Chapter 56 Resurrect Shawnna Gaile Arcinue Pumikit ako. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Nagdala iyon ng kakaibang kilabot sa loob ko dahilan para magtayuan ang mga balahibo sa braso ko. Ikinalma ko ang sarili bago ang lahat. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang kalalabasan ng lahat ng ito. Tama si MJ. Walang mangyayari kung patuloy kong tatakbuhan ang katotohanan. Hindi makatutulong ang pag-aalala ko kung wala akong gagawin. Walang mangyayari kung patuloy kong ipipilit ang mga paraang naisip ko na alam ko namang walang patutunguhan. Kailangan kong gawin ito dahil ito lang ang tamang paraan. Kahit na masaktan ako, kung ito naman ang solusyon ay gagawin ko. Muli kong tiningnan si MJ para kahit papaano ay lumakas ang loob ko. Sa mga oras na ‘to,

