3rd Person's POV Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Niccolo dahilan para mapatagilid ang mukha nito sa impact nang pagkakasampal sa kanya. Nanginginig si Narumi sa galit na nararamdaman, ang mga mata nito ay namumula hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Niccolo sa kanya. Hinawakan ni Niccolo ang panga, mukhang malakas nga ang sampal sa kanya dahil nagawa pa niyang ngumisi habang napapailing. "Bakit mo ginawa yun? Anung karapatan mo" na iparamdam saakin ang ganitong pakiramdam at paasahin ako gayong iba naman ang gusto mo? Hindi na naisatinig ni Narumi ang mga huling katagang iyon tanging sa isipan niya lamang iyon nasabi. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon, nagkakaganoon siya dahil itanggi man niya o hindi ay unti-unti na siyang nahuhulog sa isa

