Chapter 7

1151 Words
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bigla ko naman naalala na hindi na pala ako uuwi saamin simula ngayon. Dito na pala ako titira malayo sa nakasanayan kong buhay, naiisip ko pa lang yun nalulungkot na agad ako. Namimiss ko na si Tatay Ben. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa school park kung saan madaming puno at mga benches na makikita, maayos na nakahilera ang mga iyon. Kapansin-pansin din iyong magandang fountain dito na nasa gitna mismo ng lugar. At ginawa talaga ito para sa mga taong gustong makapag-isip ng mabuti. Ibinaba ko ang bag ko sa damuhan at sumandal sa punong nakita ko na sa tantiya ko ay ang pinakamalaki sa lahat. Kinuha ko din yung earphones ko at ipinalsak ito sa aking tenga. May nakapa naman ako sa bulsa. Ito yung kwintas na tanging alaala sa nakaraan kong hindi ko na naaalala. Itinaas ko ito at tinitigang mabuti  "Ano bang laman mo?" Kahit kailan hindi ko pa ito nabubuksan. Pero alam kong makakatulong ito sa paghahanap ko sa pamilya ko. Sa totoo lang dati nung bata pa ako sinasabi ko sa sarili ko na ako mismo ang hahanap sa kanila. Pero habang lumalaki ako nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. Naisip kong hindi naman na importante kung mahanap ko sila o hindi nakaya ko namang wala sila. Atsaka nandyan naman ang tatay ko at sapat na saakin 'yon. Siguro may dahilan kung bakit hindi ko na sila maalala. Ibinulsa ko iyong kwintas ko dahil wala namang magagawa kung tititigan ko pa iyon as if namang bubukas 'yon. Inayos ko na yung gamit ko at ipinagpag yung palda ko. Ang plano kong syesta bigla na lang nawala sa isip ko.  Kinuha ko na yung susi na binigay saakin ni Sato nung nagpunta kami sa office niya. Sabi niya nasa 3rd floor daw ang kwarto ko at nandoon na daw sa loob yung mga gamit ko ako na daw bahalang mag-ayos. "Shocks yung cellphone ko" kanina pa akong kapa ng kapa sa bulsa ko. Saan ko naman naiwan yun kaya naman pala walang sounds na lumabas sa earphones ko! Ang shunga ko talaga. Bigla kong naalala  na tumambay pala ako sa secret garden, mukhang naiwan ko doon. Nagmamadali kong pinulot ang bag ko atsaka pinuntahan ko yung secret garden. Pagkarating ko roon nakakapagtaka na hindi ito  nakalock ganoon kasi kahapon at parang wala namang pupunta dito ng mga ganitong oras. Nakakapagtaka ang daming nakakalat na panggarden na gamit? May lagnat ba ang mga hardinero dito? Kung kelan gabi saka maglilinis? Sabagay ano namang pakialam ko eh hindi naman ako ang gagawa at sila mabuti na rin yun hindi sila makakaabala kapag umaga sila naglinis. "Nandito ka lang pala" nakita ko yung phone ko sa lamesa nakapatong. Buti na lang walang nagtangkang kumuha. Aalis na sana ako dahil nakuha ko na naman yung ipinunta ko dito ng may marinig akong kaluskos. Napako ako sa kinatatayuan ko. Posible bang may multo nga? Parang pinagsisisihan ko ng pinagtatawan ko lang si Lester sa mga kinukwento niya. Dapat talaga bukas ko na lang kinuha. Akala ko wala na pero nakaramdam naman ako ng mga yapak na papalapit sa kinatatayuan ko. Ipinikit ko ng mariin yung mga mata ko. Naku po lord ayaw ko pa pong mamatay "H-huwag kang lalapit n-nangangagat ako!!"  Akalain mong may lumabas pang mga boses sa bibig ko may himala. Pero deretso pa din ito sa paglakad.   "Kinuha ko lang naman yung cellphone ko! Maniwala ka saakin wala akong kinuhang kahit na ano." naiiyak kong pahayag. Pero mas lalo akong natakot dahil may bigla na lang umihip na hangin sa may tenga ko na nakapagpatayo ng mga balahibo ko. "AHHHH! H***P KA PAPATAYIN KITA! " pinaghahampas ko ang kung sino mang gumawa noon sakin. Wala akong pakialam kung multo siya! "Bastos manyak bastos!!!" patuloy pa din ako sa paghampas. "Crazy... huwag ka ngang feeling bubuksan ko lang yung switch ng ilaw." napaayos naman ako bigla at tumabi  "Sorry naman." ok na din yun atleast hindi pala multo ang makikita ko  "Anong ginagawa mo sa garden ko?" Pagkabukas ng ilaw ay may isang gwapong mukha ang bumulaga saakin. Meron siyang mga itim na mata at matangos ang ilong niya bukod doon gulo-gulo din ang buhok niya at ang nakakainsulto lang ay yung height niya. Bakit ba nung nagsabog ng height natutulog ako? "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko!" May pagkabastos din pala ang lalaking ito nilamukos ba naman yung mukha ko. "Ano ba!" singhal ko. Ano bang problema nitong lalaking ito? Nakita ko na may pagkabigla sa mukha niya. Ano namang problema niya? Ah baka nagandahan sa mukha ko sabagay hindi ko siya masisisi kahit sino namang makakita ng dyosa matutulala. Habang naiisip ko ang kagagahan na iyon nakatanggap naman ako ng pitik mula sa kanya. Nakakarami na siya! "Huwag ka ngang mayabang atsaka kung bubulong ka lang siguraduhin mo na ikaw lang ang makakarinig." Ok? Nasabi ko ba 'yon ng malakas? "Ano bang pakielam mo ha? Buti nga nagsasabi ako ng totoo! Aalis na ako." Inirapan ko siya at tumalikod na sa kanya pero nabigla ako sa mga sunod niyang ginawa. Nagawa niya agad na mahawakan ang isa kong braso at ipinaikot ako paharap sa kanya. Masasabi kong mabilis ang reflexes niya pero hindi yun ang usapan ang awkward ng position ko nakaharap ako sa kanya at sobrang lapit ng mukha niya hindi lang 'yon nagawa niyang hawakan ang dalawang braso ko ng hindi ko namamalayan.  " I like your attitude mukhang may ibubuga but make sure na meron ka nga." Nakakaloko siyang ngumisi sa akin. Natulala naman ako sa mga sinabi niya at bago pa siya umalis ay ginulo niya ang buhok ko at nakapamulsang umalis. Nabalik lang ako sa realidad ng biglang magring ang phone ko. "Hello?" [Hi ate buti naman sinagot mo na yung tawag ko kanina pa kaya kitang kinokontak] Huminga muna ako ng malalim. "Ano ba 'yon?" [Tss ate naman eh pumunta ka na dito sa room mo may surprise kami] Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Huwag mong sabihin-" [Nagalit ba--- Hala alis na kaya tayo--- Shhh tahimik uhmm mukhang ganun na nga ate kaya bye see yah!!] Magsasalita pa sana ako pero pinutol na agad ni bata yung tawag. Ibang klase talaga sila kahit kailan paano sila nagkasusi? Mukhang magiging magulo ang school days ko nito. Umalis na ako sa secret garden. Sino kaya ang lalaking 'yon? He's too mysterious yet scary. Someone's POV Napahawak ako bigla sa  dibdib ko hindi ko alam kung bakit may ganito akong naramdaman at ng dahil sa babaeng iyon pa. It's not like siya yun dahil imposible naman yung mangyari.  Pinakikiramdaman ko ang pintig ng puso ko ng bigla na lang bumilis muli ang t***k sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ano ba itong nararamdaman ko? It's too strange yet so familiar. Sino ka ba talaga? Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD