Untold Part of JK Delafuente When someone else happiness is your happiness, that is love Niligawan ko nga si Julie. Kinaumagahan ay maaga akong pumunta sa bahay nila para ipaalam iyon kay Tita Alice. "Good Morning po tita." bati ko sa kanya, hinalikan ko ang pisngi nito. "Good Morning JK. Tulog pa si Julie eh. May lakad ba kayo? Do you want me to wake her up?" Tatayo na sana ito nang pigilan ko ito. "Hindi po tita. Ikaw po ang sadya ko. Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na... Na liligawan ko po ang anak niyo." Kinakabahan ako pero nawala rin yun dahil sa malapad na ngiti ni Tita Alice at agad akong niyakap sa sobrang saya. Nagawa niya pa akong yugyugin habang nagtitili siya. Halatang ang saya niya. "Yes JK! Yes! You deserved my daughter! Binibigay ko na siya sayo! Alagaan mong

