MIACAH’S POV Nakaharap lang ako sa salamin sa loob ng kwarto ko sa house namin. Pinagmamasdan ko yung sarili ko. Masaya nga ba ko? Oo naman. Siguro. Engagement party namin ni pawee ngayon. Pero after nung magkita kami sa school hindi na nya ko ulit kinausap. Ang daming kong tanong. Kanina bago ko umuwi dito sa bahay. Nagusap kami ni mommy. Ewan ko ba pero parang may gusto syang sabihin sakin pero di nya masabi. Yung nasabi nya lang is. “be strong honey. Be prepared” Ewan ko pero sobra akong naguluhan sa sinabi nya. Alam nya kasi na nagkakasundo kami ni pawee. Nakatulala lang ako. Iniisip ko pa rin sya. Halos 7pm na. Naka dark green akong damit na kita yung likod ko. Lalong lumabas ang kaputian ko. Tama lang ang make up ko. Ayoko kasing magpakaayos ng muka. TOK! TOK! TOK

