"Punta kayo sa booth namin" "Paano tayo magkakaroon ng costumer kung nakasibangot ka diyan ha?" mangiyak-ngiyak kong pinuntahan ang pwesto ni Joanna saka pumunta sa harapan niya "Paano ako magiging masaya kong sa bawat taong lumalapit saakin pinagtatawanan ako? BUNNY? Horror?" masyado ko talagang dinidibdib ang lahat. Sa tuwing mag-aabot ako flyers at nabaabsa nila iyon ay natatawa sila dahil sino nga ba namang timang ang magsosoot ng pangchildren's party na damit kung ang theme naman ng booth nila ay pang-halloween? Nag-iwas siya ng tingin at hula ko natatawa na to kaya hindi makatingin saakin. Tingnan mo kanina napakataray pero nung narinig yung hinanakit ko kulang na lang mamatay sa katatawa "Sige pigilan mo pa yan sige ka baka sa iba yan lumabas" narinig ko pang nagtatatalak si Joa

