Hindi ko na alam kung saan papunta ang dalawa kong paa. I just need to calm myself. Kailangan ko ng lugar na magpapakalma sakin. "Julie, wait!" Napahinto ako dahil sa paghawak niya sa pulso ko. Nanatili ang inis sa mukha ko. Ayoko siyang kausapin kung paniniwalaan niya rin naman pala ang sinabi ng babaeng yun. "Ipaliwanag mo nga sakin ang nangyari." Nanatili parin ang pagtataka sa mukha niya. Napahinga ako ng malalim. I need to calm first. "Hindi ko alam ang pinagsasabi ng babaeng yun. Yes, nagkasagutan kami kanina sa loob pero hindi ko sinabi sa kanya na nagagalit ako sa kanya dahil nakikipagdate siya kay Jame Brancen. Ang sinabi ko lang ay wag niyang pakialaman ang buhay ko." Ramdam ko ang pang-iinit ng tenga ko dahil sa inis. Akala ba talaga ng babaeng yun inaaga

