Lunes. Natapos na ang isang linggong suspension na natanggap ni Narumi bilang parusa. Kasalukuyan na siyang naglalakad patungong library para manghiram ng libro at magtungo sa kanyang paboritong tambayan. Ang Circle na tinatawag dahil sa napalilibutan ito ng maraming puno. Walang masyadong tao dito dahil class hours. Masayang nilakbay ni Narumi ang daan patungo doon ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay may nakaagaw na agad ng atensyon niya. Tila may komosyong nagaganap doon sa may gate at kapansin pansing puro mga babae ang makikitang nakapalibot doon. Hindi na ito pinansin pa ni Narumi ngunit nagtaka siya sa biglaang pagtahimik ng pinagkakaguluhan naisip niyang baka may nagpasabog kaya nagsialisan? Mabuti na lang pala at hindi siya nakipagsiksikan doon dahil tiyak na baka knock-out

