HINDI PINATULOG si Gianna ng huling sinabi ni Sage sa kanya. Pilit niyang iniisip kung anong ibig sabihin nito sa sinabi. He couldn't possibly mean that he liked her, right? Gayun bago siya umalis ay sinabi nito kung gaano nito kamahal si Rainee. Nagpagulong-gulong muna siya sa kama bago tiningnan ang oras sa wall clock. Lagpas alas dyes na ng umaga. Marahil ay tapos na ang mga yun mag-almusal. Mabuti na din yun dahil ayaw niyang sumabay sa kanilang kumain. Pakiramdam niya ay hindi siya nabubusog sa tuwing kasalo sa pag kain ang tatlo. Bumaba siya ng kusina at naabutan si Manang Emma na busy sa paghuhugas ng mga pinggan. Wala sa sala ang tatlo. "Nasaan po sila?" tanong niya at naupo sa harap ng la mesa. She was already starving. Nilingon siya ng matanda bago ulit nito binalik ang tingi

