Hindi na nasundan ang shot ko. Pinanood ko nalang ang magpipinsang Delafuente na hindi parin tapos sa pagsasayaw. Namataan ko si Harel na hinihila si RM at isinisiksik doon sa isang babae. Si Jame Brancen naman pinapaligiran na ng mga babae at halos makita ko ang kamay niyang naglalakbay na sa beywang ng isa sa mga babae. May binubulong pa siya doon. Delafuente's natural asset huh. "Julie! Let's dance! JK! Pahiram muna ng girlfriend mo!" Hinila ako ni Sky. Kanina pa siya nakainom pero hindi pa siya gaanong nalalasing. Mataas ang tolerance niya sa alak kumpara sakin. Unti unting bumitaw ang kamay ko sa Delafuente na walang nagawa kundi bitawan ito. Hinila niya rin si Ellie sa tabi ni V at kapwa kami binitbit sa dancefloor. Si Cheyenne hindi nagpatinag at nanatili doon sa couch, parang hin

