"Tigilan niyo nga yang dalawa. Nasa harap niyo ako." Sumimangot si Tyra Sayang ang kagwapuhan ng baklang 'to. Tsk. Nilingon ko si Sky na nakatuon ang atensyon sa phone niya. "Alam ba nila yung laro natin?" tanong ko "Hindi pa. They'll know after the game." sagot niya Ibinalik ko ang atensyon sa Delafuente na nakikipagkulitan kay Jame Brancen. I'm glad to see they're fine now. "Jame Brancen? Sa palagay mo, sinong mananalo sa laro niyo?" tanong ko sa kanya na nagpatigil sa kanilang dalawa at parehong napalingon sakin. "Magaling dumepensa yung magkapatid na Fortalejo lalo na si Vlad na mabilis kumilos at nakakashoot agad kaso..." Nilingon niya ang kapatid niya na pinapaikot ang bola sa hintuturo nitong daliri. "Nagsisimula nang mapagod ang kapatid ko." Naging seryoso a

