Chapter 9
Ellen’s POV
“Tss.”
“Are you mad?” nagtatakang tanong niya sa akin habang pababa kami sa mahabang hagdan ng school. Nanginginig ang mga tuhod ko kaya pilit kong nilalabanan ito. Dahan-dahan akong lumayo nang bahagya sa kanya.
“Bakit ang layo mo?” tanong niya ulit ng hindi ko siya pansinin. “Come here, Dainty,” aniya sa mahinang boses.
Hindi ako kumibo. Mahigpit kong niyakap ang aking sarili dahil nahihilo ako.
“Dainty, please?” pagmamakaawa niya pa.
Napairap ako. “Ang kulit mo,” inis kong sabi pagkatapos ay humakbang ako palapit sa kanya. Kaagad niyang hinawakan ang aking braso at umalalay sa akin.
Tahimik lang siya. Lumipas ang ilang minuto ay hindi ko na matiis. Huminto ako pagkababa namin ng hagdan. Wala masyadong tao dahil may pasok pa. Karamihan ay tumatambay sa cafeteria o kaya sa library. Inis ko siyang hinarap. Nagulat siya at namulsa.
“Bakit kanina ka pa nakatingin?” naiilang kong tanong. Pagkatapos kasi ay hindi na niya inalis ang kanyang paningin sa akin.
“Hmm. Why?”
“N-Naiinis ako.”
“Wala naman sigurong masama kung titigan kita. Unless, ayaw mo?”
Napalunok ako sabay yuko. Iniwasan ko ang kanyang mga mata. “A-Ayaw ko,” utal kong sabi.
Narinig ko siyang huminga nang malalim. “Hmm. Are you sure, Dainty?”
Napalunok ulit ako. Mahigpit kong ikinuyom ang aking kamao. “O-Oo.”
“Bakit parang hindi ka sigurado?”
Napairap ulit ako sabay lakad nang padabog. Kaagad siyang sumunod sa akin. Hanggang sa marating namin ang parking lot ay naiinis ako. Lalo na nang maalala ko kung paanong kumapit sa kanya ang babaeng iyon.
“Dainty, wait!”
Hindi ko siya pinansin. Napahinto ako nang bigla na lang siyang lumitaw sa harap ko. Nahawakan ko ang aking dibdib dahil sa gulat.
I held my breath.
“Are you mad… at me?” tanong niya sa akin. Naroon sa kanyang mga mata ang pagtataka. Tanong na hindi ko masagot ng harap-harapan. “Dainty, answer me.”
Bumuntonghininga ako. “H-Hindi,” sagot ko habang nakayuko. Ayaw kong makita niya ang ekspresyon sa mukha ko. Ayaw kong makita niyang nagsisinungaling ako. Ayaw kong malaman niya ang totoo.
“You’re lying.”
Mabilis akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi niya. “H-Huh?” nagtataka kong tanong.
“You’re mad. I know.” Namulsa siya at tinitigan ako lalo.
“H-Hindi. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit sa ’yo?” inis na tanong ko. Huminga ako nang malalim.
Hindi siya natinag at lalong sumeryoso. “You’re mad.”
“Sinabi ng hindi!”
“Then… why are you avoiding me?” Napamaang ako dahil sa narinig. Hindi ko alam kung paano depensahan ang sarili. “Simula nang makita mo akong kasama si Rissa—nanlamig ka.”
Napaigtad ako. Hindi ko alam kung paano mag-react sa sinabi niya. Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Kumunot ang noo ko. Talaga bang nanlamig ako? Napailing ako. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan,” sabi ko.
“You’re confusing me, Dainty.”
Lalo akong hindi mapakali. “H-Huh?”
“I have a question, Dainty. Answer me sincerely.”
Kinabahan ako sa sinabi niya. Para akong sinilihan sa sobrang kaba. Hindi ako mapakali. Gusto ko ng umalis at lumayo. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa mga sinasabi niya ngayon.
“Do you like me?”
Napalunok ako at napamaang sa kanyang tanong habang nakatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang isasagot. Humakbang ako paatras. “A-Ah… heh…”
“I like you, Dainty.”
Nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Kumabog nang mabilis ang aking dibdib. Hirap akong huminga sa sobrang kaba. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Napailing ako at lalo pang umatras nang humakbang siya palapit sa akin.
“I want your answer now, Dainty,” mariin niyang sabi. “I don’t want to prolong this feeling. Hindi ko na kayang labanan ’to.”
Mariin akong pumikit nang lumapat ang aking likuran sa malamig na bagay. I was cornered. Nakasandal ako sa isang sasakyan. Hindi ko siya masagot. Natatakot ako sa posibleng mangyari.
Biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Para bang—. “Mali ba ako?” Kaagad siyang umatras. “s**t! Umasa yata ako,” rinig kong bulong niya sa kanyang sarili habang napapailing. Pinitik niya ang kanyang bibig. “Pinagsasabi mo, Gio?” pabulong niyang tanong sa sarili.
Natawa ako nang mahina dahil sa nasaksihan. Tumikhim siya at umayos ng tayo. “I’m sending you home,” aniya saka binunot ang kanyang cellphone at nagsimulang magtipa. “I’ll booked a cab for you.”
Tumaas ang aking kilay hanggang sa mapakunot ako ng aking noo. “A-Ano? Akala ko ba ay ihahatid mo ako?” naguguluhan kong tanong.
Seryoso niya akong tiningnan. “Seriously? After you rejected me?” Tumingala siya saka bumuntonghininga. Bumagsak lalo ang kanyang mga balikat. “Sinasaktan mo naman ako, Dainty.”
Naglakad siya palapit sa akin at dumiretso sa driver's side. Sa kanya pala ang nasandalan ko. Binuksan niya ang pinto. Hindi man lang niya ako tiningnan. “You’re cab will be her in four minutes,” usal niya sabay yuko upang pumasok.
“Gusto kita.”
Mabilis siyang nag-angat ng paningin nang marinig ang sinabi ko. Naikuyom ko ang aking kamao at kinagat ang aking labi dahil sa sobrang kaba. Sinalubong niya ang aking paningin. Napaayos siya ng tayo.
“Gusto kita,” lakas-loob kong pag-ulit sa aking sinabi. “M-Matagal na,” dagdag ko pa.
Nagulat siya lalo dahil sa nalaman. Pansin kong napalunok siya. Wala sa oras siyang napasuklay ng buhok gamit ang sariling kamay sabay tawa nang mahina. Tumingin ulit siya sa akin.
“Are you serious?”
“Hindi ako nakikipaglaro, Kuya Gio. Gusto kita, matagal na.” Huminga ako nang malalim dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito.
“W-What? I thought you rejected me.”
“Kailan ba kita tinanggihan?” palaban kong tanong.
Mabilis siyang umikot at binuksan ang pinto sa passenger’s side. Nilingon niya ako. “Ihahatid na kita,” aniya saka inalalayan akong pumasok.
“Akala ko ba naka-booked ka na?” pang-iinis kong tanong sa kanya.
“Don’t ruin the mood, Dainty,” sagot niya sabay pasok sa driver’s side.
Napalunok ako nang mapansin siyang nakangiti. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan. “Bakit ka nakangiti?” usisa ko.
Nilingon niya ako habang pinapaandar ang makina ng sasakyan. Inabot niya ang aking pisngi. “I’ll court you.”
Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. “H-Hindi!” Gulat niya akong nilingon ulit. “Ang ibig kong sabihin, let’s keep it a secret. Ayaw kong magalit si Kuya Nico sa akin, sa ’yo.”
Bumuntonghininga siya sabay tango. “Hmm. Sabagay. I’m sure magagalit siya sa akin pero hindi sa ’yo. Iisipin niya na matanda na ako para sa ’yo.” Malungkot niya akong tiningnan. “Ganoon din ba ang iniisip mo, Dainty?”
Mabilis akong umiling. “H-Hindi naman,” sagot ko kahit pa totoo namang mas matanda talaga siya sa akin. Pero, kahit nga si Ate Samantha ay mas bata kay Kuya Nicp ng ilang taon. Ayos naman silang tingnan. Bagay nga sila.
“Really? s**t! I think I’m too old for you.”
“Edi, tapusin na natin ’to.”
“What?” mabilis niyang tanong.
“Joke. Nagbibiro lang ako. Hindi pa nga tayo nagsisimula, eh,” sabi ko.
“Sinagot mo na ako, Dainty.”
“Hindi. Sinabi ko lang na gusto kita. Hindi ko sinabing sinasagot na kita. Hindi ka naman nanligaw, ah.”
“Edi, manliligaw ako sa ’yo. Sa bahay ninyo mismo.”
Pinanlisikan ko siya ng mata. “Huwag mong susubukan.”
Kunot-noo niya akong tiningnan. “Let’s keep it a secret, for now.”
Tumango ako. “Sagutin na lang kita ngayon. Huwag na nating patagalin ’to.”
Nagulat siya dahil sa sinabi ko. “Ang tapang naman ng Dainty ko,” nanunukso niyang sabi.
“Layuan mo yung babae mo,” sabi ko.
Kunot-noo na naman niya akong tiningnan. “Ah! Si Rissa ba?”
“Bakit? May iba pa ba?” taas kilay kong tanong.
Mabilis siyang umiling. “Si Venice lang naman ang nanggugulo sa buhay ko.”
Bigla akong napaubo. “S-Sorry.”
“No. It’s my fault. Lalo ka yatang na-stressed. Malapit na tayo kaya kumapit ka lang,” aniya. “Baka maabutan pa natin si Nico sa inyo.”
Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil baka nasa bahay si Kuya Nico. Hindi naman siguro siya magtataka kung bakit nasa sasakyan ako ni Kuya Gio pero… kinakabahan ako lalo na kapag si Manang Nuring ang makakakita sa akin. Sigurado akong tatadtarin niya ako ng tukso lalo na si Mang Ernesto.
“Sa daan ang paningin at baka mabangga tayo,” sabi ko dahil kanina pa pasulyap-sulyap sa gawi ko si Kuya Gio.
“Ang ganda mo kasi kahit may sakit ka.”
Nag-init ang aking pisngi dahil sa narinig. Nag-iwas ako ng tingin sabay hinga nang malalim. Humarap ako sa kanya saka ngumiti. Hinanda ko ang sarili bago nagsalita. “Ang guwapo naman ng boyfriend ko,” nakangiti kong sabi.