Chapter 47 Leaving Shawnna Gaile Arcinue Warning: SPG Huminga ako nang malalim bago hinayaan ang katawan kong bumagsak sa putikan. Nakatitig lang ako sa ma-bituin na kalangitan matapos kong gamitin ang Quinque. Hindi ko namalayang ginabi na pala ako. Ni hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng kagubatan dahil sa sobrang dilim. Makababalik naman ako agad sa resthouse. Gusto ko lang munang humilata rito, ‘di alintana ang putik na dumidikit sa balat ko. It’s been a while since I used half of my strength for training. Actually, hindi naman na talaga ako nagte-training maliban na lang kung kailangan. Pero nakalimutan ko na ang pakiramdam na ‘to. Para bang sobrang sabik ako sa isang bagay na hindi ko alam kung ano. Na kapag hindi ko ginamit itong kapangyarihan ko ay hindi ako masa-satis

