabilang table at tila kararating lang. Kasalukuyan akong nakatambay dito sa may cafeteria dahil si Sophie ay may kinailangang gawin sa library. Gusto ko sanang samahan kaso ayaw niya, mas gusto daw niyang mapag-isa. " Bakit? aning nangyari? " tanong ng isang babae. " Hindi ko alam yung talagang nangyari pero ang narinig ko, nabangga daw siya ni Jacob tapos nagalit si Dark at yun binugbog si Jacob. " sagot ng babae. " Jacob? yung vocalist ng bandang xxx? " tanong ng isa, tumango namam ang isa. Nagmumukha na akong chismusa dito. " Mabait yun si Jacob ah. Sabagay, e masama naman talaga ang ugali ng Dark na yun. Gwapo lang siya pero demonyo naman. " nakaramdam ako ng inis sa narinig, sinulyapan

