Cobra's POV Agad akong umakyat sa aking kwarto nang hindi nila nalalaman. Abala sila sa panunuod ng horror movie sa theater room. Saglit ko lang silang sinilip at nagpasya nang umakyat sa taas. Dumaan ako sa kwarto ng mga alaga ko para ibalik si Tomas sa kanyang bahay. Pabagsak akong nahiga sa kama na puno parin ng dugo ang damit. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang mga susunod na hakbang na aking gagawin. 'Mapatay ko lang lahat ng pumatay sayo saka palang ako titigil at makukuntento.' I decided to take a bath after a few minutes of thinking. Pagkatuyo ng buhok ko ay bumalik ito sa tunay na kulay. Late na akong nakatulog dahil sa pag iisip. Kinabukasan ay pasado alas diyes na ako nagising. "Kyaah!" Taipan "Whoa!" Black Mamba "Nice!" Vipers "It suits you Master." Death

