" Ivo " kunot noong napatingin si Ivo sa akin, nasa hapag kainan kami at abalang kumakain sa mesa. " Bakit? " balewalang tanong nito habang ang mga mata ay nasa pagkain. Ano bang sasabihin ko? ayaw kong itanong ang tungkol doon at baka magalit pa siya. " Hmm.. labas tayo pagkatapos kumain? " suggest ko na ikinatingin niya sa akin. " Saan pupunta? " tanong nito. " Kahit saan, gusto mo tumambay tayo sa seaside? gabi ngayon kaya malamig dun sigurado. " " No! " napanguso ako sa sagot nito. " Saglit lang! " " Still no! " ang arte talaga ng lalaking to kahit kailan. " Bakit? saglit lang tayo promise. " sabi ko at nagpa-cute pa pero naailing lang ito saka tumingin sa kanyang pagkain. " Ayaw kongaging bias sa mga nanliligaw sa akin. " napangiti ako sa sinagot nito. " Edi tanggap mo nang

