Chapter 42 Summoned Shawnna Gaile Arcinue “I’ll repeat it for you,” sabi ko. “Where is my friend?” Isang malakas na hangin ang bumulusok sa kaniya nang ipagaspas ko ang mga pakpak sa dereksyon niya. Ngunit gamit ang kagune ay itinulak niya ang sarili palayo hanggang sa makaapak sa isang balkonahe sa ikatlong palapag. Pagak siyang natawa. “Friend? A queen so high as yourself has a lowly friend called human?” Nakatingala ako sa kaniya habang lumilipad. Ang ganda ng kagune niya mula sa kinaroroonan ko. Kumikinang iyon sa ilalim ng buwan na sumisilip sa bukas na bintana. Para iyong mga bituin na sumasayaw sa hangin. “You will not understand. You will never understand how it feels to have a friend.” “Like what I have said, I don’t need anyone’s opinion. I do not need to have a friend so

