Chapter 1

1662 Words
Mataman niyang pinagmamasdan ang mga tanawin sa ibaba mula sa private plane kung saan siya nakasakay ngayon. Ilang minuto na lamang at lalapag na ito sa private airport na pag-aari mismo ng kanilang pamilya. "Ten years" Wala sa sariling sambit niya. Ten years siyang nanirahan sa Australia, malayo sa pamilya at mga mahal niya sa buhay. Isang sumpa ang tingin sa kanya ng sariling mga magulang. Labag man sa kaniyang kalooban na bumalik sa Pilipinas dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ng mga ito ay kailangan niyang bumalik. "Young lady we're here." Ani Melany, ang kaniyang personal maid. Ito ang tumayong magulang niya simula nang magka-isip siya. Malamig man ang pagtrato niya kay Melany ngunit mahal niya ito higit pa sa tunay niyang magulang. Tumango lamang siya at saka tumayo. Pagkababa nila ay sinalubong sila ng higit sa dalawampu na kalalakihan. Nakasuot ang mga ito ng black suit at nakahanay sa dadaanan niya. "WELCOME BACK YOUNG LADY!" Bati ng mga ito sa kaniya habang naka yukod. Walang salitang namutawi mula sa kanya at hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang gusto niya lang ngayon ay makarating agad sa pupuntahan. Tinungo niya ang kanyang kotse na pinahanda niya bago sila umalis ng Australia. "I'm leaving ." Tipid na paalam niya kay Melany. Naintindihan naman ito ng huli kaya tumango na lamang ito. Pagkasakay niya ng driver seat ay walang pakundangan na pinaharurot na niya ang sasakyan patungo sa lugar kung saan ang pakay niya. "Hey Bro, what's up?" Panimula niya bago naupo sa bench. "I'm here." Mapakla siyang ngumiti at napabuntong hininga. "Idiot haha! You promised that we will play soccer, you also promised to stay in Australia with me. You promised me that you will be a good doctor.-- you idiot! You broke your promises!" Pumiyok ang kaniyang boses sa huling sinabi. kasunod no'n ay ang pagdaloy ng masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan. "But you left me." Tuluyan na siyang napahagulgol sa sinabi. Lumuhod siya at hinimas ang larawan ng kaniyang kapatid sa puntod nito. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak, wala siyang pakialam kung maubos man ang luha niya ngayon. Gusto niyang makasama muli ang kaniyang kapatid. Sobrang mahal na mahal nya ito. Ito lamang ang naging kakampi niya noong mga panahon na itinuring siyang ekstranghero ng kanilang magulang. "Bakit mo pinabayaan ang sarili mo? You know that I’m not welcome in this place. Why did you let them kill you? Aaaahhh!" Napasigaw na siya sa matinding galit na nadarama. Gusto niyang pumatay ng tao ora-mismo dahil sa mala Demonyong galit na umaahon sa kanyang kalooban. "Kailangan nilang magbayad sa pagpatay sayo!" Tiim bagang na saad niya bago nilisan ang lugar na iyon.  ⚔️ Jared's POV ⚔️ "Good morning world!" Nag-inat muna ako habang nakahiga bago tuluyang bumangon. First day of school ngayon at graduating na ako ng Senior High School! "Jared anak bumangon ka na at baka ikaw ay ma-late." "Yes Mom! I love you!" "Love you too baby! Bumaba kana breakfast is ready!" "Okay Mom just a few minutes!" Pagkarinig ko ng papalayong yabag ay saka palang ako bumangon para maligo. Habang naliligo ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga naiisip ko. 'Makikita na naman kita!' Lalo pa akong napangiti nang ma-imagine ang kaniyang magandang mukha. ''Haha. You’re crazy man! In-love ka na talaga sa crush mo.'' ''Paki mo ba? Ang ganda kaya niya at matalino pa!'' ''Hangal ka na Jared , tandaan mo hindi ka pa puwedeng mag-girlfriend.'' ''Tsh! Alam ko kaya manahimik ka nalang!'' Parang baliw na kinakausap ko ang aking sarili habang mabilis na naliligo. Since old student naman ako ng V High, isinuot ko na ang aking uniform na white long sleeves at kaki slacks. "What's for the breakfast pretty Mom?" I asked and kissed her cheek. "Your favorite baby." Nakangiting sagot ni Mommy bago inihain sa plato ko ang sinangag, hotdog, bacon at daing na pusit. "Graduating na sa High School ang baby ko, hanggang ngayon wala pang girlfriend. Umamin ka nga anak, bakla ka ba?" Nabilaukan naman ako sa huling sinabi ni Mommy kaya nagkandarapa akong kumuha ng tubig. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kaniya ng hindi makapaniwala. "Mom what the heck are you talking about? Jesus Christ I’m not a gay Mom! Wala pa sa matalinong isip ko ang pag gi-girlfriend!" Hindi makapaniwalang sabi ko habang pinupunasan ang bibig. "Eh? crush meron?" Segunda agad niya. "Yup!" I said and try to hide my smile. "Yieh! I want to meet her!" "Mom hindi puwede." "Eh? But why?" Nanlulumong tanong niya na nakasimangot pa. "Nahihiya ako. Besides hindi ko pa naman siya girlfriend para ipakilala sa inyo." "Bakit ka naman mahihiya?" Napalingon ako sa nagsabi niyon. "Bro!" Masayang tawag ko sa kanya at agad na tumayo para yumakap sa kaniya. "Tss! para namang ang tagal nating hindi nagkita ah?" Saad niya nang maghiwalay na kami ng yakap. "Hahaha! oo nga!" Natatawang sambit ko at muling naupo. "So? Bakit ka naman mahihiya kung ipapakilala mo lang naman siya sa amin ni Mommy?" "Tsk! Eh ikaw kamusta kayo ng girlfriend mo?" Pag-iiba ko ng usapan. "As always, Break na kami." Walang gana na sagot niya.  Napailing nalang din si Mommy. Kahit anong pangaral niya kay Kuya ganito parin lagi ang nangyayari. "Pang-ilan mo na ba 'yon?" "I don't know. I guess 36?" "Whoah! Grabe ka Bro huh! Certified Casanova !” Natatawang sabi ko pa. “Anyway, why are you here?" Takang tanong ko, tahimik lang din si Mommy na nakikinig sa amin. "Bored ako sa condo. Naubusan rin ako ng stock sa fridge." "Kaya dito ka makikikain?" "Sort of?" Natatawang sagot niya. "Hahahaha!" "Kayo talagang mag-kuya!" Natatawang sambit ni Mommy Nagtawanan nalang kaming tatlo at nag kuwentuhan pa tungkol sa business trip ni Daddy sa italy. "Bye Mom I’m going!" Paalam ko kay Mommy bago humalik sa pisngi niya. "See you around Bro!" Tumango lang si kuya habang humihithit ng sigarilyo. 'Tsk! Ang aga-aga nag yoyosi na!' Kumaway pa ako sa kanilang dalawa bago paandarin ang kotse. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan ang sumabay sa kanta. ♫♫"You can try to resist Try to hide from my kiss But you know But you know that you can't fight the moonlight Deep in the dark You'll surrender your heart But you know But you know that you can't fight the moonlight No, you can't fight it It's gonna get to your heart"♫♫ 'Tsh! kabadingan mo na naman Jared.' Kumontra na naman ang isipan ko kaya pinatay ko nalang ang Radyo at naghanap ng CD. Nahagip ng guwapong paningin ko ang CD ng Westlife. Isinalang ko ito sa player at masayang pinakinggan ang mga kanta nila. Makalipas ang mahigit na kalahating oras ay narating ko na ang V High. Nag park ako sa dati ko ng slot at nakangiting bumaba. *BROOMM* *BROOMM* 'Ang ingay naman ng motor na 'yon. Tsk!' Nakita ko pang nagpark ito sa pinakadulo ng parking lot kung saan may puno ng Kalachuchi. Tumingala ang driver nito sa puno na suot pa rin ang tinted helmet. Hindi ko alam kung babae ba siya o lalake dahil balot ito ng kulay itim na kasuotan at maluwang pa sa katawan. 'Anong eksena niya? Tsk!' Tumalikod na ako bago pa niya ako makitang nakamasid sa kaniya. Baka isipin pa niya na tsismoso ako. Nag text ako kina Reorhey, Edem at Kevin habang naglalakad sa hallway. [Where the hell are you dumbass?] Sinend ko iyon sa kanilang tatlo at mayamaya lang din ay.... *Reorhey Calling...* "What!?" Inis na sagot ko sa kabilang linya. "Eras! Chill tol, masyado ka namang excited na makita ako niyan?" "Tsk! Ulol!" "I'm on my way kaya tiis-tiis na muna ang pagka-miss mo sakin Eras." "Gago ka talaga Rhey bilisan mo! Tawagan mo na ‘yong dalawa't sabihin mo bilisan kamo nila ang babagal ninyo!" "Oo na! Demanding mo talaga, sige na kita nalang tayo mam--" *Toot-Toot* Ako na ang unang nagbaba ng tawag bago pa niya ako maunahan. Loko ‘yon eh, gusto niya pag siya ang tumawag, siya din ang unang magbaba ng linya. "Jared!" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa nagmamay'ari ng magandang boses na iyon. "Mikaela!" "Hey! What's up?" Tanong niya nang makalapit na siya sa akin. "Mmm.. Ayos lang naman. Ikaw kumusta?" Malapad ang pagkakangiti na sagot ko. "I'm good!" Masayang sabi niya. "Magsusunog na naman ng kilay, lalo na sa Chemistry at Math! my god! Maaga akong tatanda nito at magkakaroon ng wrinkles!" Maarteng pagkakasabi niya.  Pero ayos lang iyon sakin maganda naman siya, at gusto ko iyon kapag nag-iinarte siya na parang bata sa harap ko. Siya ang tinutukoy ko na crush ko, si Mikaela. Junior High School at nakababatang kapatid ni Edem. "Hahaha! It's okay, you're still beautiful in my eyes kahit magkaroon pa ng maraming wrinkles ang maganda mong mukha." Biro ko sa kanya. "Naks, you haven’t change at all napaka bolero mo pa rin, Jared!" "Totoo yun!" Nakangiting sabi ko sa kaniya. "Anyway hatid na kita sa room ninyo." Anyaya ko sa kanya. Ang room nila ngayon ay ang room namin last year. "Okay let's go!" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room nila at nagsimula na rin ang bulungan tungkol sa aming dalawa ni Mikaela. "Bagay na bagay talaga sila" "Yieh! ang guwapo ni Jared!" "At ang ganda ni Mikaela!" "Sila na kaya Gurl?'' "Ang alam ko ay hindi pa." "Nanliligaw ba si Jared sa kaniya?" "Aba malay ko! Hindi ko alam ang mabuti pa ay tanungin mo nalang sila!" Nagkatinginan kami ni Mikaela at sabay naming sinambit ang salitang "Showbiz?" at nagtawanan. Ganyan lagi ang reaksyon namin pag nakarinig kami ng bulungan patungkol sa amin. Pareho kami ng goal ni Mika; study muna bago ang relationship. Dahil mga bata pa kami at marami pa naman kaming makikilala. Although crush namin ang isat-isa ay hanggang doon na lamang muna iyon. Nag promised kami sa isat-isa na kapag nakapagtapos na kami ay saka na lamang namin se-seryosohin ang mga feelings namin para sa isat-isa. "Oh dito na room mo." "Thanks Jared" "Tsk! Wala ‘yon. Study well Okay?" Sabi ko at ginulo ang buhok niya. Ayaw niyang ginagawa ko iyon pero dahil nasa mood akong asarin siya ay ginawa ko parin. "Hey! not again!" Aniya na nakasimangot at inayos ang nagulong buhok. "Hahaha! You're so cute! I have to go, see you around beautiful!" Sabi ko at kumindat. Pigil na pigil ang pagngiti dahil sa kilig na nararamdaman ko bago tumalikod at umalis. Narinig ko pa ang tuksuhan ng mga kaklase niya patungkol sa aming dalawa. Nakangiti ako habang tinatahak ang daan papunta sa Senior High building. May mga bumabati sa akin na mga kakilala ko at binabati ko din naman sila pabalik. Mayro’n din na kunyaring nahihimatay kapag ngumingiti ako sa kanila. 'Grabe ganoon ba talaga ang epekto ng kaguwapuhan ko sa kanila?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD