Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Totoo ba ito? Yan ang gusto kong itanong sa sarili ko. Hindi kaya nananaginip lang ako? Kinusot ko ang mga mata ko para makasigurong hindi ito panaginip miski pagkurot ay ginawa ko na din. " Want some?" Tanong ni William habang kumakain ng strawberry cake at prenteng-prente ang upo sa kahoy naming silya. Hindi nga ako nananaginip. Paano nila nalaman ang bahay ko? Tss sabi ko na nga ba hindi magandang ideya ang pagiiwan ko ng note, isa lang naman ang kilala kong may lakas ng loob na magisip ng ganito ka-lame na plano. And there I saw her smile awkwardly kaya inirapan ko lang siya. Anyway, ngumiti ako ng alanganin kay William at iwinagayway ang isa kong kamay senyales ng pagtanggi ko tumango naman siya bilang sagot. Ibinaba ko muna ang backpak

