"Abbie nak ikaw muna bahala sa bahay uuwi muna, at alagaan mo nang mabuti yang kapatid mo"
Today is saturday kaya wala kaming klase at isa pa uuwi si mama kasama si papa sa probinsiya namin sa nueva ecija nabalitaan kasi namin na naospital daw si lolo at walang kasama si lola kundi si tita cora lang.
"Okay ma, pa ingat po kayo sa byahe"
"Ma, wag mong kalimutan yung pasalubong ha?" Sabi ni gio yung nakababatang kapatid kong lalaki na 7 yrs old pa lang.
"Sinabihan ko na rin pala si bryce na puntahan kayo dito para bantayan kayo" sabi ni papa sakin
Umalis na sila gamit yung sasakyan ni papa.
Maya't maya narinig kong may nag doorbell sa gate namin at nung tinignan ko nasa labas ng bahay namin si bryce at may dalang isang box ng pizza favorite pa naman yun ni gio.
"Goodmorning abbie" bati sakin ni bryce.
Dumeretso na kami sa loob ng bahay. Tuwang tuwa si gio nung nakita niyang may dalang pizza si bryce
As usual naglaro lang sila ni gio ng video games sa sala namin maghapon hanggang sa sumapit ang gabi kaya dito ko na pinakain ng hapunan si bryce.
Nung nanonood na kami ng t.v sa sala nang biglang nag ring yung phone ni bryce nakita kong 'maru' yung nakalagay. Wait si maru? Yung tahimik at mabait na taga I.T department?. Nakilala ko siya nung acquiantance party sa school kilala kasi ni leigh yung mga katropa ni maru. Pati ba naman yun hindi palalampasin sa mga pambabae niya?
sinagot ni bryce yung tawag at bahagya pa siyang lumayo samin.
Hindi rin naman nagtagal yung tawag at bumalik si bryce sa sala.
"So si maru pala ang bago ngayon ah?"
"Bakit selos ka?"
"Hindi, tsaka pati ba naman yung nananahimik na tao papatulan mo pa?"
"Excuse me, pero siya yung unang nag text sakin"
"Ha? Bakit ka naman niya itetext?".
"Ewan ko, tinatanong niya ko kung kumain na ba daw ako? Minsan nga niyayaya niya ko sumabay kumain ng lunch sa cafeteria at Minsan naman niyayaya niya maoond ng sine.etc...."
Hindi ko ineexpect yun ah?
Maya't maya ay nagpasya na umuwi na rin si bryce dahil kailangan ng matulog ni gio. At kailangan ko na rin magreview dahil medyo malapit na ang midterm exam namin.
NASA room na ko at nagbabasa ng mga notes namin sa steno dahil mahirap na at baka mag graded recitation mamaya.
Nang nakita ko si maru nasa labas at mukhang may sinisilip sa room namin.
Lumapit ako sa kanya.
"Ahm a-andyan ba si bryce?" tanong niya sakin. Soft-spoken siya pero iba talaga yung pakiramdam ko sa kanya? Parang hindi ko siya bet?.
"Wala pa siya dito malamang late na naman yun. Bakit mo siya hinahanap?"
"May ibibigay lang sana ako sa kanya" nakita kong may dala siya ngunit tinatago nito sa likod kaya hindi ko makita kung ano yun.
"Ako na lang magbibigay sa kanya"
"No, ahm mamaya na lang siguro kapag nakita ko siya" sabi niya bago magmadali umalis sa harap ko.
At natapos na lang yung klase namin pero hindi dumating si bryce sa room. Asan naman kaya nagpunta yun at hindi pumasok
Nagpasya akong pumunta munang cafeteria kasama ang buong squad except kay bryce na hindi pumasok at si nikko nasa dance practice may darating kasing program sa school.
"Mukhang malungkot yung isa dyan kasi hindi pumasok si bestfriend" sabi ni lincoln
"Oo nga abbie, miss mo na agad?" Tukso pa ni leigh
"Letse kayo, ako na naman nakita nyo para asarin" sabi ko sa kanila
"Ay mainit ulo pre wag mo nang bwisitin, mahirap paamuhin ang mga babae kapag tinotoyo sila" sabi pa ni lincoln.
"Kapag ang mga babae tinoyo hindi talaga mamansin tapos sila pa maiinis kapag hindi natin sila pinansin, tss ang hirap nyong suyuin" biglang sabi ni marcus
Nagulat kaming lahat because this the first time na magsalita siya about sa babae.
"Hindi mo kasi pinaisa kaya siguro tinoyo" sabi pa ni leigh
"Kaya ayoko ng commitment e, mahirap na kaya kuntento muna ako sa tamang fling lang sa mga babae" sabi ni lincoln
"Bakit kayong mga lalaki Normal lang ba sa inyong umarte na faithful kahit babaero naman in real life?" Tanong ni chesca
"Oo nga ang unfair nyong mga lalaki bwiset kayo"sabi pa ni mika
"Hindi kasi kayo maloloko kung hindi kayo magpapaloko" sagot ni lincoln.
"So inaamin nyong manloloko talaga ang mga lalaki?" Tanong ni chesca
"Hindi naman sa ganun, siguro hindi pa dumadating yung right person for us" sagot ni lincoln
"wow pre at sayo pa nanggaling" manghang sabi ni leigh na parang hindi makapaniwala sa narinig niya kay lincoln.
"Syempre mema ko lang yun" dagdag ni lincoln
Hay ewan ko sa inyo gulo-gulo nyo.
ANDITO kami sa labas ng school ni mika hapon na at uwian na rin namin, tumambay muna kami habang kumakain ng street foods tutal uwian na rin namin ng biglang tumunog yung phone at nakareceive ng text.
Bryce:
Abbie hulaan mo kung nasan ako.
Ako:
Asan ka? bakit hindi ka pumasok?
Bryce:
Nasa bahay ako baliw. Puntahan mo ko dito bilis
"Sino nagtext abbie?" Tanong niya habang kumakain ng kwek-kwek.
"Si bryce bakit kasi hindi to pumasok tapos ngayon pinapapunta ako sa kanila"
"Tara sama ako"
hindi ko na sya nireplyan si bry kaya naisapan kong tawagan to.
"H-Hello?" I hear His husky voice at narinig ko pang umuubo-ubo pa.
Bakit ganito boses nito? May sakit ba to? Kaya siguro ako pinapapunta sa bahay nila palibhasa siya lang mag isa sa bahay nila maliban sa dalawang katulong.
"May sakit ka ba bry?"
Lumipas ng ilang segundo bago sumagot.
"Yes,so please come here" he said almost whispered.
Binaba ko na yung tawag. At umalis na ko kasama si mika
Pero bago kami umalis nagpasya muna kami bumili ng ubas sa palengke na malapit lang sa school, favorite niya kasi yun.
Nag doorbell kami ni mika sa gate ng bahay nila. Grabe ang laki talaga ng bahay nila at maganda pero parang si bryce lang ang nakatira dahil yung parents niya puro trabaho na halos nasa opisina na tumira sa sobrang busy kaya siguro siya nagrerebelde.
Yung katulong yung nagbukas samin ng gate at pinaderetso kami sa room ni bryce dala yung prutas.
"BRYCEEE!!!!!" Sigaw ni mika nung pumasok na kami sa kwarto njya at binulabog ni mika si bryce sa hinihigaan nito.
Habang si bryce na nanginhinig at balot-balot. mukhang nanlalambot na. Kung ano-ano kasi pinaggagawa sa buhay nito.
"Oh heto bryce ubas para gumaling ka na bukas" sabi ko
"Bryce look oh! May dala kaming ubas para mahalin ka na niya bukas hahahaha" biro pa ni mika
Pagkatapos nun pinakain namin siya at jusko ako pa nagsubo sa kanya habang si mika nasa isang tabi lang nagseselpon. Hindi talaga maasahan sa mga ganitong sakuna si mika.
Ako na rin nag painom ng gamot, nagpalit ng damit, at nag punas sa kaniya.
Maya't maya pa ay kinapa ko yung noo niya at napansin kong medyo bumaba na yung temperatura niya. Kanina pa nakauwi si mika dahil malayo pa bahay nila at matatagalan pa ang pagbyahe niya.
Nagising ako mula sa pagtulog ko nung nararamdaman kong hinawakan ni bryce yung mukha ko habang may binubulong siya na hindi ko marinig.
Hala! Hindi ko namalayan na nakatulog ako mula sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni bryce nakakahiya baka may panis na laway pa ko mula sa pagkakatulog.
"Hey may kailangan ka? May masakit ba sayo?" Kinapa ko pa yung noo niya kung mainit pa. Medyo bumaba na ngunit may sinat pa rin siya.
Nakatingin lang siya sakin ng matagal. Yung paraan ng pag titig niya parang nanghihipnotismo. Pagkatapos ay bigla na lamang niya ko niyakap ng mahigpit na halos hindi ako makahinga at nararamdaman ko yung katawan niyang mainit dahil sa sinat niya.
"B-bryce please let me go h-hindi ako makahinga"
Pagkuwan ay pinakawalan niya mula sa pagkakayakap at yung dalawang palad niya ngayon ay nakahawak sa pisngi ko at naka tingin sya sa mga mata ko. At parang minememorize niya yung bawat parte ng mukha ko kung makatitig siya sakin.
Ano bang mali dito? Baka may panis na laway nga ako at muta. Bakit ba to nagkakaganito ngayon? Iuntog ko kaya to sa pader para magising siya sa katotohanan na parang syang tanga.
"Abbie" he whispered to while looking sincerely into my eyes.
"b-bakit?" Nakatingin na rin ako sa mga mata niya at nakahawak sa mga kamay niyang nakahawak pa din sa mukha ko.
"T-thank you for always taking care of me. You never leave me kahit na pasaway ako o kahit na lagi akong nagaguidance nung high school tayo, nung times na kailangan ko ng makakasama you always there for me even though puro katarantaduhan yung pinaggagawa ko sa buhay ko."
"And that's makes me fallin' in love with you" dagdag pa niya. "Nung nalaman kong may gusto ka kay felix at nung nalaman ko pang nakakatext mo at nakakausap mo na siya, inaamin ko na nagseselos ako. narealize ko abbie na takot ako na maagaw ka nya sakin at natakot din ako na mapunta sa kanya yung atensyon mo dahil nasanay ako na lagi kang nasa tabi ko at napagtanto ko na hindi na pala kaibigan ang pagtingin ko sayo, na nahuhulog na ang loob ko sayo abbie"
"Aminado akong hindi ako nagseseryoso sa babae at alam mo yan abbie. Pero pag dating sayo ewan ko parang natotorpe ako"
"Can you give me a chance abbie? please I promise na magbabago na ko. Give me a chance to prove myself to you abbie. and im doing my best just to be the better version of me. at sisiguraduhin ko na i'll be the 'right man' for you even though i'm not the best"
He looked me into my eyes "But let me fix myself first before I court you, i'll give you time to let you decide if you are giving me a chance,abbie. I'm willing to wait for you" He said.
'To be continued'