Chapter 10

1442 Words
Kailan man ay hindi ko inakala na mangyayari ulit ito sa buhay ko. I'm sitting in front of Finn inside his house habang umiinom ng alak. "How are you? Ilang taon na rin tayong hindi nagkikita." He asked me. "I'm doing great. Simple lang ang buhay ko sa Locrasia and it's definitely not the type of life that a lot of people expected me to have. I like my job, my workmates and my tita." I answered him. I stared at the droplets of liquid that are slowly dripping down from the bottle. "That's great." Napansin kong hindi siya komportable sa pinag-uusapan namin dahil sa matamlay niyang tugon. "How about you? You've changed a lot. Mukhang big time kana ngayon ah." Ngumiti ako sakanya. Umiwas siya ng tingin. Something is bothering him, what is it? "Well, hindi naman 'yon bago para sa isang Finn Carson. Your dad is also famous kaya natural lang na ganon ka rin dito sa Mortias—" He cut me off. "I wish it's that easy." He took a sip from the bottle and continued talking, "You don't know how awful it is to be compared to your father. Everyone is expecting a lot of things from me. Hindi ko masabayan lahat, hindi ko kayang i-meet lahat ng 'yon." Nakita ko na biglang namula 'yung mga mata niya. Umiwas siya ng tingin at tumawa. "I can't blame them. My dad is a great cop at hindi mapapantayan 'yung serbisyong ginawa niya para sa lugar na'to. I'm just afraid, just afraid." He said in between his laughter. "Afraid of what, Finn?" "Natatakot akong madisappoint 'yung papa ko sa'kin. That's why I'm doing the best that I could to solve the problems in this messy town." I stood up and sat beside him. Tinapik ko nang bahagya ang balikat niya. "It's okay. Alam ko naman na maiintindihan ka ng papa mo." Alam kong mas importante sakanya ngayon na makahanap ng kaibigan na makikinig sa mga pinagdadaanan niya. Sa totoo lang, hindi mo talaga aakalaing may pinagdadaanan din pala siya because he looks like he is living the best life. "Sana nga. Sana ganon lang kadali 'yon para sakanya." "Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko nang bigla siyang tumayo at naglakad paalis sa lamesa. "Kukunin ko 'yung beer sa ref. Diyan ka lang." Aniya at naglakad siya papunta sa kusina. Ano bang pwede kong gawin? "Bahala na," I stood up and went to my room. KIinuha ko mula sa bag ang kahon na naglalagay ng mga tarot cards. "Tignan natin kung gumagana ka pa." Sabi ko at bumaba ako dala ang kahon. Naabutan ko sa sala si Finn na umiinom pa rin ng beer habang nakaharap sa kanyang cellphone. Umupo ako at inilapag ko ang kahon sa center table. "A-ano 'yan?" Nagulat siya sa dala ko. "Cards. You told me that I can read these cards, right? Susubukan ko kung totoo ang sinasabi mo." Inilabas ko ang mga baraha at inilapag ito sa table. "S-seryoso ka ba? Gagawin mo na 'yan ngayon?" He asked. Tumango ako bilang tugon. "Ano bang gusto mong malaman?" I asked him while I arranged the cards. Paano kung alamin ko nalang kung sino 'yung nasa likod ng mga pagpatay na nangyayari rito sa Mortias? "Alam ko na—" He cut me off. "I know. Alamin mo kaya kung meron bang krimen na mangyayari bukas, saan at anong oras. Kaya mo ba 'yon?" "Sigurado ka ba? Paano kaya kung alamin ko kung sino 'yung mga tao sa likod ng pagpatay sa mga inosenteng tao sa lugar na'to?" "Pero 'di ba you need to test you gift kung gumagana pa ba? Paano kaya kung alamin mo muna kung may may masamang mangyayari ba bukas? Kung magkatotoo man, then we'll try to know who's behind these killings." Seryoso niyang sabi sa'kin. Kung hindi ka rin sigurado, why did you bring me here? Inalis ko 'yon sa'king isipan. "F-fine. I will try." I tried to focus. Finn stood up, "Kukuha lang ako ng pagkain sa kusina." Naglakad siya papunta sa kusina. Robbery. Jewelry shop. Tomorrow. The street is dark and cold.  A man will be killed. "Oh? Napano ka riyan? Don't tell me your drunk already? Ilang bote pa 'yung ininom mo." God my vision is spinning. Naramdaman ko na nawalan ako ng lakas sa katawan. Nanghina ako kaya napasandal ako sa inuupuan ko. "H-hey, dahan-dahan lang." Lumapit siya sa'kin. Inilapag niya ang dala niyang beer sa center table atsaka hinawakan niya ang noo ko. I could feel the warmth of his palm. "Are you okay?" I'm starting to feel dizzy. Tumango ako bilang tugon sa katanungan niya. "f**k," Bulaslas ko. I tried to move my body to sit properly on my chair. "Ano ba kasing ginawa mo?" He asked me. He suddenly pulled his chair closer to mine and sat beside me. He grabs one of the beerbottle, "Kaya mo pa?" He offered me. "Tanga! 'Di na nga ako nakakaupo ng maayos dito tas bibigyan mo pa ako ng ganyan. Papatayin mo ba ako?" Bulong ko. Mukhang narinig niya ang sinabi ko because I heard him chuckled. "So, what did you get from that? Ano'ng nakita mo?" Tinignan ko siya bago ako nagsalita. "Isang sikat na jewelry shop ang pagnanakawan bukas ng gabi. Hindi ko alam kung anong oras o kung anong jewelry shop ang pagdidiskitahan ng mga robbers. May mamatay din, isang lalaki. Iyon lang ang maitutulong ko sa'yo. I'm sorry because I'm useless." Tumingin ako sa ibang direksyon at pilit kong itinago ang aking mukha mula sakanya. "Don't worry. You're not useless and thank you for that." Naramdaman ko ang marahan niyang paghagod sa aking likuran. I'm glad that I was able to help him but, "But, you can't just trust what I said. Paano kung hindi 'yon magkakatotoo? Hindi ako sigurado kung tama ang mga nabasa ko." Bigla akong nagalala sa ipinakita n'yang reaksyon sa sinabi ko. He looks too confident. "'Wag kang magalala, trust me on this one." 'Yon lang ang isinagot niya sa'kin. Ipinagpatuloy niya ang pag-inom sa bote ng alak habang ginagalaw ang cellphone. I rolled my eyes at him, he's still confident as ever. Hindi pa rin pala nagbabago si Finn. Nang maramdaman ko na medyo mabuti na ang pakiramdam ko, agad akong umakyat sa taas at humiga sa kama. "Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sana ay ligtas ang mga katrabaho ko at si tita." I stared at the ceiling. Nararamdaman ko na parang hinihila ako ng putting ilaw na nakakabit sa taas. Unti-unti nitong hinihila ang atensyon ko hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagising ako dahil sa tunog na narinig ko sa pintuan. Someone's knocking at the door. Umupo ako sa kama at napahawak ako sa ulo ko, "f**k! Parang mabibiyak 'yung ulo ko sa sakit." Sabi ko habang kinukusot ko ang aking mga mata. "Aadi?" I heard someone calling my name from outside the door. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito. Tumambad sa'kin ang bihis na bihis kong kaibigan. He smiled at me. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos na ba?" "Medyo. Ano bang pinainom mo sa'kin kagabi? Parang any minute now pwedeng mabiyak 'yung ulo ko dahil sa sakit." Pagrereklamo ko. "Don't blame me. I didn't force you to drink. Ikaw kaya 'yung kusang uminom at parehas tayo edi sana plakda rin ako sa kwarto ko ngayon but look at me, I'm fresh and hot." Pagmamayabang niya. "Whatever. Do you have work today? Ba't bihis na bihis ka?" "Yes," He simply replied to me. "Bumaba ka na para kumain. Or do you want to eat inside your room? I can ask manang to bring food up here." "Nako, 'wag na. Inaabala mo pa 'yung kasambahay n'yo. I can manage it. Bababa ako mamaya." Nakakahiya naman. Pagsisilbihan ako ng mga kasambahay nila e hindi naman ako kapamilya ni Finn. I'm nobody. "Okay, sabi mo 'yan eh." Aalis na siya nang may bigla akong naalala. "Hey, wait. 'Di ba sabi mo sa'kin babantayan mo ako? Kung aalis ka edi sasama nalang ako sa'yo." I took a step forward para makalabas ako ng silid. "Ah yeah, buti naman at sinabi mo." Bigla niya akong hinila pababa. I stared at his hand that is currently holding mine while we walk our way towards the living room. "Aadi, meet Dustin. He will look after you here while I'm away." Pagpapakilala niya sa'kin sa isang binata na nakaupo sa sala. Tumayo ang binata at nakipagkamayan sa'kin, "It's nice to meet you po, sir Aadi." Sabi niya. "Same here, Dustin." "Kung makapagsalita ka naman ng look after akala mo naman five years old pa 'yung kausap mo." Bulong ko kay Finn. Sigurado ba siya sa Dustin na 'to? Para kasing hindi niya kaya 'yung hand to hand combat 'pag nagkataon. "Hinay hinay ka lang sa titig mo. Maliit lang ang katawan ni Dustin but he can take a group of men all by himself." Bulong niya sa'kin. I just glared at him, "O siya, aalis na ako." Finn cleared his throat bago siya nagsalita. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ah." Tinapik niya ang balikat ni Dustin. "Sige po, sir. Ingat po kayo." Ani Dustin. Lumabas na ng bahay si Finn. "Dustin, kumain kana?" Naiilang ako. Ito ang unang beses na may taong nakabantay sa'kin. Finn is dead serious, huh? My life is really in danger. "Tapos na po, sir." Sabi niya. Tumango ako sakanya bago ako nagpaalam at dumiretso sa kusina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD