THE THREE of them sat silently as they were having their dinner. Hindi niya malasahan ang kinakain niya. Kanina pa pabaling-baling ang tingin niya sa dalawang lalaki na nasa harapan niya. Parehong tahimik at mukha yata walang balak magsalita. Ang akala niya ba ay may pag-uusapan ang dalawa? Was it because she was there too? Ayaw naman niyang umalis at iwan ang dalawa. Kung meron man dapat umalis ay si Hunter dapat iyon. Kanina ay hindi niya alam ang idadahilan ng maabutan siya ni Sage na yakap-yakap ng mahigpit ang vase. Hindi naman niya gustong sabihin dito na ang pinsan nito mismo ang dahilan. She didn't want him to worry even more. Kung hindi pa nga siguro dumating ito ay baka tuluyan na niyang naibato kay Hunter ang vase. She would just pay for it after. But since dumating na din si

