Chapter 60 Shawnna Gaile Arcinue “SHAWNNA!” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sumigaw sa tainga ko. Bubulyawan ko na sana kung sino man iyon nang mapagtanto kung ano ang nangyayari sa paligid. “Kailangan na nating umalis dito bago pa sila tuluyang magising,” ani Tanda habang inaalalayan akong tumayo. Sinipat ko ang kabuoan niya. “Ano ang nangyayari? Bakit ganiyan ang itsura mo?” tanong ko nang mapansin ang gula-gulanit niyang damit at ilang gasgas sa mukha. “Mamaya ko na ipapaliwanag. Sa ngayon, kailangan nating lumayo sa lugar na ‘to.” Nang sipatin ko ang paligid ay saka ko lang din napagtanto. “Si Venice. Nasa’n si Venice?” Natahimik siya sa naging tanong ko. “Nasaan si Venice, Tanda?” bulalas ko. Hinapit ko pa siya sa manggas ng damit niya nang hindi ko makita ang ana

