" Calli, bakit tulala ka? " Sophie asked, kasalukuyan kaming nasa library. Pareho kaming may hawak na libro pero hindi ko naman ito binabasa dahil naglalakbay ang isip ko. " Iniisip ko lang yung nasaksihan ko kahapon. " kumunot ang noo nito. " Kahapon kasi nadatnan ko sa harap ng VIP room sina Ivo at Maikee na nag-uusap. Sabi nung Maikee, liligawan niya si Ivo. " " Oh tapos? " tanong ni Sophie. " Kapag naging sila, tingin mo paayag pa yung Maikee na yun na lumapit-lapit ako kay Ivo? " tanong ko rin. " Well, kung ako ang girlfriend syempre. And knowing her, for sure hindi papayag. " sagot ni Sophie. " Paano na ang susulatin kong story? konti pa lang ang naiisip kong plot at napakaboring pa. " naaisip naman si Sophie. " Maghanap ka na lang ng ibang character or si Jazzie na lang mas m

