Napapikit na lang ako ng mariin sa pagbagsak ng picture frame. Bakit kasi palagi akong kinakain ng kuryosidad ko sa katawan? Hindi talaga magandang makiusyoso sa mga bagay na wala kang kinalaman. Ayan tuloy nakasira pa ako.
Napakamot na lang ako sa batok ko sa sobrang inis sa sarili kong kaengotan. Bakit ba ako dinadapuan ng kamalasan?
Ano ng gagawin ko dito?
Dahil bumukas ang pinto sa sobrang pagkataranta ko pinulot ko yung basag na picture frame. Nanginginig pa nga yung mga kamay kasi kinakabahan na talaga ako. Mas lalo ko lang pinahamak ang sarili ko.
Sa pagpupulot ko ng mga bubog aksidenteng nahiwa ang daliri ko. Nagkamali ako ng hawak, imbis na sa smooth surface ng glass dun ako humawak sa pinakamatalim na parte.
"Bilisan niyo naman ang babagal niyo" Hala nandiyan na sila!
Ano ng gagawin ko? Sipain ko na lang kaya sa ilalim ng lamesa? O di kaya itapon ko sa bintana? Isip Narumi bakit ba hindi gumagana brain cells ko ngayon.
Napapikit na lang ako ng mariin kasi nakapasok na sila sa kwarto at ayun hindi na ako nakagawa pa ng paraan para ligpitin ang kalat na ginawa ko.
"Ate nand-- Hala ate your bleeding!!"
Hinatak ako kaagad nung babae pagkatapos niyang isara ang pinto. Napansin kong may mga kasama siyang dalawang lalaki na kagaya niya ang uniporme. Magkamukhang magkamukha silang dalawa, kambal sila! Sumunod sila saamin palabas ng kwarto.
Dinala ako ng misteryosong babae sa clinic.
Kung tutuusin hindi yata ito clinic, parang hospital kasi ang laki. May mga nurses sila atsaka doctors na busy sa mga ginagawa nila. Ang yaman nga talaga ng school na 'to. Hindi na kataka-taka kung bakit karamihan sa mga pumapasok rito ay galing sa mayamang pamilya.
Pagkadala saakin nung babae may lumapit kaagad saaming nurse na siyang naglinis sa sugat ko at naglagayan ng bandage.
"Ayan magiging ok na din yan. Ate naman kasi bakit hindi ka nag-iingat paano na lang kung mas malala pa ang nangyari sa iyo mabuti na lang talaga at nakadating kami kaagad"
Huminga ako ng malalim. Ate siya ng ate hindi naman kami close ni hindi pa nga siya nagpapakilala.
Maliit lang naman yung naging sugat pero kung magreact siya parang naputulan ako ng daliri. Kung tutuusin mas malala pa ang tinatamo ko kapag napapaaway ako saamin. Pero sabagay 'di naman nila alam 'yon.
Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Masyado na kasi akong naiilang sa kanya. Bakit siya ganoon samantalang hindi naman niya ako kilala.
Hindi ako sanay na may ibang taong nagaalala saakin bukod kay Lester at Tatay Ben. Bukod doon paano na lang kung naniningil pala siya, nagkautang na loob pa ako.
"O-ok na ako." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
Kapag nasanay kang mag-isa sa buhay mahirap talagang hayaan ang ibang tao na umalalay sayo. Kagaya ko dahil kailangan magtrabaho ni Tatay kailangan kong matutunang alagaan ang sarili ko.
Kung nagkakasugat ako, ako lang ang gumagamot sa sarili ko. Ayoko kasing maging pabigat sa Tatay ko. Wala man kaming koneksyon pagdating sa dugo, hindi ko yun naramdaman kahit na kailan.
Kagaya ngayon napahiwalay na ako sa kanya, mas lalo ko lang naintindihan ang importansya ng pagiging independent.
Tumango yung babae sa sinabi ko pero nalungkot yata siya. Samantala yung dalawang lalaki naman nasa likod niya lang. Mukhang nagbubulungan pa.
Masyado ba akong naging harsh sa kanya? Nakaramdam naman ako ng guilt pero ano namang magagawa ko? Ayaw kong mapalapit sa kahit na sinong tao dito sa eskwelahang ito. May trust issues talaga ako pagdating sa mga taong hindi ko kilala.
I'm just protecting myself.
Pinoprotektahan nga ba o sadyang takot ka lang?
Ok parang ganon na rin. Ano bay an kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya naging masaya. Pero halata na pinipilit niya lang. Wala naman akong magagawa atleast hindi ako nagpapanggap sa harapan niya.
"By the way ate magpapakilala muna ako sayo. Ako nga pala si Monica Marquez, 16 at magclassmates tayo."
Masaya niyang sabi. Kung ganun mas matanda pala siya saakin. Hindi halata na 16 na siya ang childish niya kasing kumilos. Mabuti at walang nambubully sa kanya? Hmmm pero hindi naman siguro lahat ng pumapasok dito bully, ako lang yata ang mabubully sa kanya kung magkataon.
Ang sama ko talaga. Pero teka, kaklase ko siya? Paano naman niya nalaman?
Tumikhim ang isa sa kambal. Dahil doon kaya tumingin na sa kanila si bata, bata na lang itatawag ko sa kanya, bagay naman sa kanya para siyang bata.
"Ay oo nga pala bago ko makalimutan magpakilala na kayo"
Sinenyasan niya yung dalawa na mukhang kanina pa nagpapractice magpakilala, yung isa lang pala. Kanina pa kasi siyang parang hindi mapakali. Ang cute naman ng kambal na 'to.
Magsasalita na sana yung isa sa kanila kaso naunahan nung isa.
"He's Chris and I'm Xian Lee and obviously we're twins."
So yung seryoso ay si Xian at yung medyo mahiyain ay si Chris. Magkamukhang magkamukha sila pero sa kilos at galaw kita na agad ang pagkakaiba. Alam ko kaagad kung sino sa kanila ang Xian at Chris.
Bigla namang nanlumo yung si Xian dahil sa ginawa nung kakambal niya. Ngumuso ito at hindi na maipinta ang mukha.
"Bakit ka ba nangunguna?" masama ang loob na sabi ni Chris. Nagtatampo talaga siya sa kapatid.
"Because you're too annoying. Ang bagal mo pang magsalita." si Xian na ang sungit. Ang lupit niya naman sa kapatid niya, naawa tuloy ako bigla kay Chris.
Dahil doon kaya nag-umpisa ng magbangayan ang magkapatid. Bukod dun nagkakasakitan na rin sila. Nakahalumbaba lang ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan ang pag-aaway nila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit sa kanila.
Ang swerte nila.
Hindi dahil sa nagaaway sila kundi dahil mayroon sila ng isa't-isa. Ano kayang pakiramdam ng may kaaway na kapatid. Ewan ko ba pero sumasakit ang puso ko nung naisip ko 'yon. Yung pakiramdam parang pamilyar.
Hindi na nakakatuwa ang pag-aaway nila, nakakainis na!
Si bata walang ginagawa para awatin yung kambal nakatingin lang ito sa dalawa. Ibig sabihin hindi niya kayang awatin ang dalawa. Sabagay wala naman talaga siyang magagawa nanonood lang siya.
Ayokong nakikita silang nag-aaway. Magkapatid sila kaya dapat hindi nila ginagawa ito. Tumayo na ako sa kinauupuan ko pero pinigilan ako ni bata. Hinawakan niya kasi ako sa braso ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya. Hindi ko naman sila gagawan ng masama aawatin ko lang.
Medyo kinakabahan ako sa gagawin ko pero kaysa naman manood lang ako at walang gawin. Kaya piningot ko ang dalawa para maghiwalay. Mas matangkad sila saakin kaya tumingkayad pa ako para lang maabot ko sila.
"Aray/Ouch" silang dalawa.
"Pwede bang tumigil na kayo sa pag-aaway? Nakakabingi na kayo. Para kayong mga bata, para yun lang? Sigurado ba kayong 16 na kayo? Kasi hindi halata!"
Grabe, nastress ako bigla. Kung siguro malalaman nila na mas matanda sila saakin mahihiya sila sa inaasal nila. Feeling ko tuloy naging instant referee ako.
Binitawan ko muna yung mga tenga nila baka maputol wala akong pamalit. Huminga muna ako ng malalim kailangan ko munag pakalmahin ang sarili ko bago pa ako makagawa ng mga bagay na pagsisisihan ko sa huli ewan ko ba pero parang kailangan ko talagang maging vocal sa nararamdaman ko.
Tinignan ko ang dalawa na naghiwalay na pero masama naman ang tingin sa isa't-isa habang hawak hawak ang kanilang mga tenga.
"Alam niyo ang swerte niyo dahil kambal kayo. You have each other's back. Dapat hindi kayo nag-aaway. Oo hindi maiiwasan pero sana naman sa may mas sense na bagay. Ang immature kasi."
Bakit ganun? Parang naiiyak ako na ewan.
Nginitian ko ang dalawa atsaka ginulo ko yung mga buhok nila. Hindi ko gawain ang mga ganitong bagay pero nung tumuntong ako sa school na 'to parang ang dami ko na yatang nagawa na hindi ko naman kadalasang ginagawa.
"K-kaya magsorry na kayo kung ayaw niyong ibitin ko kayong patiwarik"
Tsk, hindi ako nag-aalala. Nakakainis lang na may nag-aaway.
"Tss sorry."
"Sorry."
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Magsosorry lang eh, parang first time sasabihin pero 'di bale at least napilit ko silang magsorry sa isa't-isa. Not so me pero satisfy naman ako sa nagawa ko.
Naputol ang moment naming dahil may pumasok na babae. At ang ganda niya! Tingin ko tuloy para siyang napapalibutan ng mga nagkikislapang ilaw!
Natulala ako sandal, teka nasa langit na ba ako?
Pero imposible hindi naman ako welcome doon.
Lumakad ito papunta saamin. Ang graceful niyang lumakad. Kabaliktaran ko siya, ang gaslaw ko kasing kumilos. Nainsecure ako ng kaunti, parang gusto ko na tuloy maging ganap na babae.
"Mukhang nandito na ang iba."
Nanlaki ang mga mata ko, hala lalaki siya?