“MAMA, hindi ka talaga sasama sa amin ni Papa?” Napatigil si Andrew sa pagpindot ng cellphone nang marinig niya ang tanong na iyon ni Zeus kay Zarina. Napatingin siya sa dalawa. Nasa tabi ni Zeus si Zarina habang abala naman ang huli sa pag-aayos sa mga gamit ni Zeus na dadalhin niya sa pagbisita nila sa kanila. Kagabi ay kinausap niya si Zarina kung pwede ba niyang hiramin ng isang araw si Zeus. Gusto kasi niyang ipakilala ang anak sa ina at sa kapatid. And his mother and sister is dying to meet his son. Mabuti na lang at pumayag si Zarina sa pakiusap niya. Mukhang tinupad nito ang sinabi nito sa kanya na bibigyan siya nito ng karapatan kay Zeus. Gusto sana niyang sabihin na sumama din ito sa kanila pero natatakot siyang mapahiya. Baka kasi tanggahin siya nito. “May ibang gagawin kasi

