"LOVE,MALAPIT na naman magsimula ang school year." Basag ko katahimikan.
"Yeah, magiging busy na tayo."
Sumapit na ang gabi ay naka upo lang kami ni bryce sa tabing dagat. Inabangan namin ang paglubog ng araw.Parehas kaming naka hawaiian attire.
Si bryce ay naka hawaiian polo shirt at shorts at ako naman ay naka hawaiian yellow dress.Naka upo ako sa pagitan ng hita at nakayakap sakin siya sakin kaya napasandal ako sa dibdib nito.
Dinama namin ang malamig na sinoy ng hangin kasabay ang tunog ng hampas alon ng dagat.Lumingon ako ng bahagya sa kanya.
Ibinalik ko ulit ang paningin ko ang magandang tanawin ng dagat
"Baka mawalan tayo ng oras nyan. " I sighed.
"We may be have busy sched but i'll make sure na laging akong maglalaan ng time para satin abbie. Basta para sa'yo gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sakin" he said in his deep huskily voice.
I smiled when i heard those words.
Kinabukasan na naman ay nagswimming kami.
Maganda ang sikat ng araw at yung hampas ng alon ay nakakaakit tignan.
Naka rush guard lang ako at swimming shorts, Hindi ako pinag two piece bikini suit ni bryce baka daw mabastos ako.
Hindi muna ako magbababad sa dagat at mas gusto kong tignan ang magandang tanawin na ito.
Nasa buhanginan kaming tatlong girls sa may nakatauong malaking payong at nandito rin yung mga tuwalya ng boys.
si mika naka suot ng revealing red two piece bikini suit na bumagay sa golden tan skin tone ni mika. she is a freelance model, after all kung kaya minsan ay sumasabak ito sa pagshoshoot o rumarampa bilang model.
Habang si chesca naka blue one piece swim suit.
Nakaka inggit kasi gusti kong magswim suit.
Habang yung mga boys kuntodo sa paglangoy sa dagat.
At ang lokong si nikko palibhasa walang abs di tulad nila lincoln at bryce kaya nag drawing ito ng abs gamit ang pentel pen.
Pinagtawanan tuloy siya ni mika. At pinicturan pa.
Maya-maya pa ay take kami ng nag picture kaming lahat na nasa likod namin ang magandang dagat at meron din naka upo kami sa buhanginan
kinagabihan naman ay nagdinner kami sa bahay nila lincoln.
naayos na ang mga gamit namin sa kanya kanyang kwarto. Kaming tatlong girls ay magsasama sa iisang kwarto sa 2nd floor habang sina leigh,marcus at nikko ay sa iisang kwarto, at si lincoln at bryce naman sa 3rd floor ng bahay.
Malaki ang bahay na pagmamayari nila lincoln. At mayroon itong apat na palapag.
"Guys! Manood tayo ng movie sa sala."
"Yown! netflix and chill" saad ni mika.
"Wews! Talaga mika? Itext mo muna yang 'baby' mo"
"Sino ba yang tinutukoy ni nikko na baby mo mika?" Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay dahil naaintriga na ko sa lovelife nito.
Ang daya dahil wala man lang itong sineshare samin.
"Duh! wag nyo na lang pansinin si nikko. Palibhasa hindi na kinausap ng baby nyan" sarcastic na sabi ni mika na tinagilid pa ang ulo kay nikko.
Napa face palm na lang ako dahil nagkatabi na naman ang mortal enemy.
NUNG matapos na kaming mag-ayos ng pinagkainan nagpasyahan namin na manood ng movies at magkatabi kami ni bryce na nakaakbay sakin at minsan nilalaro nito ang hibla ng buhok ko.
Kumakain ako ng popcorn habang nanonood.
"Ahm abbie pwede ba ako makahingi ng popcorn" nahihiyang sabi ni felix sakin. Napangiti ako nung naramdaman kong humigpit ang pagkakaakbay sakin ni bryce.
"Oh heto felix sayo na yan."
"Thank you abbie" ngumiti ito sakin.
Lumapit si bryce sa gilid ng mukha ko. Inamoy-amoy nito ang buhok at leeg ko kaya medyo nakikiliti ako.
Kinagat pa nito ng bahagya yung tenga ko. "Aray!" Ingit ko sabay palo ng mahina sa hita nito.
Lumingon samin sa nikko nang nakataas ang kilay at parang nandidiri samin "ano ba yan wag nyo naman gawin dito ang bagay na yan bryce, may mga single na naiinggit dito oh"
Hinampas ito ni mika. "Pwes, mamatay ka sa inggit Ha!Ha!Ha!"
"Ha!ha!ha! Iniwan" ganti ni nikko kay mika.
"Ha!ha!ha single" dinuro pa ni mika si nikko.
"Guys, pwede manahimik kayo?" Sabi ni marcus.
Tumahaimik naman ang dalawa at nag focus na lang sa pinapanood namin na sci-fi movie.
Nang matapos yung movie ay nagpasyahan namin na mag inuman sa malaking balkonahe nila lincoln sa 2nd floor.
"Oy laro tayo, yung may isusuggest kaming name then, mamimili kayo kung' jojowain o trotropahin', ano game?" Suggest ni leigh.
Nangangalahati na kami ng pangalawang bote kaya medyo namumula ang mga mukha ng boys.
"Oy pass na kami dyan" sambit ni bryce at yumakap sakin ng mahigpit. "Wala na kong ibang jojowain kundi si abbie lang" napatawa ako dahil lasing na talaga to si bryce.
"Sure game" saad ni mika.
"Sige mika ikaw tatanungin namin" ani ni nikko.
"Tang.in@ mo nikko" umirap lang si mika.
Tumikhim si marcus at siya na ang unang nagtanong kay mika.
"Nikko trinidad" sumilip ang pilyong ngiti ni marcus kay nikko.
Napabuga naman ng iniinom ng alak si nikko. "anak ng putcha bat ako?"
"Duh! Of course trotropahin."
"Wow ha parang lugi ka pa sakin sa lagay na to" sabay flex sa mga muscle nito sa harap ni mika.
"e pano kapag si enzo?" Tanong ni nikko.
"Syempre aasawahin" ngiting sambit ni mika.
"Bakit?" Tanong naming.
"Kasi MAHAL KO" sigaw ni mika. "HOY ENZO DE LIMA, MAHAL NA MAHAL KITANG HINAYUPAK KA!"
Naghiyawan naman kami dahil nakilala na naman kung aini yung binabanggit ni nikko.
"Ikaw naman leigh" ako naman ang magtatanong sa kanya. "nadin lustre" crush niya kasi itong artista na to.
"Trotropahin" simpleng sagot nito sabay shot ng alak.
"Bakit?"
"Crush ko lang siya e." kibit-balikat nitong sabi.
"Si ellie andres?" taas kilay ni lincoln kay leigh.
"aba edi jojowain" ngumiti ito nung narinig yung pangalan ni ellie yung incoming 2nd year college na this year.
"Sige nga bakit?"
Tumikhim muna ito at umayos ng upo. "She's my type. I like innocent and quiet girl like her" ngiting tagumpay naman ito si leigh akala mo nanalo e naman label.
"Oy cradle snatcher ka leigh" sabay batok ni nikko kay leigh.
"Sus! Parang hindi ka pumapatol sa bata ah!" Sambit ni leigh.
"Hindi naman talaga ako pumapatol sa mga bata pa,type ko yung kasing edad ko." sabi ni nikko.
nagpasyahan kong tumayo nang pagkatapos kong mag shot ng isa pa at nagtungo sa kusina dahil nauuhaw ako.
Mag aalas tres na ng madaling araw.
Medyo nahihilo ako.
Pagkasarado ko ng ref ay napatili ako dahil nagulat ako na nasa harap ko na pala si bryce.
Parang nawala yung kalasingan ko aa paraan ng pagtitig nito sakin.
Parang may dumaan na butterfly sa tiyan ko na hindi maipaliwanag.
Unti-unti ako umastras habang siya naman ay lumalapit sa'kin.
Hanggang mapasandal ako sa lababo. Dinantay nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko.
"B-bryce a-nong gagawin mo?"
He lick his lips while looking at me then down to my lips. Pumungay ang mga mata nito.
Naamoy ko ang alak sa hininga nito ngunit mabango pa rin.
"I-i want a kiss love" malambing na sambit nito.
Hinawakan ko ang mukha niya na namumula at mapungay na din ang mata nito.
Hinalikan ko siya. Dampi lang iyon pero nung akma bibitawan ko ay hinuli ulit nito ang labi ko. ang kamay ni bryce ay nasa batok ko at mas pinalalim pa nito ang halik niya sakin.
Hindi ko mapigilan na mapaungol sa pagitan ng halikan namin. Nakaka lamyos sa pakiramdam ang kanyang halik.
Kalaunan ay napayakap na ako sa batok ni bryce at ginantihan ko ang paghalik niya sakin.
"Damn it" he said "bumalik na tayo na itaas dahil baka hinahanap na tayo dun". Sabay hila sakin.
At doon na nagtapos ang bakasyon namin sa batangas, that beach is very fascinating and a breath-taking view sunset above the sea is a very dazzling view i've ever been seen.
Until the school year started, this would our last year in college. So far, Our 1 sem went well for all of us, and we will spent our 2nd sem into our on job training.
"MISS ORTEGA can you finish this paper works till the day after tomorrow" the supervisor told me.
Nalula ako sa dami ng papel but good thing dahil may oras pa para maiayos ko ito.
"Good afternoon sir!" Bati ko sa boss ko.
Gwapo ito pero suplado at snobber.Tantsa ko mga nasa 27 yrs old na ito si sir,pero walang girlfriend dahil ang balita ko mainitin ang ulo nito.
Ang sabi nga ng iilan kong kasamahan ay minsan na silang nasigawan nito dahil sa kapalpakan sa trabaho kaya medyo kinakabahan ako.
Sumulyap siya sakin at tinanguan lang ako bago pumasok sa office nito.
"Miss ortega, arat na maglalunch na tayo" aya sakin ng isa kong kasamahan dito.
Mababait ang mga empleyado dito kaya komprtable ako dito.Nagpunta kaming lima ng mga kasamahan ko dito sa cafeteria sa 2nd floor ng building.
"Grabe ang gwapo ni sir dela vega no?" Ani ng isang kong kasamahan.
Totoo ang sinabi ng kasamahan dahil talaga hindi ko maiitanggi na gwapo nga si sir. Dela vega matangkad ito at matipuno ng pangangatawan. May matangos na ilong,mapungay na mata at yung mahaba at makapal pilikmata niya at yung jawline nito na nakakadagdag sa kagwapuhan ng binata.
"Alam mo ba abbie? Nakita ko yan si sir na lihim na sumusulyap sayo nung nasa conference room tayo."
Napasama kasi ako team namin para mag present ng report. At ina-assign din akong magreport sa harap ng mga boss namin.
"Parang may something?" Ani ni issa bago ngumuya ng oagkain.
Huh? Anong big deal doon?
"Ah baka may lihim na pagtingin yan si sir sayo" siniko pa ako nung isa .
"ayiie" tukso nila sakin.
"Pwede ba tigilan niyo ko dahil may boyfriend na ako no"
"Oh my gosh andyan si sir" kunwari kaming busy kumain.
Nakita ko nga pumasok siya dito sa cafeteria.Bumulong si issa yung kasamahan ko.
"Ayiie may sinusulyapan dito si sirrrr!"Dinedma ko na lang sila hanggang sa matapos kaming kumain.
NANG MATAPOS na kaming kumain ay bumalik agad kami sa trabaho.Nag vibrate yung phone ko. Nagchat sakin si bryce.
Siguro lunch time pa rin nila.
LOVE:
I miss you, let's have date tonight?
I smiled because he always make sure that we have to spend time together, at sa tingin ko mas tumibay pa ang relasyon namin dalawa kahit na busy kaming dalawa.gabi gabi naman kaming magkasama ni bryce sa bahay namin. At minsan naman ay nagvivideo call na lang kami dahil pagod kami galing trabaho.
Nagtipa ako sa phone.
Me: sure, miss na rin kita. Kaso baka malate ako ng uwi. Kailangan ko mag overtime dahil marami akong kailangan tapusin ngayon.
Then i sent to him.
After just a few minutes nag vibrate ulit phone ko.
Love: sunduin na kang kita mamaya love.
Me:aww, pero malayo yung byahe mo nyan.
Love: ano pa ang silbi ng motor kung hindi ko naman masusundo ang girlfriend ko? I will pick you up later. I love you.Ps' I LOVE YOU SO MUCH.
Hahaha pakulo mo naman
Me:okie, I love you too. See yah later. Mwuah
Isang buwan na lang titiisin at makakagraduate na kami.
"MISS ORTEGA where is the paper works that I assigned to you?" Tanong sakin ni sir. Dela vega nung pinatawag niya ako sa office nito.
"I-im sorry sir h-hindi ko pa po tapos pero malapit na rin po akong matapos" kabadong sambit ko dahil madalim ang aura nito ngayon.
"It's okay just... make sure you will finished this today because i need that tomorrow afternoon."
"Yes sir"
"You may go now"Ngumiti ako ng matamis akala ko makakatikim na ko ng sermon o kaya sigaw mula sa kanya.
"Thanks sir"Ngumiti ito sakin.
Lumabas na ako ng office pero nagulat ako kila issa, nikki at erica na naka abang sa paglabas ko. At yung tenga nila naka dikit sa pintuan na para bang kanina pa silang nakikinig at inaabangan kung papagalitan ba ako ni sir.
"Ginagawa nyo?" Tanong ko sa kanila.
"Bakit hindi namin narinig ang sigaw ni sir?" Kunot noo ni issa.
"Huh?"
Hindi naman niya ako pinagalitan ah,at saka sabi niya siguraduhin ko lang daw na matapos ko ngayon araw dahil kailangan niya ito bukas"
"Totoo ba yan? Kasi pag kami kailangan 3 days before kailangan tapos na at kapag hindi ay makakatikim ka ng isang malutong na sermon."
"Oo naranasan ko nang masermunan niyan"ismid na saad pa ni nikki.
"Mukhang special ka kay sir ah hmmp porket maganda ka."
kinurot pa ni erica yung tagiliran ko.Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko at nang natapos ay nilagay ko ito sa isang fortfolio at nagligpit na dahil gabi na.
HABANG nagliligpit ako ay dumaan si sir. Dela vega sa desk ko.
"Uuwi ka na miss ortega?"
"Yes, sir"
"Pwede ba kita ayain na magdinner"
"Sorry sir pero nagaantay na po kasi yung boyfriend ko sa lobby"
"Y-you have a boyfriend?"
"Yes, mag 1 yr na po kami"Umiwas ito ng tingin sakin
"oh that's great. Mauna na ako kung sa gano'n. Take care miss ortega" ngumiti ito sakin bago umalis.
Inayos ko pa ang desk ko bago nagpasyang umalis.
At nung bumaba ako ay nakita ko si bryce na nasa lobby at naka upo na may dalang bouquet flowers, nakasuot pa ito ng uniporme sa trabaho nito.
Ngunit napatayo agad ito nung nakita niya akong papalit sa kanya.Sinalubong niya agad ako ng yakap.
"Happy monthsary love!"Niyakap ko din siya ng mahigpit namiss ko siya sobra dahil bihira na lang talaga kaming magkasama. At minsan hindi pa kami nakapagcelebrate ng monthsary dahil sa ojt namin.
Lumabas na kami ng building at pinuntahan ang naka park na motor ni bryce at buti na lang lagi akong naka pants.
"I'm sorry love kung overtime na naman ako ang kong tinapos na paper works"Hinalikan niya ako sa labi.
"Its okay love alam ko naman na para yan sa magandang performance mo sa kompanya""I love you."
"I love you too, abbie,mi amore"
"Should we go na para makahabol pa tayo sa sinehan."
Sinuotan ako ng helmet ni bryce bago sumakay sa motor at umangkas na ko sa motor nito bago pinaandar.
Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang bulto ni sir. Dela vega na nakapamulsa at mukhang kanina pang nakatingin sa'min mula sa entrance ng building.
Akala ko nakauwi na ito?
KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa office at nagayos ng mga gamit sa desk ko para magawa ko ng maayos ang trabaho.
"Goodmorning ms. Ortega" baritonong boses ni sir. Dela vega ang nagpagulat sakin ngayon sa harap ng desk ko.
"G-good morning sir" ngiting bati ko sa kanya at umayos ako sa pagkakatayo para maging presentable.I saw his ghost smile from his lips.
"Did you finish your paper works? Come to my office later if your done." Sabay alis at dumeretso na itong opisina.
Narinig kong nagsinghapan ang mga kaoffice mate ko.
Tumayo si issa at napatakip ng bibig sa gulat.
"Oh my god, totoo ba ang narinig ko? Parang nag iba ang ihip ng hangin ngayon kay sir.?"
"Oo nga anong meron ha?" Siniko pa ako ni erica sa tagiliran.
Nakunwari na parang naiiyak naman si nikki at paypay pa ang sarili gamit ang kamay nito.
"miss ortega please wag ka nang umalis dito dahil magmula nung dumating ka hindi na mainitin ego ni sir."
Napailing na lang ako sa mga kadramahan nila sa buhay, imposible naman na si sir na magkagusto sakin dahil mukha naman na wala siyang interisado sakin at saka alam na nito na may boyfriend na ako.
Baka nagagawa ko lang ng maayos ang trabaho kaya hindi pa ako sinesermunan.
Narinig kong nag beep yung phone ko.
At nakita kong nag chat ulit sakin si bryce.
LOVE:
G'morning love, have a nice day and take care always. Love you.
ngumiti ako habang nagtipa sa phone ko.
Me:
g'morning din and don't forget to eat you lunch ha.
Then I sent it to him at nagstart na ako magasikaso ng mga dapat na tapusin.
Time Fly So fast, at last this the moment na inaasam-asam at miniminthi ng bawat mag-aaral o ng bawat tao.
Ang mag-aral ng kolehiyo ay hindi biro, there are times na iyyak ka ng luha dahil sa thesis na hindi mo matapos-tapos. Samahan mo pa ng sandamakmak na Gawain like essay, magrereview kasi may surprise quiz.
Pero iba pala sa pakiramdam na na achieve mo hanggang dulo ang dating pinapangarap mo lang.
Thankful ako dahil sinuportahan ako ng pamilya at ng mga kaibigan ko sa bawat hakbang na tinatahak ko.
and to my friends I will never forge all the times we had, this is the start of the new journey for us.
"CONGRATS ANAK!" Sabi sakin ni mama at papa.
Niyakap ko silang dalawa sa sobrang saya.
Ngayon kasi ang araw na pinakahihintay namin, yun ay ang makagraduate ako ng college.Sa wakas at makakatulong na ako kila mama at papa.
Katatapos lang ng graduation ceremony namin at kasalukyan na kaming nag pipicture habang suot-suot pa ang itim na toga.
I felt proud for myself because this is my biggest achievement I reached so far.At ang edukasyon ang kayamanan na hinding-hindi makukuha o mananakaw nino man.
"Hi, hija i'm glad na graduate na kayo ng anak ko" sabi ni tita aurelia na mama ni bryce.Naipakilala na niya ako sa parents niya nung 1st monthsary namin.
"Love,congrats sa'tin dalawa" ani ni bryce at yumakap ng mahigpit sakin.grabe ang saya na makapag tapos ng pagaaral.
Yung pagod, yung puyat, yung minsan namin pag-iyak dahil sa sobrang stress at minsan sa dami ng paper work na kailangan tapusin bago ang deadline. lahat yun ay magiging worth it dahil ito yung magiging way to success namin.
"Congrats din love" gumanti rin ako ng yakap sa kanya.Kalaunan ay hinakawan nito ang mukha ko.
"Happy 1st anniversary love" ngiting sambit nito sakin.
"Happy 1st anniversary satin love" tili ko sa kanya sabay yakap ulit.
"Oy guys!" Sigaw samin ni nikko.
"Congrats to the all of us" sabi ni marcus.
Si marcus ay c*m laude kaya nakaka proud dahil deserve na deserve niya yon.
Nag picture kaming buong tropa na kapwa abot tenga ang ngiti nasa gitna si marcus na kagat ang medal at nasa gilid si mika naka nataas ang kamay at akbay nito si chesca at sa dulo naman si lincoln. Kami nila bryce sa kabilang side ang magkakatabi habang magkayakap naman sila nikko at leigh.
At si nikko na loko-loko ay ang nagpapicture na kasama si bryce na kunwaring hinimatay at maarte pa nitong sapo ang noo. nakakatawa talaga to si nikko.
Sumakay kami ng van na nirentahan ng mommy ni bryce.Kasama namin si mama at papa, pati si tita aurelia at tito eugenio.
Nakapuwesto kaming dalawa ni bryce sa likuran. Magkayakap at kapwa masaya.
"Love, kapag nakahanap na tayo ng magandadang trabaho at nagkaroon na tayo ng sapat na pera ay maglilive-in na tayo ha." sabi ni bryce sakin.
Lihim akong napangiti dahil ngayon pa lang nagpaplano na si bryce para sa magiging buhay namin after namin makakuha ng trabaho.
KUMAIN KAMI sa isang restaurant. Kaharap ko sa bryce sa table napapagitnaan ako ni mama at papa at si bryce naman ay katabi ang mommy at daddy nito.
Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan kami ni la tita tungkol sa mga naging experiences namin sa college life.
"So ano na ang plano nyong dalawa?" Tanong ng daddy ni bryce.
Uminom muna ng tubig si bryce bago sumagot.
"For now maghahanap muna kami ng trabaho then balak namin na bumukod kapag kaya na namin, at nakapag ipon na, gusto na namin na maglive-in dad."
"Sigurado na ba kayo sa magiging desisyon ninyo?" Saad ni mama at tumingin sakin.
"Ma, plano pa lang po namin ito na magsasama na kami at kasalukuyan pa lang po namin itong pagiisipan." Hinawakan ko ang kamay ni mama.
"Well, pagisipan niyo ng mabuti ang magiging desisyon pagdating sa bagay na iyan. Dahil hindi magiging madali ang buhay nyo lalo na't naguumpisa pa lamang kayo sa career niyo." Sabi ni papa.
"tama si kumpare, mas maigi munang mag focus muna kayo at saka niyo na iyan pagisipan kapag naging mabuti na ang posisyon niyo sa magiging career niyo." Sambit ni tita aurelia.
"Hija, iniexpect kong igaguide mo ng mabuti itong si bryce. At habaan ninyo ang pasensya sa bawat isa" Sabi ni tito eugenio.
"Dad, naman parang sinasabi ninyong pabigat lang ako kay abbie."
"Basta kayong dalawa" turo samin ni tita aurelia.
"Alam kong malayo ang mararating niyo lalo ka na abbie. Kaya sana wag kayo magpadalos dalos sa mga desisyon ninyo dahil hindi na kayo mga bata pa at kaakibat niyo na ang responsibilidad." Sambit nito sa amin dalawa.
"Opo, tita makakaasa po kayo" sabi ko
"At ikaw bryce" tawag ni papa kay bryce.
"Kung sakaling mawala na ako sa mundo-"
"-pa, wag naman kayo magsalita ng ganyan" putol ko sa sasabihin ni papa.
"Sana tumayo ka bilang ama at asawa sa anak ko at gawin mo ang dapat na gawin ng isang tunay na lalaki. At gabayan mo ang anak ko at alagaan mo siyang mabuti at ituring mo siyang parang reyna....at wag mo siyang hahayaang masaktan o umiyak. ipangako mo iyan sakin" mahinahon sa sabi ni papa kay bryce.
"Opo, tito makakaasa po kayong hindi ko sasaktan si abbie. Mahal na mahal ko po ang anak niyo." Anito kay papa at lumingon sakin at nginitian ako.
NAPABALIKWAS AKO ng bangon dahil nakatanggap ako ng mensahe sa email acc. Ko Na tanggap na raw ako sa trabaho at magpapasa na lang ng ilang requirements sa susunod na araw. At hindi rin magtatagal makakapagstart na raw ako ng trabaho.
Ang lapad ng ngiti ko dahil ito yung pinakahihintay kong araw, ang makapasok sa kompanya na may magandang posisyon.
Agad kong tinawagan si bryce.Makalipas ng ilang pag ring ay sinagot agad ni bryce.
"Hello love, ba't ka napatawag" his husky voice at halatang nagising ko ito mula sa mahimbing na tulog.
"Guess what?....may interview na ako sa RST company!!!"
"WHAT! Congrats love you deserve it" maligayang sabi nito.
"Akala ko hindi na ako mkakapasok dahil isang linggo na ang nakakalipas magmula nung nag pasa ako ng resumè".
"Ikaw, natanggap ka na ba?"aniya.
"Love, oo-"
"Talaga congr-"
"Kaso love....malayo sa kompanyang papasukan mo."
"it's okay love kaya natin to."
"No, actullay itatry ko na lang mag apply sa ibang kompanya na malapit lang sayo."
"Pero magandang posisyon ang binigay sayo kaya itake mo yun sayang naman ang opportnity." Aniya para kumbinsihin na tanggapin na nito ang trabaho.
Gusto kong tanggapin nito ang offer dahil sa panahin ngayon pahirapan na ang pagkuha ng trabaho at minsan yung iilang tao ay hindi related sa course ng nagiging trabaho.
Hindi hadlang ang pagitan ng distansiya namin sa trabaho para hindi kami magkita, pwede naman kami mag facetime o videocall o kaya naman magchat kung sakaling hindi kami magkikita o busy sa isa't isa.
'To be continued'